Monday, August 13, 2018

Laganap ang dayaan ng Smartmatic? | Sinungaling ang Smartmatic ayon sa isang Amerikanong Imbestigador



American Journalist | Atty. Glenn Chong
ANG SINUNGALING AY KAPATID NG MAGNANAKAW!

Humarap sa ibat-ibang kontrobesryal at maiinit na isyu ang di-umanoy lantarang dayaan ng Smartmatic noong nakaraang 2016 eleksyon. Kalakip dito ang pakikipag-ugnayan din umano ng mga matatas na opisyal ng Comelec na hanggang ngayon ay patuloy parin na pinag-uusapan  at iniimbestigahan.ng mga taong nasa posisyon at maging ng mga ordinaryong mamamayan.


Isang matinding pasabog muli ang ibinahagi ni Attorney Glenn Chong tungkol sa pagdiskubre ng isang American Journalist na nag-imbestiga ukol sa kasinungalingan ng Smartmatic hindi lamang dito sa bansa kundi pati na rin sa bansang Amerika.

"Nahuli ng isang Amerikanong nag-iimbestiga sa Smartmatic ang kanilang pagsisinungaling tungkol sa halalan sa Amerika noong 2016."

Sa kalakip na video, inilabas ng isang dayuhang Journalist ang ebidensya na magpapatunay sa naging partisipasyon ng Smartmatic sa di-umanoy dayaan ring nangyari noong 2016 Presidential elections sa Amerika.


"Makikita sa screen ang website ng Smartmatic na nagsasabing hindi gagamitin ang kanilang mga makina sa anumang country sa Amerika sa 2016 Presidential elections."

"Pero sa Twitter account ng Smartmatic, ipinagyayabang nito na bumoto ng maaga si President Barack Obama sa isa sa kanilang mga makina sa Chicago."

Sa post ni Atty. Chong, sinabi din nitong nilinlang lamang ng Smartmatic ang publiko noong panahon ng halalan sa Amerika upang hindi mababantayan ang kanilang mga ginagawa.

"Nilinlang ng Smartmatic ang American voting public upang hindi sila babantayan. Pero pagkatapos ng halalan, nagyayabang na sila na nalinlang nila ang mga botante sa Amerika."

Si Atty. Chong ay kilala bilang isa sa mga nakikipaglaban at patuloy ang pag-iimbestiga sa nasabing dayaan sa halalan upang mapanagot at matigil na ang malaking sindikato sa halalan.

Mariin ding sinabi ni Atty. Chong na samot sari ng iregularidad ang kinasasangkutan ng Smartmatic pinakabiktima dito ang Pilipinas "dahil 3 automated elections na ang dinaya ng Smartmatic pero sige pa rin."


Basahin ang buong post ni Atty. Chong:


 Smartmatic General Manager Elie Moreno | Comelec chairman Andres Bautista | Photo from Inquirer

SINUNGALING ANG SMARTMATIC – AMERIKANONG IMBESTIGADOR

(ANG SINUNGALING AY KAPATID NG MAGNANAKAW)

Nahuli ng isang Amerikanong nag-iimbestiga sa Smartmatic ang kanilang pagsisinungaling tungkol sa halalan sa Amerika noong 2016. Makikita sa screen ang website ng Smartmatic na nagsasabing hindi gagamitin ang kanilang mga makina sa anumang country sa Amerika sa 2016 Presidential elections.

Pero sa Twitter account ng Smartmatic, ipinagyayabang nito na bumoto ng maaga si President Barack Obama sa isa sa kanilang mga makina sa Chicago.

Ibig sabihin, nilinlang ng Smartmatic ang American voting public upang hindi sila babantayan. Pero pagkatapos ng halalan, nagyayabang na sila na nalinlang nila ang mga botante sa Amerika.

SMARTMATIC MADE A FOOL OF THE ENTIRE AMERICAN VOTING PUBLIC. SPREAD THE WORD.

IF YOU HAVE FRIENDS IN MALAYSIA AND INDONESIA, SPREAD THIS POST THERE BECAUSE THEY ARE GOING TO BE THE NEXT VICTIMS OF SMARTMATIC.

Malinaw ang taktika ng Smartmatic. Dinadaan sa kasinungalingan ang pagbebenta ng kanilang automated election system at ang pagpapatakbo ng halalan ng mga biktimang bansa, estado o siyudad sa buong mundo.

Sa nasabing website, nagyayabang pa ang Smartmatic na ang kanilang teknolohiya ay ginagamit diumano ng 3.7 bilyong botante sa nakaraang 12 taon sa 5 kontinente na walang ni isang discrepancy.

KASINUNGALINGAN ITO.

Smartmatic Philippines | Photo from Inquirer

Maraming anomalya at iregularidad ang nangyari sa mga halalang hinawakan at pinatakbo ng Smartmatic. Valedictorian dito ang Pilipinas dahil 3 automated elections na ang dinaya ng Smartmatic pero sige pa rin. Salutatorian naman ang Venezuela. Special honorable mention ang Brazil, State of Tabasco sa Mexico, State of Nevada at Chicago sa Amerika.

This video originally was posted by Benny D. Rasmussen about a week ago.

With Raul J. de Vera Jr. and Junice Joy Dagauis Brillantes.




 ****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: glenn.chong | Facebook