Saturday, May 5, 2018

Isang malaking palaisipan na nag-uugnay kay Cayetano sa mga Dilawan



DFA Secretary Alan Peter Cayetano | Photo CTTO
Sadyang nakapagtataka lang talaga. Napapansin mo din ba ito?

Bukod sa mga makakaliwa, kilala ang mga dilawan bilang nangungunang oposisyon kontra sa administrasyong Duterte.

Sila ang mga palaging nangunguna sa pagtuligsa sa Pangulong Rodrigo Duterte sa bawat gawain nito, kahit pa malaking kapakinabangan sa nakarararaming tao sa bansa ang dulot ng pamamahala ng nasabing Pangulo.

Kasabay ng pagsita ng kanyang mga kritiko sa kanyang liderato ay ang pagpuna rin ng mga ito ulti mo sa kanyang mga kaalyado. Gaya na lamang ng ginawa nila kay Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at PNP Chief Ronald 'Bato' Marapon dela Rosa, na ngayon ay kapwa umalis na sa pwesto.
Photo CTTO
Dalawa lamang sila sa napakahabang listahan ng mga kakampi ng Pangulong Duterte na hindi pinapalagpas ng oposisyon, bukod sa paboritong nilang kastiguhin na si Esther Margaux Justiniano Uson (most commonly known as Mocha Uson), ang Assistant Secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ngunit base sa napansin ng ilang mga tagapag-suporta ng Pangulo, tila isang kaalyado ni Pangulong Duterte ang hindi masyado o talagang hindi binabanatan ng mga kalaban sa pulitika ng Pangulo. Bagay na hindi normal na gawain ng mga kontra sa Pangulo.

Isa na mismo sa mga pro-Duterte supporter na nakahalata dito ay si Van Ybiernas. Si Ybiernas ay isang kilalang propesor at historian na nagtuturo sa De La Salle University (DLSU).

Sa pamamagitan ng Facebook post, inihayag ng naturang propesor ang kanyang napansin sa pakikitungo ng oposisyon kay Department of Foreign Affairs Alan Peter Cayetano.
Photo CTTO
Aniya, sa halip na banatan ng oposisyon ang DFA Secretary, inuuna pa nitong upakan sina Asec. Mocha Uson, former DFA staff and Thinking Pinoy blogger RJ Nieto at Sass Sasot ng For The Motherland blog.

Narito ang kabuuan ng nabanggit na Facebook post:

If Cayetano is this important figure in the Duterte admin, bakit kaya di siya inaatake ng oposisyon kahit may clear opening para atakehin siya?

Imbes na si Cayetano ang tirahin ng oposisyon, sina Mocha, Nieto at Sasot ang target nila. Malinaw na vulnerable si Cayetano dahil sa mga kapalpakan niya.

Mga supporters pa mismo ng pangulo ang bumabanat kay Cayetano, hindi yung oposisyon.

Malaking palaisipan ito...
Photo CTTO
Sa isa pang Facebook post, nilinaw ni Prof. Ybiernas na wala syang galit sa nasabing kalihim. Bagkus, sadya lamang syang walang tiwala dito.

Dagdag pa nya, hindi naman nya ikinukubli na hindi nya talaga ito ibinoto noong nakaraang halalan kapalit ng suporta nya sa dating senador na si Bongbong Marcos bilang Bise Presidente.
Photo CTTO
Basahin ang kanyang ikalawang Facebook post patungkol sa kalihim:

May nagtanong: bakit daw ako galit kay Cayetano?

Hindi po ako galit sa kanya. Wala lang akong tiwala sa kanya.

Hindi ko naman tinatago na Duterte-BBM ang binoto ko noong 2016.

Nagtataka lang ako kung bakit parang binebeybi ng oposisyon si Cayetano.

Kasi kung ginagawa ng oposisyon trabaho nila at binanatan nila si Cayetano e di nanahimik sana ako.

Kaso may amoy isda e...

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
Screengrab from Ybiernas's Facebook post
Screengrab from Ybiernas's Facebook post
Screengrab from Ybiernas's Facebook post
Screengrab from Ybiernas's Facebook post
Screengrab from Ybiernas's Facebook post
Screengrab from Ybiernas's Facebook post
Source: Van Ybiernas