Tuesday, May 1, 2018

Mga nag-rally dahil sa ENDO sa kabila ng pagpirma ng Pangulo sa EO, basag sa PMA alumnus



Photo from Rappler
Tinutulungan na ng Pangulo, umaangal pa din?

Kahapon, May 1, ay ang araw ng mga manggagawa (Labor Day).

Naging surpresa para sa karamihan ang ginawang pagpirma ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Executive Order (EO). Ang nasabing EO ay nagbabawal sa mga illegal na contractualtization, isa sa mga nagpapahirap sa libo-libong pilipinong manggagawa.

Ngunit sa halip na maging masayang pagdiriwang sana ito para sa lahat ng mga araw-araw na bumabangon at nagpapakahirap na mag-trabaho, ay naging oportunidad pa ito para mag-alsa ang iilan sa ating mga kababayan.

Ito ay dahil matapos na pirmahan ng Pangulo ang naturang EO, ay ang mga nagkalat na mga raliyista na nag-alsa dahil diumano sa hindi matapos-tapos na pahirap ng ENDO (End of Contract).
Photo from Philstar
Ikinagalit ito ng isang netizen na taga-suporta ng Pangulong Duterte. Si Abe Purugganan, PMA alumnus, ay isa sa mga kilalang Duterte supporter simula pa lamang noong nangangampanya ang dating Davao City Mayor.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, binanatan ni Purugganan ang mga raliyista na tila galit pa sa ginawang tulong ng Pangulo.

Binigyang diin nito ang pagkakaiba ng mga nakaraang pamamahala kumpara sa kung anong klaseng liderato ang meron ngayon ang bansa.

Ayon sa nasabing pro-Duterte na netizen, ilang dekada nang lumalaban ang mga raliyistang ito ngunit walang nangyayari.

'Kayo, dekada nang lumalaban, katambal ang Labor Code, libong strike, daang libong rally, at kung ano-ano pang produksyon. Resulta: Wala.'
Pres. Rodrigo Roa Duterte | Photo from Philstar
Kumpara sa Pangulong dalawang taon pa lamang nakaupo subalit may aksyon agad na ginawa matapos nyang marinig ang hinaing ng mga manggagawa.

'Ang Pangulo, dalawang taon, sinsiredad, bayag at utak. Resulta: Executive order na iilaw sa daan tungong katapusan ng ENDO.'

Hamon ni Purugganan sa mga nagrarally na ito ay pag-isipan ang kanilang mga hakbang na tila palyado.


'Wala ba kayong napapansin? Di nyo nahahalata na may problema ang metodolohiya nyo? Andyan sa kandungan ninyo ang labor code, pero di nyo naisipang gamitin ito?'

'Na sa dinami-dami ng mala-teatrikong pagtatanghal; at sa tinagal-tagal ng pasundayag ninyo, ay palpak ang sistemang sinasandalan nyo?'

'Isipin nyo. Yan ay kung kaya ng utak nyo.'
Pres. Rodrigo Roa Duterte | Photo from Philstar
Basahin ang kabuuan ng kanyang Facebook post: 

Naka-ilang dekada na kayo kamo kumakalaban sa labor-only contracting? Tatlo? Apat? May labor code pa kayong sinasandalan nyan ha.

Anong resulta? Wala.
Abe Purugganan | Photo from Facebook
Tapos ngayon aasa kayo ng solusyong mahiwaga mula sa pangulo para sa problemang ito? At nang binigay ito sa inyo, reklamo pa rin kayo?

Teka muna ha. Timbangin natin...

Kayo, dekada nang lumalaban, katambal ang Labor Code, libong strike, daang libong rally, at kung ano-ano pang produksyon. Resulta: Wala.

Ang Pangulo, dalawang taon, sinsiredad, bayag at utak. Resulta: Executive order na iilaw sa daan tungong katapusan ng ENDO.

Wala ba kayong napapansin? Di nyo nahahalata na may problema ang metodolohiya nyo? Andyan sa kandungan ninyo ang labor code, pero di nyo naisipang gamitin ito?

Na sa dinami-dami ng mala-teatrikong pagtatanghal; at sa tinagal-tagal ng pasundayag ninyo, ay palpak ang sistemang sinasandalan nyo?

Isipin nyo. Yan ay kung kaya ng utak nyo.

Baka-sakaling malihis nang kahit sumandali ang mga sarili nyo mula sa paboritong gawain nyong pagrereklamo.

#KagatSubo
Abe Purugganan | Photo from Facebook
Source: Abe Purugganan

***Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.***