Wednesday, August 22, 2018

Kasong katiwalian, isasampa laban kay Leni Robredo at bayaw nito




Vice President Leni Robredo / Photo from cnnphilippines
Kasong GRAFT ang haharapin ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa madaling pagkasira ng ipinagawang tulay sa Naga City noong naninilbihan pa ito bilang Representante ng naturang Lungsod na umabot sa P200 Milyon ang halaga.

Nakatakda itong isampa ng dating konsehal na si Luis Ortega laban kay Robredo sa Ombudsman bunsod ng nasirang tulay sa Naga na pinondohan umano ng tanggapan ni Leni Robredo.


Ayon sa pahayag nito sa isang press conference nito lamang Lunes, isasama din ni Ortega sa kaso laban kay Robredo ang nasirang riprap ng tulay na may P80 Milyon din ang halaga noong siya’y isa pang kongresista.

Isiniwalat din ni Ortega na naglipana ang mga elementong sangkot sa iligal na droga gawa ng pagsasawalang – bahala ng mga lokal na opisyal sa naturang lungsod. Nauna namang nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “hotbed” ang Naga City sa iligal na droga.
Vice President Leni Robredo / Photo from The Philippine Star
Bagay na mariing itinanggi naman ng mga kasalukuyang opisyal nito kabilang na ang Vice – Presidential Spokesman na si Barry Gutierrez.

Sa isang panayam, sinabi ni Gutierrez na, “Sinasakyan na naman, obvious na obvious, iyong binitawan ni presidente last week na salita na “hotbed of shabu” ang Naga—isang statement na kinundena na ng Naga City Council bilang isang pawang kasinungalingan. Walang batayan, at mismong Southern Tagalog PDEA Director sinabi nang walang basis.”

Idadawit din ni Ortega ang negosyante at nakatatandang kapatid ng yumaong Jesse Robredo, asawa ni Leni na si Butch Robredo kaugnay na din sa pagkakasangkot nito sa mga kalakalan ng iligal na droga sa lungsod.

Tumanggi namang magpaunlak ng pahayag ang panig ng mga akusado.

Dagdag pa ni Ortega, hindi umano ito unang pagkakataong masampahan niya ng kaso ang mga Robredo dahil sa loob ng sampung taong pakikipaglaban sa katiwali-an ay umabot na sa 75 kaso ng korapsyon ang kinasangkutan ng mga ito at 29 sa mga kaso naibasura ng graft court.

Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  remate.ph