Lawyer, blogger nanawagan sa pangulo: Upang umusad ang kaso ng Dengvaxia, "we want Duque out." - The Daily Sentry

Sunday, July 22, 2018

Lawyer, blogger nanawagan sa pangulo: Upang umusad ang kaso ng Dengvaxia, "we want Duque out."





Combined photos of alleged Dengvaxia victims' parents with PAO chief (from Inquirer) and screen-capped photo of Atty. Trixie Cruz-Angeles

Ayon sa post ng isang beteranang abogada at supporter ni Pangulo Duterte na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, dapat na umanong managot ng mga may sala kaugnay ng mga nabiktima ng Dengvaxia.

Pinuna rin ni atty. Trixie na hindi umaakto ang mga naatasang official autopsy team para ma-resolba ang mga kaso ng dengvaxia.


Kanya ring ipinahayag ang maaring cover up na ginagawa ng Health department na pinamumunuan ni Francisco Duque upang hindi umusad ang kaso laban sa dating Pangulong Noynoy Aquino at mga dating opisyal nito na sangkot sa Dengvaxia case.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Atty. Trixie:

May isa pang ino-autopsy If ever, No. 72 sa dengvaxia.

Ngayon, meron na naman aangal, "Ilan pa ba ang mmatay bago may makulong?"

First, meron na pong mga kasong nakasampa. One group of cases filed with the DOJ for reckless imprudence. Another filed by the NBI with the Ombudsman for violation of the Anti Graft and Corrupt Practises Act and technical malversation.

Hindi po matitigil ang deaths by filing cases or even by putting people in jail. What we want to do is PUNISH those who have endangered the children, the cops, the doctors and private persons. Sila po ang mga naging direct victims ng kahibangan nina Garin at Noynoy.

Second, meron ngang mga namamatay, pero they are being misdiagnosed either dahil sa kakulangan sa kaalaman ng history ng biktima sa dengvaxia, o di na recognize yung simtomas OR deliberately tinatago. This is the reason we want the DOH to ACKNOWLEDGE the danger. *

To put the hospitals on ready to recognize the symptoms of dengue aggravated by dengvaxia. Kasi, kahit officially may autopsy team sila at may memo na antabayanan ang mga kasong ganito, maliwanag na they are not acting in the public's best interest dahil sa balitang nagko-cover up sila.  At ang target ng cover up, ay hindi lamang para mawalan ng nagrereklamo, kundi para masira ang tunay na bilang ng biktima para di magamit ito na ebidensya sa mga ongoing cases.

Ito rin ang dahilan kung bakit essential na tuloy tuloy ang mga autopsies: to provide a clear and factual picture of the effects of dengvaxia and the damage Noynoy Aquino, Jeanette Garin, Butch Abad, Kenneth Hartigan-Go and Fransisco Duque have done to the Filipino people.

Finally, at ito opinion ko lang po, naiintindihan ko yung mga gustong mag statement si Pangulo on the issue. Pero maliwanag na dahil ongoing case, hindi nya gagawin yon. I do not think it is important.

Pero mahalaga sa atin dapat ang continued presence and possible conflict of interest ni Fransisco Duque sa DOH. Ito ang dapat dinadaing natin sa pangulo. Be specific. We want Duque out. At ito ang gusto kong idaing sa pangulo.