Veteran Reporter at Komentarista, Ely Saludar: Bakit may film direktor pa ang SONA? - The Daily Sentry

Saturday, July 21, 2018

Veteran Reporter at Komentarista, Ely Saludar: Bakit may film direktor pa ang SONA?




Ely Saludar and President Rodrigo Duterte, composite photos from NET 25 and Rappler
Magaganap ang isa na namang kabanata ng inaasahang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 23, 2018 sa pangatlong taon nitong panunungkulan. Kagaya ng mga dumaang SONA, ito ay ihahayag ng LIVE sa telebisyon buong bansa.

Katulad din ng dati, magiging ‘TENSE’ ang buong sandaling nagtatalumpati ang Pangulo sa kadahilanang inaabangan ng marami ang magiging MENSAHE nito na posibleng ikabahala o ikakatuwa ng nakararami.


Ito marahil ang hinahanap na kasagutan ng batikang komentarista at beteranong mamamahayag ng MalacaƱang na si Ely Saludar sa tanong nitong bakit kailangan pa ng Film Director para sa SONA?

Ayon sa kanya, may labing – anim (16) na taon itong karanasan bilang reporter ng Palasyo at minsa’y naging Presidente pa ng MalacaƱang Press Corps kaya’t nagtaka ito kung ano ang kabuluhan ng isang Film Director kagaya ni Joye Bernal o Brillante Mendoza para mangasiwa sa SONA ng Pangulong Duterte.
Ely Saludar, photo from Twitter
Bagama’t libre aniya ang serbisyo ni Joyce Bernal, iginiit ni Ely na hindi naman mahalaga ang magandang kuha ng camera sa Pangulo o ang mga ‘kulurete’ na posibleng idagdag para sa ikakaganda ng palabas nito sa telebisyon.

Ganito din ang banat ng Spokesperson ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na si Renato Reyes Jr. na walang ‘cinematic direction’ aniya ang makakapagpabago sa tunay na hinaing ng karamihan sa mga Pilipino dahil sa naging epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at ang pagkawalang – bahala umano sa isyu ng ‘Contractualization’ ng ilang pribadong kumpanya.

Ayon sa kanya, mas naging pabor pa sa mga interes ng iilang politiko ang mga programang nailunsad kaysa matugunan ang tunay na pangangailangan ng taumbayan.

Sa isa namang panayam kay Joyce Bernal nitong Miyerkules tungkol sa pagtanggi nitong magpa-bayad sa pagpapangasiwa sa SONA, sinabi nito na “Wala naman po. Hindi naman po kailangan ng kontrata. Unless, kailanganin ng gobyerno. I don’t think kailangan ng kontrata (There’s no contract. I don’t think there’s a need for one, unless the government requires it).”
President Rodrigo Roa Duterte, photo from When In Manila
Dagdag pa nito, “For free po. Presidente natin ‘yan eh, and para din to sa mga tao. Para din sa mga kababayan natin. Para sa mga kapwa ko Pinoy. Kailangan pa ba magpabayad dun? Hindi ako magpapabayad. (It’s free. That’s our president. And this is also for the people, for our countrymen. Do I need to get paid for that? I won’t ask for it.)”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  abante.com.ph