Jay Sonza binatikos ang Pulse Asia: "Papaano naging NEVER ang YES (Now at Later). SIMPLE ARITHMETIC." - The Daily Sentry

Wednesday, July 18, 2018

Jay Sonza binatikos ang Pulse Asia: "Papaano naging NEVER ang YES (Now at Later). SIMPLE ARITHMETIC."



Photo credit to Mr. Jay Sonza's Facebook page

Binatikos ng beteranong mamamahayag at manunulat na si Jay Sonza ang inilabas kamakailan na resulta ng pagsisiyasat na isinagawa ng "Pulse Asia" na nagsasabing dalawa sa tatlong Pilipino o 67 porsiyento ay hindi sang-ayon sa gagawing pagbabago sa 1987 Konstitusyon.

Noong nagdaang mga araw, inilabas at ibinalita diumano ng "mainstream media" ang resulta ng "survey" na nagpapakita na karamihan sa mga Pilipino ay sumasalungat sa pagkakaroon ng panibagong konstitusyon.


Ngunit ayon kay Sonza, kung titingnang mabuti ang resulta, mali ang inilabas na balita tungkol dito sa kadahilanang gustong mailihis ng media at mga kontra sa pangulong Duterte ang pananaw at paniniwala ng taong bayan.

"TINGNAN PO NATING MABUTI ANG RESULTA NG SURVEY SA PANUKALANG SUSOG SA SALIGANG BATAS AT PAGKAKAROON NG SISTEMANG "FEDERAL" SA PILIPINAS", aniya.

Ang balitang inilabas na mas marami ang hindi sang-ayon ay upang iligaw ang katotohanan na mas marami ang pabor at sang-ayon sa pagbabago ng konstitusyon at pagkakaroon ng sistemang Federal sa Pilipinas.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Sonza ang dalawang larawan na nagpapakita ng dalawang bahagi kung saan ang dilaw na bahagi ay ang diumanong ginamit ng tradisyunal na mamamahayag na naglayong baligtarin ang katotohanan at isang puting bahagi naman ang nagpapakita ng tunay na resulta na mas kaunti ang tutol sa dalawang panukalang hakbangin.

Photo shared by Mr. Sonza (Credit to his Facebook page)

"Iyong dilaw na portion ang ginamit ng traditional/mainstream media at ng mga kontra Duterte para ilihis ang pananaw ng publiko sa panukala."

"Iyong nasa puting bahagi naman ang magsasabing 37% at 34% lang talaga ang tutol sa dalawang panulang hakbangin.", pahayag ni Sonza.

Samantala, ayon kay Ding Generoso, tagapagsalita ng Consultative Committee (Con-com), makikitang hinati at ipinangkat ng Pulse Asia ang mga sagot sa apat, na kung saan merong "Yes – Now,’ ‘Yes Later' 'Never,' at 'Don't know,' 

Ang ginagawa diumano ng Pulse Asia ay pinagsama nito ang "Never" at Yes- Later" na kung susuriin ay mali dahil iyong "Yes- Later" ay hindi isang pagtanggi at hindi isang negatibong sagot, ito ay sa katunayan isang kwalipikadong pag-sangyon at pag-OO.

Dagdag pa ni Generoso na ang wastong paraan upang mabigyan ng kahulugan ang resulta ay pagsamahin ang una at pangalawang pangkat ("Yes – Now,’ ‘Yes Later) upang maipakita na mayroon 48% ng mga sumagot na nagsasabing 'Sumang-ayon' na baguhin ang Saligang-Batas. Mas malaking bilang kaysa sa mga hindi 'Sang-ayon' na mayroong 37%.

“The proper way to interpret the result is…1 and 2 should be combined so that in reality what we have is 48% of the respondents saying they ‘agree’ to change the Constitution,” pahayag niya.


Kinwestiyon din ni Jay Sonza kung paano nangyari na isinama sa bilang ng HINDI SANG-AYON (NEVER) ang YES (Later) kung saan positibo naman ito at nararapat lamang na idagdag sa bilang ng SANG-AYON (YES NOW) at sinabing simpleng arithmetic lamang ito.

"Simpleng addition lang po ang kailangan. Papaano naging NEVER ang YES (Now at Later) which is 48% at 56%. SIMPLE ARITHMETIC.", ani Sonza.

Sa huli, binigyang diin ng beteranong mamamahayag na sa kanyang tingin ay wala naman talagang mali sa ginawang survey ng "Pulse Asia". Ang mali, ayon sa kanya ay ang pagbabalita na ginawa ng "mainstream media" at mga taong kontra sa panukalang pagbabago ng konstitusyon.

"WALA PONG MALI SA SURVEY. Ang mali ay ang pag-uulat na ginawa ng media/press at ang paggigiit ng mga kontra sa panukala.", pahayag ng mamamahayag.


Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba: 
Screenshot of Mr. Sonza's post (Credit to his Facebook page)

"TINGNAN PO NATING MABUTI ANG RESULTA NG SURVEY SA PANUKALANG SUSOG SA SALIGANG BATAS AT PAGKAKAROON NG SISTEMANG "FEDERAL" SA PILIPINAS

Iyong dilaw na portion ang ginamit ng traditional/mainstream media at ng mga kontra Duterte para ilihis ang pananaw ng publiko sa panukala.

Iyong nasa puting bahagi naman ang magsasabing 37% at 34% lang talaga ang tutol sa dalawang panulang hakbangin.

Simpleng addition lang po ang kailangan. Papaano naging NEVER ang YES (Now at Later) which is 48% at 56%. SIMPLE ARITHMETIC.

15% at 10% lamang sa mga Pilipino ang hindi pa nakakapagdesisyon patungkol sa nasabing usapin.

WALA PONG MALI SA SURVEY. Ang mali ay ang pag-uulat na ginawa ng media/press at ang paggigiit ng mga kontra sa panukala."



Jay Sonza (Photo credit to DailyPedia)

Source: Jay Sonza, Inquirer