Friday, August 10, 2018

Pandaraya sa Halalan 2016 inilahad ni Dr. Millendez: “In other words gusto nila na meron kaming pera na napaka laki.”



Dr. Millendez ibinunyag ang naging dayaan noong May 2016 election. Imahe mula sa Facebook at YouTube

Sa isang kumakalat na video ng founder ng The Beautiful heart na si Dr. Millendez, sinasabi niya rito na siya ay nagagalak sa pag dinig ng Senado sa sinasabing anumalyang pangyayari sa Comelec.

Si Dr. Millendez ay isa sa mga nag file ng candidacy bilang kandidato ng Kilusang bagong Lipunan o KBL sa pagiging Senador noong Oktubre 2015. Kasama si Atty. Larry Gadon siya ay naging opisyal na kandidato mula sa KBL sa pagtakbo sa Senado. Sinabi ni Dr. Millendez sa nasabing video na sila raw ay dumaan sa Butas ng karauom sa panahong iyon sa Comelec.

Dr. Millendrez. Mula sa Facebook/ Anacleto Millendrez
Ayon pa rito ay matagal na raw niya napapansin na sa comelec nag sisimula ang korupsyon sa pilipinas. 


“Commission on Elections ang ahensya ng gobyerno na namamahala kung sino ang nananalo tuwing halalan,” sabi ni Dr. Millendez.


Nakita niya umano mismo ng personal, nung siya ay nag file ng candidacy na hindi patas ang paraan ng pamamalakad ng Comelec. Sinabi pa nito na maliban sa hindi patas, ang usapan sa comelec ay pera pera. 


Inilahad din ni Dr. Millendez na pagkalipas ng isang lingo ng kaniyang pag file ng candidacy ay nakatanggap ito ng sulat mula sa Comelec na sila ay dini-disqualify bilang kandidato base umano sa kulang ang pondo nilang pera upang makapag mount ng National Campaign.


Ayon kay Dr. Millendez, “In other words gusto nila na meron kaming pera na napaka laki.”


Sinabi rin ni Dr. Millendez na “Pag binilang mo lumalabas bawat botante dapat may nakalaan kang more or less sampung piso, so napaka laking pera ang dapat mong ipatunay sa Comelec na meron kang pondo otherwise idi-disqualify ka nila.”


Maliban pa umano rito ay may mga pumapasok na di umano’y Comelec operators na dahan dahang nag tetext, tumatawag, at humihingi pa raw ng patunay na mayroon siyang P200M.
“at kung ako ay may P200M sabi ng mga comelec operators siguradong mananalo ako  at mailalagay ako sa pang pito na mananalo dahil yung unang anim ay bayad na at halos panalo na, at yun ang mga kandidato ng Liberal party,” sinabi ni Dr. Millendez.
Inilahad din nito ang pandaraya at hindi pantay na pamamalakad ng Comelec,
 “Tignan niyo naman ang pangdadaya, ang hindi pantay na palakad ng Commission on Elections. Bago pa nag election, ito ay nangyari mga December. November December meron nang mga comelec operators na nagpaparamdam na kung meron akong malaking pera, sa halagang 200M ay tiyak ako’y pang pito na daw at yung unang pang anim ay siguradong kandidato ng liberal party. Kung titignan natin sa resulta ng election merong pumasok na anim na kandidato ng Liberal Party na totoong nanalo.”
Ito ang naging basehan niya upang masabi na ang korupsyon sa Pilipinas ay nagsisimula sa Comelec. Handa raw siyang “ipaglaban ang mga boto ng mga pilipinong hindi nabibilang tuwing halalan dahil ang comelec ay nababayaran.” Hinikayat pa nito ang taong bayan upang makiisa sa kanyang laban.

Noong kinagabihan ng Halalan 2016 lamang na lamang umano ang Bise Presidente na si Bongbong Marcos nang siya ay magising mula sa pagkakatulog ay napagiwanan na raw ito ng milyon milyong boto mula kay Leni Robredo. 




Nagtataka ako dahil natulog lang ako nung araw ng bilangan nung Mayo 2016, Sa gabing yon lamang na lamang ang bise president na si Bongbong Marcos, pagka gising ko milyon milyon na ang napagiiwan siya.


Tinawag niya itong tanda ng tanda ng pandadaya sa comelec nung may 2016 election na palagay niya umano ay pinamumunuan ng mga naka pwesto sa gobyerno noon kasama na ang dating president na si Noynoy Aquino o si PNOY.

Inilahad pa nito, “alam naman natin na pinatakbo niyang president ay si Mar Roxas subalit hindi na nila kayang dayain ang napaka raming milyong milyong boto kay president Duterte pero pinalusot nila si Leni Robredo na mananalo dahil ang palagay ko ang plano nila kung mananalo nga naman si Leni Robredo ay madali nila ma-impeach o maitanggal si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at manumbalik ang pamamahala ng dilawan ng liberal party sa pilipinas.
“Tama na ang dilawan mula noong pinatalsik nila ang pangulong Marcos noong 1986 naging masaklap ang buhay ng mga Pilipino napagiwanan ang pilipinas, siniraan ang magandang pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos,” dagdag pa nito.

Tinapos ni Dr. Millendez ang video sa isang panawagan na ibalik ang dating pangalan ng Ninoy International Airport na Manila International Airport.
“Nananawagan ako sa darating na Augusto 21 ibalik natin ang pangalan ng Manila International Airport at tanggalin natin ang pangalang Ninoy Aquino International Airport, samahan ninyo ako na maibalik ang pangalang Manila International Airport. “



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.