Saturday, August 18, 2018

Mon Tulfo, pinagmumura ang PGH doktor pagkatapos bawalan na i-video ang paggamot sa batang nabangga ng driver niya




Composite photos from Philippine Canadian Inquirer and PhilsNews.ph
Umani ng samu’t – saring batikos ang ginawang pambabastos ng beteranong radio broadcaster at kolumnistang si Ramon Tulfo sa mga staff Philippine General Hospital (PGH) sa loob ng Emergency Room (E.R.) kung saang abala ang mga ito sa pag - asikaso ng mga pasyente.

Nangyari ang insidente nang dumating ang nakatatandang Tulfo at mga kasamahan nito upang ipagamot umano ang batang babae na nabundol ng kanyang driver sa Navotas gamit ang sasakyang lulan ng mga ito.


Agad tumaas ang tensyon sa loob ng Emergency Room nang nagsimulang kumuha ng video si Tulfo sa loob ng pagamutan.

Bagay na mariing ipinagbabawal ng mga ospital kagaya ng PGH sa ilalim ng Privacy Policy ng mga ito, dahilan upang napagbawalan si Tulfo ng isa sa mga E.R. Doctor na si Jay Guerrero sa patuloy nitong ginawang pag – video hangga’t sa magsimula na nga itong mag argumentado at pagmumurahin ang mga manggagawa ng ospital. Napilitan na din ang isa sa mga doktor na magpatawag ng Security para pigilan na si Tulfo at ang perwisyong idinulot nito sa kasagsagan ng kagipitang oras.
Photo from KAMI.com.ph
Kita sa video na ibinahagi naman ni Ramon Tulfo sa mismong Facebook page nito ang takot na nadama ng batang pasyente sa pangyayari pangyayari kahit inaalalayan pa ng sarili nitong ina.   

Sa huli, ipinag – mayabang pa ni Tulfo na siya pa umano ang dahilan kung paano nabigyan ng agarang atensyon ang bata sa ospital ayon sa paglilinaw na isinalaysay ng isa sa mga bumatikos na Doktor na nakilalang si Gene Nisperos ng U.P. College of Medicine.

Dinaan ni Gene sa isang Facebook post ang sama ng loob nito kay Tulfo at sa mga kasamahan nito na may hashtag na #NoToDoctorShaming. Ayon sa kanyang post, kinundena ni Gene ang ginawa ni Tulfo at sinabing, “Matapos makasagasa ang drayber niya ng bata na naglalaro sa may lansangan, dinala ang bata sa PGH at kumuha ng video upang ipakita na may malasakit siya.
Ramon Tulfo / Photo from PhilsNews.Ph
“Pero nag-astang may alam, nagmura, pinilit kumuha ng video, at sa huli, pinalakpakan ang sarili dahil siya daw ang dahilan kung bakit nabigyan ng wastong atensiyon ang bata sa Emergency Room.”

Iginiit din ni Gene ang lima (5) pa sa mga pagkakamali ni Tulfo kaugnay sa pangyayari. Ayon sa kanya:

1) Ikaw (o drayber mo) ang nakasagasa sa bata. Kayo ang may-sala at may pananagutan. Wag mong ilihis ang usapan. Kinasuhan na ba kayo? Na-blotter na?

2) Kung emergency yan batay sa iyong pananaw, dinala mo yan sa pinakamalapit na ospital. Emergency kamo. Pero galing kang Navotas, sa PGH mo dinala. Ilang ospital ang dinaanan at nilagpasan mo?

3) Pagdating sa emergency room, sumunod ka sa patakaran ng emergency room. Pag sinabing bawal ang pagkuha ng video, bawal ang pagkuha ng video. Hindi ka hari dito.


4) Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng patient privacy at patient confidentiality, wag ka magmarunong. At lalong wag mong sabihin na walang ganoon sa isang public hospital! Pinapakita mo lang kung gaano ka ka-tanga.

5) Yung bata ang pasyente, hindi ikaw. Ikaw, sagabal ka.

Malinaw naman para sa Netizen na si Maria Regina Rivera Arevalo na gusto lang magpasikat ni Tulfo sa kanyang ginawa. Ayon sa kanyang komento, “you were in Navotas, if it was as emergent as you said especially for a person with your money and influence, why take the child to a contested public hospital 1 hour away?”.

Panoorin ang video sa ibaba:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  kami.com.ph