Friday, May 4, 2018

Mga tumitira sa mga magkakapatid na Tulfo, binomba ng isang sikat na Duterte supporter



Tulfo Siblings | Photo from News 5
Kabi-kabila ang mga banat sa magkakapatid na Tulfo ngayon.

Ito ay matapos lumutang ang kontrobersya sa Department of Tourism (DOT) advertisement.

Matatandaang kamakailan lamang ay ginulat ang taumbayan ng balitang nagsasangkangkot sa nasabing magkakapatid.

Ngunit sa kalagitnaan ng mga komosyon dala ng iba't-ibang reaksyon ng netizens mula sa magkakaibang panig, isang netizen ang naghayag ng kanyang opinyon pabor sa mga Tulfo.

Si Serafin Ledesma Jr., isang pro-Duterte supporter, ay isa sa mga kilalang masugid na taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isa sa kanyang mga bagong Facebook posts, binanggit nya ang mga achievement o proyektong naisakatuparan at napagtagumpayan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Martin Andanar. Gayundin ang kasikatan at suportang tinatamasa ng magkakapatid na Tulfo dahil sa kanilang walang katulad na katapangan at hindi maikukumparang dedikasyon sa kanilang paraan ng pamamahayag.
Tulfo Brothers | Photo CTTO
Sa nasabing Facebook post ni Ledesma, binigyang diin nya na walang masama kung maglagay ng patalastas ang Department of Tourism sa programa ng mga Tulfo.

'Ngayon, ang tanong na dapat itanong ay: anong mali o anong problema kung ang Department of Tourismo at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay maglalagay ng patalastas sa ginawang programa ng mga Tulfo? Sinong may paki alam kay Secretary Wanda? O bakit dapat mabahala si Wanda kung ang promosiyon ng DOT ay makakuha ng mga manunuod sa programa ng mga Tulfo?'

Dagdag pa nya, walang magandang maidudulot ang paghahanap ng butas ng mga kritiko dahil nagmumukhang lamang silang nilalamon ng inggit.

'Ang paghahanap ng butas o mali ay walang buting hatid sa mga kritiko kundi ang paninilaw dahil sa inggit.'
Photo CTTO
Narito ang kabuuan ng kanyang Facebook post:

Ang mga Tulfo ay kilalang pangalan sa larangan ng media o pamamahayag. Sila ay pinakikinggan, pinanunood at binabasa. Kaya ano ang mali at kontrobersiyal hinggil diyan? Dati silang nasa TV 5 ngunit ang pamunuan ng himpilang ito ay isinara ang marami nilang mga istasiyon at itinira lang ang isa upang panatilihin ang karangalan ng may ari nito.

Hindi ko kilala ang magkakapatid na mga Tulfo, sa kabila ng sila ay nag mula sa Davao Oriental, ngunit bukod sa kanilang kilalang imahe ng katapangan at paninindigan ay may maganda at magaling silang kaalaman sa pagnenegosiyo at kung magsasama ang magkakapatid sila ay pagsasama ng katapangan. Magkakasama silang umukit ng kakaibang produkto na nagbubukod sa kanila mula sa ibang taong may kaugnayan sa industriya ng pamamahayag o media. Ngunit personal ko na kilala si Wanda ang nag iisang kapatid na babae ng magkakapatid na tulfo, na nagmamay ari ng nangungunang ahensiya ng Philippine Airlines sa Mindanao.
DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo | Photo CTTO
Ang mga Tulfo ay gumagawa at bumubuo ng sarili nilang mga programa at ang nilalaman nito ay nagpapakitang gumugol sila ng malaking halaga ng salapi upang malikom ang mga eksklusibong materyales na nangangailangan ng kakaibang antas ng katapangan upang makunan. Si Ben, halimbawa na, ay tila bahagi ng mga mapanganib na operasiyon ng mga otoridad habang sila Mon at Erwin ay hindi nangingming magsalita at batikusin ang mga tiwaling mga opisyal ano pa man o kung sila man ay nasa katungkulan o kapangyarihan o mga palasak na kriminal. Inihahatid nila ang matinding mensahe direkta sa himpapawid at mga kinauukulan.

