Mag-inang kinontrata natrauma sa paninigaw at paninindak ng Taxi Driver, pinababa sa kasagsagan ng ulan - The Daily Sentry

Friday, July 20, 2018

Mag-inang kinontrata natrauma sa paninigaw at paninindak ng Taxi Driver, pinababa sa kasagsagan ng ulan



Taxi Driver | Taxi cab plate number (Photo from Stein's Fb post)

Sa panahon ngayon pilit mang linisin ng mga sangay na ahensya ng gobyerno ang naging pangit na pagtingin at reputasyon ng ibang mga Taxi drivers na gumagawa ng kalokohan sa pamimili ng isasakay ng pasahero, sa pamimili ng lugar ng paghahatiran, at ang talamak na pangongontrata sa kapwa nila Pilipino lalo na sa mga banyagang mga turista sa ating bansa.

Isang Facebook post ng isang netizen ang ngayon ay patuloy na pinag-uusapan at trending sa social media.

Matapang na ibinahagi ng isang pasahero ng Taxi na si Stein Tepace Manuel ang kanilang nakakatraumang karanasan sa isang Taxi driver na may Plate number na PQM371.

Mararamdaman mo ang panginging ng boses nila sa takot at galit sa ginawa ng driver sa kanila kasama ang anak niyang 4years old at ng katapid niyang babae. Sa kanyang post, sinabi niyang kinontrata agad sila ng driver ng taxi na magdagdag ng 100 pesos doon sa metro at sumang-ayon naman sila at masama ang panahon.

Dito na nagsimula ang takot nila ng bigla nalang nagalit driver nung nakikiusap sila kung maaring buksan ang bintana ng sasakyan ng kahit konti lang dahil yung anak niya'y nahihilo at nasusuka at doon na ang umpisang nagsisigaw at nagmumura na sa kanila ang Driver at pilit silang pinababa ng sasakyan sa gitna ng daan na makikita mo sa video na kasalukuyang umuulan.


Basahin ang buong post ni Stein Tepace Manuel:

mga ganitong driver ang dapat tinatanggalan ng lixenxa.

paalala lang sa mga ganitong taxi driver na masyadong advance mag isip:

Kung may problema ka sa papamahay at pamilya mo, wag mo ibuntong yung init ng ulo mo sa mga pasahero dahil makakatrauma ka ng mga pasahero at lalong lalo na ng bata!

Ganito yung pangyayari, kagabi ng July 19,2018 mga pasado ala sais ng gabi.

Galing kami ng kapatid kong babae at anak kong 4years old sa shopwise cubao. 

Taxi cab plate number (Photo from Stein's Fb post)


Sumakay kami ng sa taxi na may Plate # PQM371. Pauwi kmi ng Pagrai Antipolo. 

Sa umpisa humingi sya ng dagdag na P100, pumayag kami kasi kasagsagan ng ulan nun.

Pagdating namin ng Marikina, nagsalita ang anak ko na nasusuka sya, kaya nakiusap ako sa driver kung pwede buksan ang bintana kahit konti lang kasi pagnakakaamoy ng kahit konting hangin ang bata nagiging ok sya. 

Sabi ng driver "yan na nga ba ang sinasabi ko eh, kanina nung nakita ko kayong may bata parang ayaw ko kayong pasakayin, buong araw sa byahe ko ngayon wala akong sinakay na bata" hanggang sa paulit ulit nya yun na sinabi kahit wala naman kaming imik kaya kumuha nalang kmi ng plastic bag masalo lang yung suka ng bata. 

Taxi Driver  (Photo from Stein's Fb post)

Wala kahit na anong bahid ng suka ng anak ko yung taxi nya pero paulit ulit parin sya sa kakadakdak nya nang kung ano ano na tumataas na ung boses nya at nagmura na. 

Kaya nagsalita na ako ng "kuya pwedeng wag kang sumigaw nakikiusap lang namn ako kung pwede buksan ang bintana pero ang dami mong sinasabi" Tapos bigla syang sumigaw na ikinagulat namin lalo na ng bata na napayakap saakin. 

Pinipilit nya kami bumaba sa gitna ng daan kahit na ang lakas lakas ng ulan at pinapabayaran nya pa yung metro. Hindi kmi pumayag na bayaran yung metro dahil sa ginawa nya at wala pa kami sa lugar na dapat bababaan namin. 

Sumigaw sya na ibabalik nya kami sa cubao. Natakot na kami dahil parehas kming babae ng kapatid ko.
At eto na yung sumunod na nangyari. 

Mapapansin nyo na nagsorry yung kapatid ko para lang mapahinahon yung driver sa takot na parehas kaming babae kahit wala kaming kasalanan napasorry pa yung kapatid ko kahit sya naman yung sigaw ng sigaw sa umpisa palang.

Nananawagan ako sa kung sinuman ang nakakakilala sa taong ito. Ipaalaam nyo lang po saamin ang pangalan at irereport namin sya sa LTFRB at DSWD.

Paalala sa kababaihan: 

Wag na wag kayong sasakay ng taxi na wala kayong kasamang lalaki dahil tatakot tatakutin lang kayo ng mga ganitong klaseng tao.

Photos and video: credit to the owner - Stein Tepace Manuel


****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.