Wednesday, August 22, 2018

Dating Konsehal: Naga, pinamumugaran ng iIligal na Droga




Luis Ortega / Photo from The Philippine Star

Upang patotohanan ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na talamak sa iligal na droga ang lungsod ng Naga, humarap sa media ang dating Konsehal nito na si Luis Ortega upang patunayan na mismong kapatid ng dating DILG Secretary Jesse Robredo ang umano'y 'PROTEKTOR' ng Drug Lords kaya't hindi nalalansag ang mga ipinagbabawal na gamot sa lugar.

Inakusahan ni Ortega si Butch Robredo sa isang pulong – balitaan na ginanap sa Quezon City na siya umano ang may pakana sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamut sa kanilang lugar kahit nasa Estados Unidos ito kasalukuyang nagtatago.


"Protektor nga eh, lahat na may positive na may droga (na may koneksiyon) sa City Hall,pinrotektahan niya. Hanggang ngayon nandiyan pa," ayon kay Ortega.

Aabot din umano sa 75 na iba't ibang kaso ang isinampa laban sa mga Robredo sa Naga City subalit mahigit 29 naman dito ay naibasura na.

Nanindigan din Ortega na may sapat itong dokumento na  nagpapatunay sa talamak na pagkalat ng iligal na droga sa naturang lungsod at sinabing 13 sa 27 Barangay ng Naga City ang apektado nito.
"Nandito nga, ayaw ibigay sa akin. Ayaw ibigay yung mga lista dahil mag-file ako ng kaso,” ayon kay Ortega.

Dagdag pa nito, alam ni VP Leni Robredo lalo na ang mismong kasalukyang Alkalde ng Naga na si Mayor John Bongat ang pagkakaroon ng iligal na aktibidad.

“Isa pang example po na talagang ebidensiya, mayroon akong Beach...yung excursionan sa Pasacao. Arkilado ko, inuupahan ng tauhan ni Mayor Bongat. For 2 nights and 2 days, hindi na nagbayad, nagkalat pa ng droga sa Pasacao. Totoo iyan, alam 'yan ng tao ko. Pinuntahan niya si Mayor Bongat, sinisingil. Hanggang ngayon nagbayad, namatay nalang yung (kuwan ko doon) taga - alaga." Kuwento ng dating opisyal.

Tahasan din na sinabi ni Ortega na pinapaikot – ikot lamang di – umano ang mga ipinagbabawal na gamot na nakukumpiska ng mga tauhan ng lokal na Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod habang parami naman ng parami ang nasasawi kaugnay sa iligal na aktibidad.

Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:

Virgilio Cagyat: Ayan na....talagang may dyos sa sanlibutan...kung maka ngiti si VP LUGAW kala mo eh...di makabasag pinggan. Yon pala e mas tuso pa sa matsing..at yong mayor na nag salita na nainsulto daw sya...ngayon niya ipakita ang mga sinasabi nya..ang sitwasyon sa bicol ay talagang di malayo ang sinasabi ni DU30...

Marivic Lara Marabila: kaya pala si lugaw isinusulong na maging legal ang driga.. hhehe nasa naga pala ang vulcan ng shabu


Mirasol Veron: Kaya nga sabi ni leni hnd nakakasama ang droga at ang gusto pa gawing legal ang drugs.sobra yatang tanga ang sa akala nya ang mga pilipino.kaya wala sya paki kng my inosenteng mapapatay ang mga adik basta sya.comfortable life nya😡😡😡!!!

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  philstar.com