Tuesday, August 14, 2018

Kontrabida ang peg? | VP Leni Robredo nagsalita na tungkol sa mga programa ni Pangulong Duterte



Vice President Leni Robredo interviewed at The Bottomline of Boy Abunda. Image credit to TFC.tv
According to Vice President Leni Robredo, “One death is one death too many.” It’s unforgivable.

Nagkaroon ng pagkakataon si Boy Abunda para makapanayam si Vice President Leni Robredo sa programang Bottomline, Ang unang itinanong ni Tito Boy kay Vice President Leni ay, “In the latest pulse asia survey 69% of Filipino people think that ang kanyang drug war ay ang pinaka mahalagang accomplishment ng government. How do you debate that?

Ang sagot ni Leni ay, “Una it’s understandable, it was the banner, banner program of the president. Alam natin na in the two years that he was [the] president it was really the one thing that he said he was most concerned about.”
The Bottomline with Boy Abunda with VP Leni Robredo. LionhearTV
Sinabi pa nito na ang Presidente ay di mapagkakailang napaka popular at mayroon napaka raming supporters, tinawag pa nitong hardcore ang supporters ng Presidente kung saan kahit ano di umano ang gawin ng Presidente ay susuportahan siya ng mga ito. Ngunit kahit na umabot pa raw ng 80% ang supporters ni Duterte ay “One death is one death too many. Its unforgivable.”

Nang tanungin naman siya tungkol sa kung paano niya ipapaliwanag ang supporta ay ang naging sagot niya ay hindi niya alam ngunit ganon pa man ay hindi dapat ito maging dahilan para sa mga naniniwala na huminto na ipaglaban yung paniniwala. Na kahit 5% lang ang sumuporta sa  kanya ay hindi sila madi-discourage dahil ang mali daw ay isang universal na bagay, karapatang pantao ang kaniyang binigay na halimbawa dito at ang bawal na pag patay ay isa ring universal na bagay.


Nabanggit din ni Tito boy ang pahayag ni President Duterte na, “When illegal drug operations turn nasty and bloody, advocates of human rights mock our law enforcers and this administration to no end. Sadly, I have yet to really hear howls of protests of human rights advocates and church leaders against drug lordism, drug dealing and drug pushing as forceful and vociferous. Your concern is human rights mine is human lives.”
Duterte dares western countries to take over PHL drug war. Image credit to GMA Network
Ayon kay Vice President Leni ay hindi siya naniniwala sa sinabing iyon ng Pangulo dahil unang una raw ay desidido sila na ipagtanggol ang karapatang pang tao dahil gusto nila mag salba ng mas marami pang mga buhay. Tila nakakalimutan raw ang ibig sabihin ng karapatang pang tao. Binanggit rin nito ang iba’t ibang uri ng karapatang pang tao.
Nine out of 10 Filipinos support Duterte’s drugs war | South China Morning Post. Image credit to scmp.com
Ayon kay Leni, “karapatang pang tao yung karapatang mabuhay, karapatang mabuhay ng may dangal, karapatang kumain tatlong beses sa isang araw, karapatang yung mapadala mo yung mga anak mo sa paaralan. Diba lahat yon karapatang pang tao, ano bang masama don?”

“Hindi gustong sabihin na pag hindi ka sangayon sa isang polisiya na ginagawa ng gobyerno drug addict ka na o drug protector ka, diba? Kasi boy ngayon pag pinuna mo, pinuna mo yung polisiya ng pamahalaan sa laban sa pinagbabawal na gamot eh kukuyugin ka online sasabihin na ano ka, drug protector ka, gusto mo ng shabu or,” dagdag pa nito.

Noong itinanong naman siya tungkol sa kung ano ang programa ng Pangulo ang kaniyang nagustuhan ay agad naman itong sumagot ng “madami”, isa na nga raw dito ang anti-drug campaign.

President Rodrigo Duterte and Thailand’s Prime Minister Prayuth Chan-ocha. Image credit to www.beyonddeadlines.com
“kung tama lang sana yung pamamalakad talagang kailangan natin to kasi yung drugs talaga grabe na. yung sinasabi lang natin, hindi tayo naniniwala na dapat dahas yung gagamitin para sugpuin kasi kung titignan natin sa ibang bansa, sino ba yung mga bansa na gumamit ng dahas?” saad ni Leni.

Ikinuwento pa nito ang Thailander na kanila umanong naging speaker na ayon raw dito ay “ginamit naming yan saaming bansa,  sabi niya we had 3000 deaths, pero hindi namin nasugpo kaya huminto kami and nung gumawa kami ng isang fact finding commission para imbistigahin yung 3000 deaths we found out the 1100 don lahat inosente. At kaya sila inosente kasi nagkaron ng quota yung mga, yung mga police at yung listahan parang yung nangyayari nga boy satin yung listahan nakakasama sa listahan, yung mga nakakaalam ng mga abuses, yung mga nakakaalam ng leksyon ng law enforcers. Sa Drug trade din.”

Nag bigay rin ng kaniyang mungkahi sa kung ano ang dapat o maaaring gawin sa anti-drug campaign.

They looked at drug addicts as patients, victims. Dito kasi nafofocus mo sa kung ano talaga yung problema eh titignan mo boy stain ang dami nang namatay pero dami pa rin droga. This is proof that this is not working”

“Kung titignan natin halimbawa sa South America ang dami daming bansa don na ganito din yung nagawa nasugpo ba nila? Hindi. Pero may mga bansa na successful na ang dapat sana aralin natin sino ba mga bansa ‘yong may best practices. Sino mga bansa sa kampanya nila naging successful. Hindi ko sinasabi naging successful sila, magiging successful din tayo but we can learn lessons from them. Hindi tayo kontra sa anti-drug campaign,” dagdag pa nito.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.


Source: YouTube