Friday, August 17, 2018

Mr. Trillanes baka hindi ka pumasa sa Neuro - Bong Go sa hamon ni Trillanes na magpa-drug test ang Pangulo




Special Assistant to the President Bong Go and Senator Antonio Trillanes / Photo form RMN.ph
Nagpaandar na naman ng panibagong patutsada si Magdalo Representative Senator Antonio Trillanes laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. At sa pagkakataong ito, idinawit pa ang mismong pamilya ng Pangulo.

Ayon sa ibinahagi ng online independent news portal na Community Newswatch PH sa isa nitong Facebook post nitong Biyernes, sinabi umano ni Trillanes na nararapat lamang na sumailalim ang Pangulo sa random drug testing kasama ang pamilya nito.


Bagay na dinipensahan naman ng Special Assistant to the President na si Bong Go sa kanyang panayam at sinabing sadyang katatapos lamang magpa -  Drug Test ng Pangulo na may Neuro Test pa noong nakaraang dalawang linggo kung saang nakapasa naman ito. Kinailangan ito ng Pangulo para sa renewal ng kanyang License to Possess Firearms (LTOPF).
Senator Antonio Trillanes, Special Assistant to the President Bong Go and President Rodrigo Duterte / Photo from pinterest.com
Kaugnay nito, bumwelta naman si Go na posibleng hindi makapasa si Trillanes sakalaing sumailalim sa Neuro test ito dahil masyado na aniya itong naging OBSSESSED sa pagpupuna kay Pangulong Duterte.

Kaya’t payo na lamang ng kalihim kay Trillanes, hintayin na lamang nito ang taong 2022 na matapos na ang termino ng Pangulo sakaling masundan pa niya ang yapak na iiwan ng Pangulong Duterte.

Narito ang kabuo-ang salaysay ni Go sa kanyang panayam:

Media: Dapat daw mapag – drugtest ang first family at si Pangulo?

Bong Go: Alam niyo po, kaka - drugtest lang po ng ating Pangulong Duterte noong nakaraang linggo or I think 2 weeks ago sa... nakita niyo naman sa mga news na kumuha po siya ng NBI Clearance, wala po siyang pa - special.
Special Assistant to the President Bong Go / Photo from ABS-CBN News
Kino - comply po niya lahat ng mga requirements sa LTOPF, ito yung License To Pocess Firearms at nag comply po siya sa Drug test at pumasa po siya DITO saka sa Neuro test rin po pumasa siya. Isa po yun sa mga requirements po ng LTOPF sa pagkuha ng baril.

So ngayon, (pumasa si Sen. Trillanes sa Drug test?) Ang problema mo ngayon Mr. Trillanes baka hindi ka pumasa sa Neuro. Parang masyado ka nang obsessed sa ating Pangulo... antayin mo nalang yung 2022, dun ka nalang tumakbo. Masyado kalang nagmamadali.

Agad namang rumesbak ang mga Netizen sa sinabi ni Go at kinondena ang muling pag – papapansin ni Trillanes.

Ayon sa komento ni Diamond Maritess, “Yes good answer po…kakahiya ka Senator Trillanes, show us you are a senator or official of the government we have to look up too…or you might as well step down because no one respects you anymore….”


Kompiyansa naman si Benedick Salilig Balber sa Pangulo at may tiwalang hindi nito lalabagin ang pina – unlakang batas. Ayon sa komento nito, “napakalaking kalokohan naman siguro kung gagamit ng droga ang ating mahal na pangulo dahil siya mismo ang sumusugpo dito. Si trillanes ay dapat ng paalisin sa gobyerno dahil siya lamang ang gumagawa ng gulo dito.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Community Newswatch PH (Facebook)