Monday, August 6, 2018

Atty. Glenn Chong, broadcaster: 'Totoong may bentahan ng Voter's Database'



Atty. Glenn Chong (larawan mula sa Facebook)

Sa kakatapos lamang na ikalawang electoral fraud hearing sa Senate ay muli na namang naglabas ng panibagong pasabog si Atty. Glenn Chong laban sa Commission on Election (COMELEC).

Sa kanyang bagong rebelasyon, sinabi ng Presidential Electoral Tribunal (PET) resource person na si Atty. Chong na nagkaroon umano ng bentahan ng voters’ information.

Mayroon umanong dating elections officers ng Maragondon, Cavite ang nagbebenta ng database ng mga botante sa mga pulitiko. Maaring tanggalin o ilipat ang mga pangalan upang mawindang pagdating ng halalan.

“Yung voter database, I was given a video, I know the guy, you know this person because he is a well-known political personality. Na-record po nya yung pagbebenta ng voters database ng election officer dati ng marigondon cavite.” ang pahayag ni Chong sa committee.


Ayon sa kanya, nakuhanan umano ng CCTV video ang naging bentahang ito. "nilalako po yun sa mga pulitiko” dagdag pa ng abogado.

“Pinakakita po nila sa laptop na may hawak silang voters database” sabi ni Chong.

Idiniin ni Chong na may COMELEC logo ang kanyang prinisintang kuha sa mga nasa hearing, na siyang katibayan na mayroon talaga umanong bentahan ng voters details.

Sa unang bahagi ng hearing, inamin ng COMELEC nan a-hack ang kanilang system na kung saan tinanggi nila na hindi kasama ang voters database sa naturang website kaya walang dapat ipag-alala.

Kinondena rin ni Chong ang sinabing enhancement recommendation ng COMELEC para sa susunod na eleksyon, dahil ayon sa kanya, hindi nag-improve ang Sistema ng Smartmatic.

Noong 2010, dalawa umano ang counter ng machines, isa para bilangin ang boto, at isa para sa balota. Nawala ang feature na ito noong 2016 na eleksyon.

“It does not promote auditability.” Ayon kay Chong.

Pinuna rin ng abogado ang sobrang liit na font ng audit logs, na hindi na halos mabasa.

Sa isang Facebook post ng isang mamamahayag o broadcast journalist na si Benjie Dorango, ayon sa kanya, dati rin siyang naging empleyado ng Comelec, at totoo umano ang bentahan ng Voter’s Data Base.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Benjie Dorango:

I worked with Comelec before. 

Totoo na may bilihan ng Voter's Data Base. Ibu-burn lang yan noon sa cd dahil hindi pa masyadong uso noon ang USB FLASHDRIVE.

Alam ko yan at may isang pang malapit sa akin ang alam na alam yan.

Alam din namin kung sino ang bumibili kahit pa ang hindi mo inaasahang gagawin yan, bumili rin.


Benjie Dorango, isang broadcast journalist, larawan mula sa kanyang Facebook account


 Source: Benjie Dorango