Nang sila ay lumipat sa PTV 4 at Radyo ng Bayan, bilang mga block-timers ang desisiyon na tanggapin sila ay marahil naging mabilis at madali. Ang mga himpila ng pamahalaan noon ay walang kabuhay buhay at hindi nakaka akit ng interes ng mga manunood at sila ay palagi ng nasa dulo at hulihan ng mga surveys. Sa isang banda, tanggapin natin, ang magkapatid ay tunay na tutol at lumalaban sa krimen sa anumang kategorya nito, at ito ay kasang ayon din o kaisa rin ng programa ng Pangulong Duterte,
Photo CTTO
Ang mga tusong grupo at mga tila maiingay na aso ng naghihingalong oposisiyon ay inakalang ang pag eere ng magkakapatid na Tulfo sa himpilan ng pamahalaan at ang kanilang produksiyon ay binabayaran ng pamahalaan ay iregular. Na si PCOO Sec. Martin Andanar ay dapat imbestigahan dahil sa pagpayag na ang magkakapatid na Tulfo ay makapag ere ng kanilang programa sa PTV 4.

Iyan ay isa na namang paraan upang gumawa ng intriga sa Presidential Communications Operations Office. Harapin natin ang katotohanan. Hindi sa kailan mang panahon na ang dami ng mga manunuod at tagapakinig sa himpilan ng telebisiyon at istasiyon ng radyo ay tumaas ng ganun o gaya sa ngayon. Para sa PTV 4 na mapunta sa pang apat sa mga himpilan sa bansa ito ay malaking karangalan na! ito ay tagumpay na maituturing dahil sa 18 analog na himpilan ng telebisiyon sa Metro Manila hindi pa kasama dito ang mga digital news channel. 

Ito ay maiuugnay sa sinimulan at isinagawang reprogramming o pagbabago ng mga programa ni Secretary Andanar at hindi mo maiaalis ang katotohanan na ang mga manunuod na dala ng mga programang ginawa ng magkakapatid na Tulfo. Samantala ang PTV ay nagpapatuloy sa ginagawang pagbabago kung saan pumasok na ito sa digital na paraan ng pagbobroadcast mula sa dating analog. 

Sa Davao, ang signal ngayon ay HD na kung saan binibigyan ang mga manunuood ng agarang alerto at babala kung may mga biglaang pagbabago sa lagay ng panahon na tatami sa anumang bahagi ng bansa. Si Secretary Andanar ay nahihiya pang akuin bilang ito ay kaniyang achievement o nagawa ngunit nais ko na ring sabihin dito na ang mag babago at pagsasa ayos ng mga kagamitan at pagpapalawak ng lugar na sumasahimpapawid ang mga himpilan ng telebisiyon at radyo ng gobyerno na kaniya ring pinasimulan ay nagsisimula na ang pag gawa.

Ako ay naging program director ng isang himpilan ng telebisiyon at radyo sa Davao ilang taon na ang nakakaraan. Ang mga advertising companies o mga kumpaniyang bumibili ng patalastas sa mga himpilan ay palaging titingnan ang mga resulta ng survey sa pag pili kung saan ilalagay ang kanilang mga patalastas para sa kanilang mga kliyente. Kung ang himpilan ay nagre rate o maraming manunuod o tagapakinig, ang mga kumpaniya ay titingnan kung anong mga programa ang may mataas na porsyento ng manunuod. 
PCOO Secretary Martin Andanar | Photo CTTO
Ngayon, ang tanong na dapat itanong ay: anong mali o anong problema kung ang Department of Tourismo at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay maglalagay ng patalastas sa ginawang programa ng mga Tulfo? Sinong may paki alam kay Secretary Wanda? O bakit dapat mabahala si Wanda kung ang promosiyon ng DOT ay makakuha ng mga manunuod sa programa ng mga Tulfo? Ang paghahanap ng butas o mali ay walang buting hatid sa mga kritiko kundi ang paninilaw dahil sa inggit.
Pres. Duterte | Photo CTTO
Source: Jun Ledesma