Friday, August 17, 2018

Palasyo: Walang 'pork' ang P3.757T na pambansang budget sa 2019





Presidential Spokesman Harry Roque / Presidential photo grabbed from Inquirer


Sinalungat ng Malacañang ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na mayroon umanong bilyon-bilyong piso na nakatagong pork barrel fund sa panukalang P3.757 tril­yong budget na pambansa para sa 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, siya ay nakatitiyak na walang pork barrel ang isinumiteng proposed budget sa susunod na taon.


Sinabi rin niya na desidido ang Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang matinding katiwalian sa gobyerno.

“The President is un­relenting in his campaign against graft and corruption and he does not condone pork barrel. We guarantee you it is pork-free.” Ayon kay Presidential Spokesman Roque.

Binigyan diin rin ng palasyo na hindi katanggap-tanggap sa pangulo ang pork barrel at hindi nito kukunsintihin ang ibang mapag malabis at mapang abuso sa pondo ng gobyerno na mga mambabatas.

Bagama’t mas mahaba ang karanasan ni Lacson bilang mambabatas kumpara sa kanya, sinabi ni Roque na nakatitiyak siyang walang pork barrel sa isinusulong ngayon ng Palasyo sa pambansang budget para sa susunod na taon, at alam nito kung ano ang totoo.

“ I leave it to Senator Lacson because he is a legislator. He knows what he talks about. My stint in Congress was too short to actually know what he is talking about but he has had three terms in Congress, he knows better,” Dagdag rin ng spokesman.

Ang pork ay tawag sa diskresyon ng mga mambabatas sa budget ng bawat ahensiya ng gobyerno.

Binago umano ng economic managers sa cash-based system ang pang gastos ng budget sa susunod na taon, kaya naman hinarang ito ng  mga kongresista sapagkat mababawasan ang budget ng mga ahensiya ng gobyerno sa kabuuan.


 Source: Abante