Thursday, August 23, 2018

Duterte hiling na mailibing katabi ni Hesus kapag may mangyari sa kanya sa Israel



Pangulo Duterte magtungo sa bansang Israel sa Setyembre. Imahe mula sa SMNI News
Noong nakaraang linggo ay inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdadalawang isip siya na bumisita sa Israel at Jordan dahil sa halaga ng gagastusin sa biyahe nito.

Duterte sakay ng  Philippine Airlines. Imahe mula sa The Philippine Star
Ngayon naman ay bukod sa gagastusin ng gobyerno, nagdadawalang isip siya na ituloy ang pagbisita sa naturang mga bansa dahil kino-konsidera niya ang isyu ng pagpapalipad ng missile sa konting pagkakamali ng eroplano sa itaas habang siya ay babayahe papuntang Israel.

Ayon sa Pangulo, bukod sa mahal ang gastos kapag bumiyahe nais din ng Pangulo mag-commercial flight nalang, pero hindi ito inirerekomenda lalo at mataas ang posibilidad ng hijacking at matamaan ng missile.

Pabiro naman sinabi ni Duterte na wala naman problema kung mamatay siya sa Israel basta't ililibing siya katabi ni Hesukristo.


Balak ngayon ng Punong Ehekutibo na pauunahin si Environment Secretary Roy Cimatu sa pagbiyahe para masiguro ang seguridad ng mga OFWs sa dalawang bansa kung saan batay umano sa datos ay nasa 28,000 OFWs ang nagtatrabaho sa Israel habang 48,000 naman sa Jordan. 

President Duterte shakes hands with Israeli Ambassador Effie Ben Matityau. Imahe mula sa The Philippine Star
Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque na tinanggap ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na makabisita sa Israel mula Setyembre 2 hanggang 5, pagkatapos ay tutungo ang Pangulo sa Jordan sa kasunod na buwan.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Brigada