Thursday, August 9, 2018

Columnist: World War 3 muntik ng sumiklab dahil sa kayabangan at katangahan nina Noynoy at Del Rosario




Albert del Rosario and Benigno “Noynoy” Aquino III / Photo from The Kahimyang Project
Muli na naman lumitaw ang issue tungkol sa pinag – aagawang Scarborough Shoal matapos ang ‘Word War’ kamakailan nina dating Presidenteng Noynoy Aquino at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Nagsimula ang sagutan ng dalawa nang binatikos ni Aquino ang pakikipag – kaibigan ng gobyerno sa bansang Tsina sa halip na komprontahin ito. Nagawa pang mang - asar ng dating Pangulo kay Cayetano at sinabihang sanaý naging TRANSPARENT ang mga polisiya ng ahensyang pinamumunuan nito kagaya ng buhok nila na mas manipis pa sa hibla ng tambo at naaaninag na ang anit.


Hindi naman nagpahuli ang batikan na manunulat at kolumnista na si Bobi Tiglao kung kaya’t ibinahagi niya sa bago nitong lathala sa online news forum na Bulgar Online ang detalye tungkol sa kamuntikan nang maganap na WORLD WAR III.

Isinisi ni Tiglao sa KATANGAHAN nina Aquino at dating kalihim nito sa DFA na si Albert Del Rosario ang muntik nang maganap na WORLD WAR III kung saang madadamay pa sana ang Pilipinas. Ayon kay Tiglao, tumakbo ang dalawang opisyal sa Estados Unidos upang mag – makaawa at humingi ng saklolo nang biglaang nagkagiri – an ang Pilipinas at Tsina sa Scarborough Shoal noong Abril 2012.
Albert del Rosario and Benigno “Noynoy” Aquino III / Photo from Balita
Aniya, mabuti na lamang at hindi agad pinatulan ng bansang Amerika ang hiling ng mga ito dahil pinangangalagaan din nito ang bilyon – bilyong trade and investments ng Tsina sa kanilang bansa kaysa kunsintihin ang kagustuhan ng dating P – Noy.

Ang Scarborough o Panatag Shoal ay namumukod – tanging lugar kung saang sabay - sabay nangingisda ang mga Pinoy at mga Tsino na mula Taiwan at Tsina kasama na ang ibang Asyano. “Share – share” lamang ang mga ito sa pag – aaring yaman ng mayabong na lugar.

Nagkaroon lamang ng tensyon sa naturang lugar nang pinigilan ng Philippine Coast Guard kasama ng Bureau of Aquatic Resources ang grupo ng mga intsik na mangisda. Saka pa pinadala ni ex – PNoy ang BRP Gregorio Del Pilar upang bantayan ang kilos ng mga dayuhang mangingisda. Sinabi Tiglao, “kapag nagpasok ka na ng elementong military tulad ng Navy warship, senyales na ‘yan na may ag­resibo kang intensiyon.”
Bobi Tiglao / Photo from Youtube
Kabisado ng U.S. ang galaw ng bansang Tsina kaya’t maingat din ito sa pakikitungo nila gayon at may nuclear capability din ang mga armas nito. Handa naman daw makipag – giyera ang Tsina sa US sakaling pasukin nila ang kanilang bansa, ayon sa nasabing ulat sa Taiwan.

Pinilit ng ‘barkadang Aquino’ ang bansang Amerika na manghimasukan na sa Scarborough Shoal sa gitna ng giri – ang Tsina at ‘Pinas dahilan nang kasunduang mayroon ang ating bansa sa Amerika na kung tawagin ay Mutual Defense Treaty (MDT). Bagama’t may kasunduang kagaya ng MDT, nanatiling kalmado ang Amerika at piniling hindi maki – alam sa naganap na ‘territorial dispute’.

Ngunit sa di – inaasahang pangyayari, lalong pinalala ng mga dilawan ang sitwasyon, partikular na ni ex – PNoy nang inatasan nito ang Senador na si Antonio Trillanes IV na magsilbing ‘backdoor negotiator’ ng bansa sa Tsina habang maayos na nakipag – pulong si Del Rosario sa Amerikano kaugnay ng issue.


Tanong ni Tiglao, “Bakit kailangan mo pa ng negosyador kung may DFA secretary ka naman?” gaya na rin ng isa sa mga tanong ni Cayetano kay PNoy sa naging mensahe nito para sa kanya.

Hindi malinaw kung ano ang nilakad ni Trillanes sa pakikipag – negosasyon nito hangga’t sa nabalitang tuluyan na ngang nakapasok ang mga Tsino sa lugar. Mismong silang tatlo nina Del Rosario at ex – PNoy ay nagkagulatan na lamang ng malamang hindi na maayos nakikipag – ugnayan ang Tsina sa kahilingan ng bansa. Pinasa naman ni Trillanes ang sisi kay Del Rosario.

Naniniwala si Tiglao na si ex – PNoy at Del Rosario ang dahilan kung bakit tuloyan nang napasakamay ng Tsina ang Scarborough dahil sa kayabangan at katangahan ng mga ito. Nagawa pa nilang magsampa ng kaso sa Arbitral Court kung saang BILYONES ang nawaldas mula sa pondo ng Bayan ngunit wala namang saysay ang naging desisyon.

Kaya’t giit ni Tiglao sa taumbayan, “huwag na huwag kayong boboto ng mga kandidato mula sa kampo ng mga Cojuangco-Aquino kung hindi ay mauulit na naman ang ganitong katangahan at tayo ang mawawalan!”


Source: bulgaronline.com