Independent Store Owner, isiniwalat ang dayaan ng ilang negosyante sa pagbenta ng NFA Rice - The Daily Sentry

Tuesday, July 17, 2018

Independent Store Owner, isiniwalat ang dayaan ng ilang negosyante sa pagbenta ng NFA Rice



Joel Canlas Cabalu, composite photos from oel Canlas Cabalu (Facebook) and Inquirer News
Isang concerned Netizen at Political Advocate sa pangalan ni Joel Canlas Cabalu ang nagsiwalat sa umano’y katiwali – ang nagaganap ukol sa supply ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) nito lamang Sabado, Hulyo 14.

Ayon kay Cabalu, P27 nalang umano ang presyo ng NFA Rice ngayong taon subalit talamak naman ang mga tiwaling negosyanteng na sumasamantala sa presyong ito.


Aniya, marami sa mga sa mga negosyante ang tila kinagawi – an nang magbenta ng NFA Rice sa presyong halos doble sa pamamaraan ng ‘lipat – sako’ o ang pag – halo ng NFA Rice sa commercial rice para doble din ang ‘kita’ o income ng mga swapang na negosyanteng ito.

Mula P27, mabebenta na ng hanggang P43 ang kada kilo ng bigas sa merkado pag naihalo na sa ibang uri ng commercial rice ang NFA Rice. Sa paraang ito, possible umanong kumita ng hangga’t 50k o singkwenta mil sa loob lamang ng isang linggo ang mga bihasang mandurugas kung makakakuha ito ng 100 sakong NFA Rice linggo – linggo.
Photo from businessWorld
Ang impormasyon na ito ay ibinahagi ni Cabalu gamit ang kanyang Facebook Account at hinimuk ang ibang netizens na ikalat ang umano’y pananamantala ng ibang negosyante ng bigas.

Samantala, nailunsad naman noong nakaraang Huwebes, Hulyo 12 ng NFA ang kanilang hotline na layong tugunan ang reklamo ng mga mamimili ukol sa isyung ‘rebagging, resacking’ at overpricing ng mga bigas na ginagawa ng mga Rice Retailers.   

Tinawag itong “NFA Kontra Abuso Hotline” at may inatasang Provincial Manager o Investigator para suriin at patunayan ang paratang ng mamimili sakaling may reklamong dumating. Papatawan ng multa at kakanselahin ang Business Permit ng sinumang mapatunayang ginagawa ang naturang pandaraya.

Ang NFA Kontra Abuso Hotline ay maaring tawagan sa numerong 0927-871-5921.

Narito naman ang post ni Cabalu sa kanyang Facebook account:
Photo from Joel Canlas Cabalu
Maganda ang NFA na bigas ngayong 2018 27pesos lang ang isang kilo kaso yung mga kumukuha na negosyante, pag nalipat sako na 43pesos na ang benta ng tiwali at swapang na negosyante, jackpot ang swapang na negosyante. Halimbawa kukuha ng bigas sa NFA 100sack per week, ang bebenta lang 10sack ang 90 sack lipat sako na For 43pesos per kilo na ang benta, dahil dito kumikita ang tiwaling negosyante ng halos 50k a week sa kalokohang ito, (PASS THIS POST).

Basahin ang reaksyon ng mga Netizens sa ibaba:

Roman Oliva: Hindi magagawa ng mga ganid na negosyante ang modus na ito kung hindi wholesale na ibinebenta ng corrupt na NFA officials ang bigas nila sa mga ganid na negosyante! Ang mga corrupt na NFA officials na ito ang dapat pugutan ng ulo! 😉😉😉😠😠😠

Cepriano Necesito: Dapat accountability klangan dyan. Dapat required ang pagissue ng resibo for inventory purposes. Kung 100 kilo and binili sa nfa dapat sakto din sa supporting receipts na represent for audit at sa resibo with complete name and address ng buyer for verification purposes. Tingnan lang kung mkklusot pa mga madayang matsing na mga yan. At yang mga tamad na taga nfa na mga yan ay dpat ngmmonitor din sila sa mga distribution center na mga yan. Sila mismo mgpanggap na buyer pra mlaman nila seste ng bentahan. Ang problema na lang ay kung may connivance ang dealer at taga nfa sa 60/40 na hatian sa gross tongpat sales eh lutong makaw na talaga. Mga tirador nga nman pra sa mahihirap na kabbayan na nga lang eh ndi pa pinatwad. Nasaan ang kamaong bakal dito? Langhiya lumambot na yata at naging kamao ng bading na ata. 🔎🔎🔎

Susana Silva: Dapat Hindi ang mga malalaking negosyante ang pagbibilhan nila pagaralan nilang mabuti ang pagparte nito kaya naman bumili ng mahihirap ng 10 kilo o1 sako kung 27lang ang kilo..kung gusto talaga nilang makatulong

****