Sunday, August 19, 2018

Batikang Manunulat, bumwelta laban sa Pederalismo: Asa pa kayo?




Composite photos from Philstar and News
Nagpaunlak ng personal na hinaing ang Philstar Managing Editor na si Tony Katigbak kaugnay sa posibleng kahahantungan ng Pederalismo. Ayon sa kanyang nailathala, malakas ang paninindigan ng Senado na kumukontra di – umano sa pagsulong nito kaya’t kung maari ay tigilan na ang kahibangang ito na nagdudulot lamang ng ‘huwad na pag – asa’.

Tinawag din ni Katigbak na ‘uhaw sa kapangyarihan’ ang Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado nito dahil pasan na ng mga intensyon di – umano ng mga ito ang pahabain pa ang kani – kanilang termino.


Pinuna din nito ang tuluyang pag – laho na sa takilya ng dating House Speaker Pantaleon Alvarez matapos itong mapatalsik ng Pangulo na ngayo’y nakipag – alyansa na sa Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinangungunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Tony Katigbak / Photo from Philstar
Aniya, “kita n’yo na mas matimbang pa rin ang kadugo kaysa kapartido.”

Banggit din ni Katigbak na ang 1987 Constitution na binuo sa panunungkulan ng yumaong Cory Aquino ay ang ‘pinaka – magandang’ Constitution sa kasaysayan ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide na ngayo’y pilit namang buwagin para lamang ipagpalit ang Federal Form of Government. Tanong ni Katigbak, “masama pa ba ang anim na taong pamumuno ng isang mataas na lider ng bansa?”

Giit pa nito, tanging motibo lamang ng kasalukuyang administrasyon ay ang palawakin pa ang termino at kapangyarihan ng mga sumusulong nito para maisakatuparan ang planong Pederalismo sa bayan.

Inihalintulad din ni Katigbak ang umano’y yapak na nais sundan ng Pangulo mula sa idol nitong ‘diktador’ na si Ferdinand Marcos na noo’y nagawang maipakulong ang mga liderato ng oposisyon upang wala nang kumontra di – umano sa mga hangarin nito.

Bilang wakas, pinuna din ni Katigbak ang paulit – ulit na pahayag ng Pangulo sa kagustuhan na nitong bumitiw sa pwesto subalit hindi naman sang – ayon na si VP Leni Robredo ang papalit sa kanya. Malinaw pa aniya sa sikat ng araw na AUTOMATIC ang VP ang papalit sakaling magbitiw na nga ito sa pwesto.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Philstar.com