Ben Tulfo slams brother Mon Tulfo: Pinakamalaking source ng Fake News - The Daily Sentry

Friday, July 20, 2018

Ben Tulfo slams brother Mon Tulfo: Pinakamalaking source ng Fake News



In his official Facebook page named Ben Tulfo Unfiltered, veteran TV and Radio Personality Ben Tulfo tagged his brother radio broadcaster and columnist Mon Tulfo as biggest source of FAKE News.
Ben Tulfo and Mon Tulfo / Photo from Sam Perkinz

This is according to the controversial issue of P60M Department of Tourism (DOT) advertisement of People’s Television Network, Inc. (PTV-4.)

According to Ben, the career of his brother is already dying and his desperation to become a Senator is the reason why he was used as a “sacrificial lamb.”

Marahil “patay na” ang kaniyang career sa media kaya desperado ng maging SENADOR. Ako ang ginawa niyang pang-alay (sacrificial lamb),” he said.

He also said that his brother is jealous of him that is why he was called as a “black sheep” in their family in one of his column.
Ben Tulfo / Photo from Interaksyon

‘Yung sinasabi nung matandang Tulfo na binansagan akong “black sheep” at magaling daw sa “sales talk” ay dala lang ng kaniyang inggit, poot, galit at may halong kasinungalingan,” he said.

However, Ben said that he will not fight back because he still wants to gave his brother a little respect.

“Isama niyo na ako sa inyong mga panalangin na magkaroon ng tibay ng kalooban at pasensiya na ‘wag ko na siyang patulan. Tulad nitong saltik at pitik kong post na ito,” he said.

Read his full post below:

“MATAGAL NA AKONG NAGPIPIGIL!”

Kaliwa’t kanan ang mga paninira laban sa akin at sa kumpanya kong BITAG MEDIA UNLIMITED INC (BMUI).

Matagal na rin ang aking pananahimik. Matagal na rin akong galit at buwisit sa mga naglalabasang “sinalsal” na balita (sa salitang pangkalye).

Hinggil ito sa isyu ng mahigit P60M na DOT advertisement na inilagay ng PTV sa BMUI sa programang Kilos Pronto sa loob ng isang taon.

Hinusgahan na ako ng media sa pamamagitan ng “court of public opinion”. Lahat ng balitang naglalabasan ay maituturing peke.

At ang pinakamalaking source ng FAKE NEWS ay ang aming nakatatandang kapatid na ayokong banggitin ang pangalan.

Marahil “patay na” ang kaniyang career sa media kaya desperado ng maging SENADOR. Ako ang ginawa niyang pang-alay (sacrificial lamb).


Kabisado ko ang laman ng kaniyang pag-iisip at limitadong kaalaman partikular sa isyu na kaniyang pilit na sinasakyan.

May tamang forum kung paguusapan ang kontrobersiyal na isyu ng mahigit P60M ad at segment placement sa Kilos Pronto. May tamang panahon at tamang lugar para linawin ang isyung ito.

May kontrata kami sa aming principal -ang PTV hindi sa DOT. Kumpleto kami ng mga dokumento at videos na hawak namin.

Simula’t-sapul, kami sa BITAG MEDIA, wala kaming sinabing isasauli namin ang perang ibinayad sa amin ng PTV dahil naideliver namin ang kontrata sa loob ng isang taon. Kumpleto rin ang mga buwis (VAT, witholding taxes) na ibinawas sa amin at bumalik din sa pamahalaan. Maging ang income tax ng BMUI, bayad lahat sa pamahalaan.
Mon Tulfo / Photo credit to the owner

May kopya ang PTV at DOT ng mga video segments at spot placements na inilagay sa programang Kilos Pronto ng PTV.

‘Yung sinasabi nung matandang Tulfo na binansagan akong “black sheep” at magaling daw sa “sales talk” ay dala lang ng kaniyang inggit, poot, galit at may halong kasinungalingan.

Puhunan niya ang pagmumura. Nitong nakaraang taon, ako na mismo ang nagpaumanhin sa social media sa simbahang kanyang minura.

Stratehiya niyang ihiwalay ako sa dalawa kong kapatid (T3). Ginagamit niya ang taktikang “divide and rule” sa aming tatlo. Hindi siya kabilang sa T3 pero sumasakay at umaangkas siya sa popularidad naming tatlo para sa kaniyang pangarap na maging SENADOR.

Marami pa siyang paninira laban sa akin pero hindi ko na siya papatulan. Hindi dahil sa natitinag ako, gusto ko pa rin siyang tirahan ng konting respeto.

Isama niyo na ako sa inyong mga panalangin na magkaroon ng tibay ng kalooban at pasensiya na ‘wag ko na siyang patulan. Tulad nitong saltik at pitik kong post na ito.

Sana ‘wag ng masundan pa ‘to."