Monday, August 6, 2018

System Administrator: Any decent IT professional today can smell all the rotten anomalies of the Smartmagic-Comelec fiasco 12,000 KM away



Composite photos from Rappler and DZRH News
Ibinahagi sa Facebook ng isang online political blog page na Showbiz Government ang opinyon ng Netizen na si Maynne Millares kaugnay sa anomalyang bumalot noong 2016 Presidential Elections na pinaniniwalaan ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na naging dahilan sa pagkatalo nito bilang Bise Presidente.

Ayon sa opinyon ni Millares na dating System Administrator, ang mga CONFIDENTIAL files ay hindi umano karapat - dapat na ibinabahagi sa mga international servers labas ng bansa, lalo pa’t resulta ito mula sa naganap na elecksyon.


Hindi din dapat umano ginagawa sa ‘live system’ ang anumang pagbabago na gagawin sa mga VCMs dahil may dedicated naman na ‘test servers’ kung saang dumadaan pa sa masusing inspeksyon ng kinauukulan ang mga ito bago paman ito ma – upload for deployment.

Giit ni Millares, marami naman aniyang mahuhusay at bihasang IT Professionals ang bansa para gumawa ng sistemang sariling atin upang magpatakbo ang halalan kagaya ng VCM ng Smartmatic o higit pa. Tanong nito, bakit nga ba tayo nagtitiyaga sa husay ng banyaga na itinakwil at pinagbawal naman ng sariling gobyerno nito upang magsagawa ng eleksyon.
Photo from dzrhnews.com.ph
Kahit sinumang may sapat na kaalaman sa IT ay maamoy kahit sa malayuan ang anomalya na idinulot ng samahang Smartmagic at COMELEC kung kanyang tawagin. Dagdag pa nito, posible aniyang pineke lamang ang IP address na ginamit, lalo kung IPV4 ito, para maipalabas na sa Camarines Sur nga ito nanggagaling samantalang pwede namang kahit sa tabi – tabi lamang naisagawa ang naturang ‘early transmission’.

Kaya’t may dahilan upang maghinala dahil pwede aniyang manipulahin ang DNS resolution upang makapag transmit ng data kahit saan at palabasin na nanggaling nga ito sa Camarines Sur kahit hindi naman.

Basahin ang buong post ni Millares sa ibaba:

I was a System Administrator for 4 private companies. My opinion:

Hindi dapat nag-uupload sa foreign server ang election results ng VCM. Corporate confidential files are not uploaded in Amazon, a more confidential and nationally important election results should not be uploaded to a server outside of PH.

When rolling-out any changes to a system, hindi ginagawa iyan sa live system. The changes are done in the test servers first, then inspected by relevant authories before it gets uploaded to update the VCMs.
Photo from The Philippine Star
The Philippines has a great talented IT professionals and companies that can run the election. Why are we settling with a Venezuelan IT company Smartmagic, which was rejected by their own Venezuelan Government to conduct their local elections there?

Any decent IT professional today can smell all the rotten anomalies of the Smartmagic-Comelec fiasco 12,000 KM away.

Maraming netizen na may malawak na kaalaman din sa NETWORKING ang nakibahagi sa post na ito ni Millares.

Ayon sa komento ni Chivar Maximillian Pilones, “another way is to get the mac address of the source vcm na nagtransmit ibangga sa address ng legit na vcm na nakadeploy dun sa area na yun na talagang ginamit on the election day itself and if hindi mag match scrap all transmission coming from that pcos na nagtransmit kase it is given na naka off yun legit na pcos vcm so there is another vcm na buhay.

“Unless ganun sila ka tech savvy na nag mac change sila sa address ng gsm module ng legitimate pcos vcm na supposed to be naka off and spoofed the mac address of the gsm modem na nagtransmit ng May 8 and that is if may shell access sila sa pcos VCM and if it is even running on a micro linux kernel na may telnet or ssh access man lang but if hard coded ang mac address ng gsm modem ng pcos vcm lagot sila

“Atty glenn chong and sir toti casino can also look at this.”

May hinala naman si AJ Sanchez kung saan ginanap ang salamangka ng Smartmagic, ayon sa kanyang komento, “sa isang building daw sa BGC naka-station ang queue servers. Mukhang sa office mismo ng Smartmagic PH. Yung pangalan ng building ay pangalan ng sikat na law firm. Yun na! Bluff lang yung Novotel sa wari ko. Niligaw yung mga tao at gumawa ng eksena para yung mga tao eh yung Novotel nga ang paghinalaan na station ng queue servers at hindi sa BGC.

Nabalita ilang buwan lang ang nakaraan sa ilang pahayagan na may ilang container vans na may lamang vcms ang iniwan na lang sa isang private lot sa BGC.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.