Jeepney Operators pwede nang makinabang sa Pantawid Pasada Card - The Daily Sentry

Wednesday, July 18, 2018

Jeepney Operators pwede nang makinabang sa Pantawid Pasada Card



Composite photos from UNTV and Our Daily Revelations Ph
Nagsimula nang mamahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng ipinangakong FUEL SUBSIDY Cards o Pantawid Pasada Cards na nakalaan para sa Public Utility Jeepney (PUJ) Operators sa kalakhang Maynila nitong Martes, Hulyo 17, 2018.

Bawat Pantawid Pasada Card ay naglalaman ng P5,000 na fuel subsidy na pwedeng gamitin ng mga tsuper sa accredited gasoline stations. Ang Landbank of the Philippines ang ahensyang inatasan para gumawa at mamigay ng naturang card.


Bagama’t hindi man lahat ng gasolinahan ay sabay2x na makakatugon sa sistema, “on process” naman na daw ang karamihan sa mga ito para makatanggap ng Fuel Subsidy cards, ayon sa Department of Energy’s (DOE) Oil and Management Bureau.

Hindi lahat ng kwalipikadong operator ay sabay – sabay na mabibigyan ng card sa isang araw kaya’t nilinaw ng LTFRB na Martes o Hulyo 17 nakatakdang mabigyan ang mga operators na may apelyidong nagsisimula sa letrang A hanggang M at Miyerkules naman o Hulyo 18 ang may apelyidong nagsisimula sa N hanggang Z.
Photo from UNTV
Kailangan lamang mag prisinta ng operator ng kanyang VALID ID, photocopy nito, ID picture at Proof of Franchise ng sasakyang pinag – papasada nito para mapakinabangan ang minsanang pagkakataong ito.

Maraming Jeepney operators ang natuwa sa pag – usad ng naturang proyekto na inilunsad bilang bahagi ng TRAIN Law.

Bagay na ikinatuwa din ni Mark Lopez na isang radio announcer at alumnus ng University of Sto Tomas na nakuha pang ibahagi sa sariling Facebook account nito ang magandang balitang ito.

Pwede na umano itong ihampas sa mga pagmumukha nina Bam Aquino at iba pang kumukontra sa TRAIN LAW ang card na ito sa akalang walang patutunguhan ang naturang proyekto.

Narito ang kabuo – ang post ni Mark Lopez sa kanyang Facebook account:
Mark Lopez, photo from Mark Lopez (Facebook)
“KARGA NA

“Isa sa mga social mitigating measures na kasama sa TRAIN Law ay ang fuel subsidy para sa mga Public Transport operators.

“At eto na po at pinapamudmod na ng gobyerno ang fuel voucher card na may load na 5,000 worth of fuel para sa mga jeepney operators.

“Puede nyo na po yan ihampas sa mukha ni Bam Aquino at sa lahat po ng dakdak ng dakdak at kontra ng kontra sa TRAIN Law.

“Paki remind nyo din ang mga jeepney drivers and operators na yang subsidy nila eh sagot ng taxpayers ng bayan.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.