Monday, April 9, 2018

Mga kumukontra sa pakikitungo ng Pangulong Duterte sa China, binanatan ng kilalang propesor!



DLSU Professor Van Ybiernas | Photo from Facebook
Bugbog sarado ang mga dilawan at iba pang mga hindi sumasang-ayon sa Pangulong Duterte sa pamamaraan nya ng pakikitungo sa bansang China.

Isang umaatikabo at mainit-init na sermon ang inabot ng mga kumukontra sa Pangulo kung kaya naman nagmistulang nabugbog ang mga ito sa pangaral ng isang propesor.

Si Van Ybiernas, isa sa mga kilalang masusugid na taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte, ay isang propesor na nagtuturo sa De La Salle University (DLSU). Sikat ang nasabing propesor sa social media partikular sa Facebook. Ito ay dahil sa mga hindi matatawarang komentaryo nya pagdating sa mga politikal na usapin: may pangil at walang kinikilingan.
DLSU Professor Van Ybiernas | Photo from Facebook
Sa kabila ng pabor na pananawa nito sa pamamahala ng Pangulo, nanatiling makatotohanan at tama ang mga komento ni Ybiernas sa mga ginagawa ni Pres. Duterte para sa bayan. Gaya na lamang ng diplomasyang ipinapakita ng Pangulo sa leader ng China na si President Xi Jinping.

Nagngangalit ang mga myembro ng oposisyon, lalo na ang mga dilawan, dahil sa ginagawang pakikipag-kaibigan ng ating Pangulo sa bansang itinuturing nilang kaaaway. Ito ay dahil sa nagaganap na agawan ng teritoryo sa South China Sea, ang Spratly Islands.

Sa kabilang banda, si Pangulong Duterte, bilang maituturing na pinaka-matalinong naging leader ng Pilipinas, ay hindi kaylanman itataya ang bansa sa ngalan ng islang ito.

Maging ang ilang mga eksperto ay alam ito, na malalagay sa alanganin o posibleng digmaan ang Pilipinas kung sakaling ipipilit ng Pangulo ang pag-angkin sa kabuuan ng nabanggit na isla kasabay ng pagpabor ng ruling sa ating bansa ng The Hauge Tribunal kaugnay ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
Chinese President Xi Jinping and Pres. Rodrigo Duterte | Photo from Facebook
Sa pamamagitan ng post sa Facebook, inilabas ni Prof. Ybiernas ang kanyang saloobin.

Sapul sa litanya ni Ybiernas ang mga taong walang ibang alam gawin kundi ang kontrahin ang Pangulong Duterte (lalong lalo na ang mga ayaw sa China) sa kanyang pamamaraan ng liderato sa kabila ng patuloy na pagsasaayos at pagpapaganda nito sa bansa.

Narito ang banat ng De La Salle University Professor:

Sumasakit ang ulo ko!

Galit ang maraming ulol sa pagkiling ni Duterte sa Tsina para sa napakaliwanag na dahilan: popondohan ng Tsina ang infrastructure requirements ng bansa.

Okay, bakit sila galit?
Chinese President Xi Jinping and Pres. Rodrigo Duterte | Photo CTTO
Dahil ayaw nila sa imprastruktura? Aba'y e di huwag magreklamo sa trapik. O kaya ay sa walang kwenta nating airport. Etc. etc.

Okay sila sa imprastruktura, pero ayaw nila sa Tsina. Okay! Kanino tayo kukuha ng pondo? Sa Hapon? E nagbigay na ang mga iyan. Sa Koryeano? Nagbigay na rin. Actually, lahat naman ng pwede natin pagkunan ng pondo sinusubukan natin. Maski na ang Amerika at Europa. Yun nga lang Tsina ang maraming pera ngayon. Maski naman mabutihan tayo ng Amerika at Europa bago maging pangulo si Duterte, hindi naman ganun kalaki talaga ang investment ng mga iyan sa ating imprastruktura kasi di rin naman karamihan ang pera nila.

Well, madaming pera ang Amerika at Europa pero hindi nila tayo priority. Maski noong unang panahon pa. Ang Tsina? Op kors, priority nila tayo kasi kailangan ng Tsina si Duterte para sa kanilang "soft power" projections, hindi lang sa Timog Silangang Asya o Asya, kundi sa buong mundo. Tayo ang halimbawa ng Tsina sa buong mundo na hindi sila masamang bansa; hindi sila bully kundi mababait sila. Kaya dudugo sila ng pera para sa atin.
Pres. Rodrigo Duterte | Photo CTTO
Ang Amerika at Europa? Hindi ganun katindi ang kailangan nila sa atin kaya hindi sila naglalabas ng pera para sa atin. Barya-barya lang ang nilalabas nila, kahit noong si Noynoy pa ang pangulo.

