Ben Tulfo sa kuyang si Ramon Tulfo: “Wala ng career sa media kaya desperado maging Senador!” - The Daily Sentry

Sunday, July 15, 2018

Ben Tulfo sa kuyang si Ramon Tulfo: “Wala ng career sa media kaya desperado maging Senador!”




Ben Tulfo and Ramon Tulfo, composite photos from www.montulfo.com and Sam Perkinz (Google)
Naglahad ng sama ng loob ang kilalang Production Company Executive ng Bitag Media Incorporated (BMUI) na si Ben Tulfo sa kanyang Facebook account nitong Linggo, Hulyo 15, ukol sa kaliwa’t kanang paninira umano sa sikat nitong investigative at public service program ng People's Television Network (PTV) na “BITAG”


Matagal na aniya itong nanatiling tahimik mula sa panghuhusga na nag ugat lamang sa isyung kinabibilangan ng Department of Tourism (DOT) sa umano’y advertisement contract na ibinigay nito sa PTV na ipinaubaya sa Bitag Media Incorporated (BMUI) sa programang ‘Kilos Pronto’ na nagkakahalaga lamang ng P60 Milyon sa loob lamang ng isang taon.

Layunin umano ni Ben Tulfo na linawin ang pangalan nito sa naging kontrobersyal na issue ng Kilos Pronto at ang tamang panahon na simulan ito ay ang pagsiwalat ng kanyang matagal nang pagtitimpi ang ilahad ito sa Social Media sa pamamagitan ng Facebook.
Ramon Tulfo, photo from Youtube.com
Aniya, walang habas ang panghugusga ng media sa pamamagitan ng “Court of Public Opinion” sa mga balitang pinapalabas nito na tinuturingan pang PEKE di – umano ang mga ito simula noong pumutok ang isyu.

Depensa ni Tulfo, nagagawa naman umano ng programa ang mandato nito base sa kontratang pinag-kasunduan nito sa loob ng isang taon at kumpleto din aniya ang mga kinakaltas na buwis (VAT, Withholding Taxes) para maibalik sa pamahalaan kabilang na ang Income Tax ng BMUI.

Ibinulgar din ni Tulfo na ang tanging may pakana at puno’t dulo ng animo’y FAKE NEWS na ito ay walang iba kundi ang nakatatanda nitong kapatid na tinangging banggitin ang panglan. Sa kanyang post, sinabi nito na, “Marami pa siyang paninira laban sa akin pero hindi ko na siya papatulan. Hindi dahil sa natitinag ako, gusto ko pa rin siyang tirahan ng konting respeto.”

Malaki ang paniniwala ni Tulfo na PAMUMULITIKA ang motibo ng nakatatandang kapatid, gayon at laos na o “patay na” ang career nito sa media kung kaya’t nasikmura pa umano nito na siya (Ben) ang gawing “sacrificial lamb” para mapahiya sa publiko.
Ben Tulfo, photo from ABS-CBN News (Google)
Dagdag pa ni Tulfo, hindi man umano kabilang ang nakatatandang kapatid na ito sa tinaguri-ang T3 ngunit stratehiya nitong buwagin ang tatlo. ‘Sumasakay at umaangkas’ di – umano ito sa popularidad ng tatlong TULFO para lamang makamit ang pinapangarap na maging SENADOR.

Kaya’t tanging hiling na lamang ni Tulfo ay isama na lamang daw siya sa mga panalangin ng mga madla para pagkalooban siya ng lakas na loob at pasensiya na hindi patulan ang nakatatandang kapatid.

Narito ang kabuo-an ng kanyang post:

“MATAGAL NA AKONG NAGPIPIGIL!”

“Kaliwa’t kanan ang mga paninira laban sa akin at sa kumpanya kong BITAG MEDIA UNLIMITED INC (BMUI).

“Matagal na rin ang aking pananahimik. Matagal na rin akong galit at buwisit sa mga naglalabasang “sinalsal” na balita (sa salitang pangkalye).

“Hinggil ito sa isyu ng mahigit P60M na DOT advertisement na inilagay ng PTV sa BMUI sa programang Kilos Pronto sa loob ng isang taon.

“Hinusgahan na ako ng media sa pamamagitan ng “court of public opinion”. Lahat ng balitang naglalabasan ay maituturing peke.

“At ang pinakamalaking source ng FAKE NEWS ay ang aming nakatatandang kapatid na ayokong banggitin ang pangalan.

“Marahil “patay na” ang kaniyang career sa media kaya desperado ng maging SENADOR. Ako ang ginawa niyang pang-alay (sacrificial lamb).

“Kabisado ko ang laman ng kaniyang pag-iisip at limitadong kaalaman partikular sa isyu na kaniyang pilit na sinasakyan.

“May tamang forum kung paguusapan ang kontrobersiyal na isyu ng mahigit P60M ad at segment placement sa Kilos Pronto. May tamang panahon at tamang lugar para linawin ang isyung ito.

“May kontrata kami sa aming principal -ang PTV hindi sa DOT. Kumpleto kami ng mga dokumento at videos na hawak namin.

“Simula’t-sapul, kami sa BITAG MEDIA, wala kaming sinabing isasauli namin ang perang ibinayad sa amin ng PTV dahil naideliver namin ang kontrata sa loob ng isang taon. Kumpleto rin ang mga buwis (VAT, witholding taxes) na ibinawas sa amin at bumalik din sa pamahalaan. Maging ang income tax ng BMUI, bayad lahat sa pamahalaan.

“May kopya ang PTV at DOT ng mga video segments at spot placements na inilagay sa programang Kilos Pronto ng PTV.

‘Yung sinasabi nung matandang Tulfo na binansagan akong “black sheep” at magaling daw sa “sales talk” ay dala lang ng kaniyang inggit, poot, galit at may halong kasinungalingan.

“Puhunan niya ang pagmumura. Nitong nakaraang taon, ako na mismo ang nagpaumanhin sa social media sa simbahang kanyang minura.

“Stratehiya niyang ihiwalay ako sa dalawa kong kapatid (T3). Ginagamit niya ang taktikang “divide and rule” sa aming tatlo. Hindi siya kabilang sa T3 pero sumasakay at umaangkas siya sa popularidad naming tatlo para sa kaniyang pangarap na maging SENADOR.

“Marami pa siyang paninira laban sa akin pero hindi ko na siya papatulan. Hindi dahil sa natitinag ako, gusto ko pa rin siyang tirahan ng konting respeto.

“Isama niyo na ako sa inyong mga panalangin na magkaroon ng tibay ng kalooban at pasensiya na ‘wag ko na siyang patulan. Tulad nitong saltik at pitik kong post na ito.

“Sana ‘wag ng masundan pa ‘to.

****