Thursday, August 9, 2018

Chinese Businessman Na-Bankrupt dahil sa De La Salle Athlete. "NAGMAHAL. NAMODUS. NAUBOS."



Photo credit to Raffy Tulfo in Action Facebook page
Minsan kapag nagmamahal ang isang tao, handa niyang ibigay ang lahat-lahat upang mapasaya ng husto ang kanyang minamahal. Ibat-iba din ang paraan upang ipakita ang damdamin at paraan ng pagpapahalaga sa iyong katuwang.

Ang iba ay nagbubuhos ng buong oras at atensyon, ang iba naman ay pang-unawa at pasensya at iba ay sa pamamagitan ng mga regalong materyal.



Ngunit minsan, dumarating ang oras na kahit ibinigay mo na ang lahat, iiwan ka pa rin ng iyong minamahal. Masakit isipin ngunit kailangang tangggapin.

Tulad na lang ng nangyari sa isang Chinese businessman na si Ice Lim, na dumulog sa programa ni Mr. Raffy Tulfo na 'Raffy Tulfo in Action' upang humingi ng tulong na mabawi ang lahat ng mamahaling gamit na diumano ay naibigay niya sa ex-girlfriend sa kadahilanan na ginamit lang daw sya nito at hindi naman talaga minahal.

Photo credit to Raffy Tulfo in Action and YouTube
Ang kwentong ito ni Ice Lim ay ibinahagi ni Mr. Raffy Tulfo sa kanyang official Facebook page noong nakaraang araw, Agosto 7, 2018, na umani ng napakaraming reaksyon galing sa mga netizens.

Ibinahagi din ni 'Idol' Raffy Tulfo, kilalang matapang na broadcaster sa bansa, ang video kung saan dumulog sa kanya ang mayamang negosyante na ngayon ay sinasabing nabangkarote na ang negosyo sa pagiging sobrang galante sa dating kasintahan.

Ang babae umano at ex-girlfriend ni Lim, ay nagngangalang Monica Arianne Rivera, isang student athlete, badminton player ng De La Salle University - Taft, na nabigyan ni Lim ng mamahaling mga regalo tulad ng cellphones, alahas, relo, pera at kotse at nagpahayag na hindi nya daw ibabalik ang mga regalo dahil remembrance daw ito sa kanya.



Basahin ang kanilang buong kwento sa ibaba: 


Screenshot of Mr. Tulfo's post (Credit to his Facebook page)

"NAGMAHAL. NAMODUS. NAUBOS."

"Siya si Ice Lim, isang negosyanteng Chinese na nabangkarote na ang negosyo sa pagiging sobrang galante sa isang varsity player ng badminton ng De La Salle University - Taft.

Dahil sa labis na pagmamahal niya sa student athlete na si Monica Arianne Rivera, binuhusan niya ito ng mga regalo tulad ng dalawang kotse (Suzuki Ertiga at Kia Picanto), dalawang mamahaling relo (Rolex at Tudor), high end cellphones (iPhone X, Samung S8 at S9), mga alahas (Pandora, Louis Vuitton Necklace at gold bracelet) at mga pera.

Buti na nga lang daw at hindi niya pinatulan ang hiling sa kanya ni Arianne noon na bilhan siya nito ng kotse na Mini Cooper na milyones ang halaga.

Ang matindi, napag-alaman ni Ice na ilan sa mga gamit na ito ay ibinenta ni Arianne sa online buy and sell habang sila ay magkasintahan pa na inamin naman ni Arianne dahil nagigipit daw siya.

Natulungan rin daw ni Ice si Arianne sa pagpa-renovate ng bahay ng kanyang mga magulang at pinalagyan pa niya ito ng aircon. Siya rin daw ang nagbayad ng huling tuition fee nito para maka-graduate ng college.

Mahigit isang taon din niyang niligawan si Arianne pero humantong sa limang buwan lang daw ang kanilang naging relasyon at nakipag-break na ito sa kanya dahil na-dedepress na raw si Arianne sa kanilang relationship.

Sa loob ng limang buwan ng kanilang relasyon, hindi man lang daw niya nakitaan ang pagiging sweet ni Arianne. Ni minsan, hindi pa raw sila nakapag-sex or kahit man lang halik sa pisngi. Ultimo ang pag-akbay niya rito ay kinaiirita raw ni Arianne.

Ang masaklap pa, nagtalaga pa raw si Arianne ng 10 Commandments o rules para sa kanilang relationship at pangunahin na raw dito ay walang lambingan at walang dapat makakaalam sa kanilang relasyon.

Ramdam ni Ice na siya ay inisahan ni Arianne kaya dumulog na siya kay Idol Raffy para matulungang mabawi ang mga nabigay niya sa kanyang ex-girlfriend.

Pero nagmamatigas si Arianne na hindi niya ibabalik ang mga binigay ni Ice dahil remembrance daw niya ito sa kanya."


To watch the full video of the interview, click the LINK


Source: Raffy Tulfo in ActionYouTube