Okay! Hindi imprastruktura ang isyu! Soberanya! Pota! Pinamimigay ni Duterte ang Pilipinas sa Tsina.

Una, walang pinamimigay si Duterte. Ang nakuha ng Tsina sa Pilipinas sa West Philippine Sea ---nakuha nila ang Panatag sa atin--- noong 2012 nang ang pangalan ng ating pangulo ayyyyyyyyyyyyyy (drumroll please...) Benigno Aquino III.

Pangalawa, galit ka sa nakuha ng Tsina sa atin na puro mga bato at buhangin pero di ka galit sa Amerika na ang kinuha sa atin ang Guam at ilan pang isla dahil sa Treaty of Paris noong 1898. Opo! Dating bahagi ng Pilipinas ang Guam pero ninakaw sa atin ng Amerika yan bunga ng Treaty of Paris.
Pres. Xi Jinping | Photo CTTO
Hindi ka rin galit kay Ninoy Aquino na sinira ang plano ni Marcos na mabawi mula sa mga Malaysians ang Sabah. Sobrang pinayaman ng Sabah ang Malaysia dahil sa langis. Sinira ni Ninoy ang diskarte natin para mabawi yan. Tapos halos ipamigay ng mag-inang Cory at Noynoy ang Sabah sa Malaysia. Pero di ka galit?

Yung nakuha ng Tsina ang mga bato at buhangin, galit ka? At kay Duterte ka pa galit na hindi pa nakaupo ay naipamigay na ni Noynoy ang Panatag sa Tsina?

Pangatlo, sa Amerika mo gusto pumanig eh yan ang sumakop sa atin samantalang ang Tsina wala namang interes na sakupin tayo, at hindi nga tayo sinakop. Ang Amerika, milyong Pilipino ang pinatay noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Ang Tsina? Lugi pa nga sila sa atin kasi sa dami ng mga Chinese massacre na nangyari sa bansa simula 1603... Tayo ang pumapatay ng libo-libong Tsino; ang Tsino hindi naman pumapatay ng ganyan karaming Pilipino.

Hindi! Galit ka sa Tsina! Hindi sila mapagkakatiwalaan! Sa Amerika tayo magtiwala.

Kasi? Ano'ng buti ang nagawa ng Amerika sa atin? Ah dami silang aid na binigay sa atin. Oo kasi may US Bases dito dati. Nung nawala ang bases noong 1991, nagbigay pa ba ang Amerika ng ayuda sa atin? (Insert cricket sounds)

Kelan sila namigay ulit ng ayuda? Noong inareglo ni Erap ang Visiting Forces Agreement (VFA). Tapos nang sumama si GMA sa Coalition of the Willing at War on Terror pagkatapos ng 9/11. Kung wala ang mga iyan, may ayuda ba tayong matatanggap sa Amerika? (Insert cricket sounds)

Hindi! Masama ang Tsina! Komunista ang mga iyan!
Seryoso? Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha

Hindi! Ayaw pa rin sa Tsina! Kasi... uhmmm... kasi... ahhhhhh... kasi...

Alam ko na! Mas mabuting kakampi ang mga Kano kasi di nila tayo pababayaan!

Uhmmmmmmm, asan ang mga Kano nung kinuha ng Tsina sa atin ang Panatag? (Insert cricket sounds)(Put*nginang mga cricket ito dumadami at lumalakas ang tunog!)

Eh yun naman pala e! Kinuha na nga ng Tsina sa atin ang Panatag, makikipag-kaibigan pa tayo sa kanila!

Tanga! Kaya nga nila kinuha ang Panatag sa atin kasi inaway natin sila. Dati-rati ---actually hanggang ngayon--- payag naman sila sa joint venture dyan kasama tayo.

E hindi pa rin talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Bakit?

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah bastaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Boss, hindi aalis ang Tsina. Kapitbahay natin yan e! Mas mabuti na makipag-usap tayo sa kanila, makipagmabutihan imbes na makipag-away dahil sa pakikipag-away wala tayong panalo dahil ang tulong na inaasahan natin ay hindi darating dahil supot ang mga Kano!

Hindi pa rin! Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

Bakit na naman!

(Sa mahinang boses)Hindi pwede maging tama si Duterte...

Source: Van Ybiernas