Maureen Villar: “Sino sa kanilang dalawa ang mas matipid na government official?” - The Daily Sentry

Sunday, July 15, 2018

Maureen Villar: “Sino sa kanilang dalawa ang mas matipid na government official?”



Photo from PhilNews.Ph and Twitter
Tila walang makakapalag sa katotohanang inilahad ng kilalang Duterte advocate na si Maureen Rose Mejia – Villar tungkol sa pagdalo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa laban ni Manny Pacquiao nitong linggo, Hulyo 15.

Ayon sa kanyang Facebook post, kung ikukumpara naman daw kay Vice President Leni Robredo na COURTSIDE pa talagang nanuod sa playoffs ng Boston Celtics vs Cleveland Cavaliers sa Amerika, si Tatay Digong naman ay piniling pumwesto sa General Admission sa laban ni Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse sa Malaysia at sa pinakadulo pa!


Kaya’t hindi maiwasang tanungin ni Villar sa kanyang post, “sino sa kanilang dalawa ang mas matipid na government official?”
Vice President Leni Robredo and Aika Robredo, photo from Asian Policy
Siguro’y hindi mapagkakaila kung sa pamasahe pa lamang ng eroplano, di hamak na mas malayo ang Tate kumpara sa Malaysia. Pero para mabigyan ng linaw ang katanungan na ito, muli nating balikan ang dati nang isiniwalat ng concerned netizen at blogger sa pangalan ni Mark Lopez kung saang kinuwenta nito ang presyo ng NBA Ticket ni ‘Aling Leni’ kasama ang anak nitong si Aika.

Narito ang ilang detalye ng post ni Mark na bahagyang nag – trending sa panahong iyon:

“Pinaka mababa na po ung $663.00 or about P34,873.80 PER SEAT (sa current exchange rate na P52.60 to $1)

So kung 2 sila that would be P69,747.60 Yan po ung pinakamababa na presyo ng ticket. Yan yung sa general admission. Yung pwesto sa bandang gitna ang price range eh between $950 to $1,250.00.

Sa $950 X P52.60 is a whopping P49,970 PER TICKET X2 = P99,940. Eh kung ung pwesto eh ringside o box seats kung san mukhang dun sila nakaupo? Magkano? Kayo na mag kwenta at baka pg hinimatay pa kayo pag na compute nyo eh kasalanan ko pa.”

Ang naturang post ni Villar ay sinundan naman ng beteranong newscaster at dating talk show host na si Jay Sonza sa sarili nitong Facebook Account kung saang nailahad naman nito na WALA PALANG BAYAD ang pagdalo ng Pangulo sa laban ng ‘Pambansang Kamao’ kasama ang binatang anak dahil ito pala ay kurtiseya ng mismong Prime Minister ng Malaysia.
Photo from GMA Network
Ayon kay Jay Sonza na hindi napigilang ikumpara ang Pangulo sa Bise Alkalde nito, “Parehong promdi ang dalawa. Isang nagpapakatotooo at isang nagpapakasosyal”.

Samantala, narito naman ang post ni Villar sa Facebook:

"Si Leni, courtside seats sa NBA basketball game sa Tate. Mahal. Thousands of DOLLARS ang ticket.

"Si Duterte, general admission seats dun sa pinakadulo pa talaga; pinakamalayo sa ringside sa Pacquiao vs Mathysse boxing fight sa Malaysia. Cheapo talaga si Tatay D eh!

"So, tanong ngayon, sino sa kanilang dalawa ang Mas matipid Na government official?

"Btw, kung supporter kayo ni DISRUPTOR, huwag nyo gamitin ang mathematics para sagutin lang tanong ko. Ok? Ibuburda ko talaga Yung 40x4=1600 Sa Mga noo NYO! Ok?"

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.