Political Analyst, lumikha ng ‘toilet humor’ para mailarawan ang Pederalismo: “UNITARY VS FEDERAL” - The Daily Sentry

Wednesday, August 8, 2018

Political Analyst, lumikha ng ‘toilet humor’ para mailarawan ang Pederalismo: “UNITARY VS FEDERAL”



Sass Rogando Sasot, composite photos from Facebook

Isa si Lanao Del Sur 1st District Assemblyman Zia Alonto Adiong sa mga partikular na bumatikos hinggil sa kakaibang presentasyon ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson para maipaliwanag sa sarili nitong paraan ang Pederalismo.

Dinaan ni Zia sa isang twitter post nitong dumaang linggo ang pagka – dismaya nito sa video. Ayon sa kanyang tweet, “HOW CAN THE PUBLIC APPRECIATE FEDERALISM IF THIS IS THE MANNER BY WHICH THEY INTEND TO EXPLAIN IT? THE ISSUE ON FEDERALISM IS NOT A JOKE. WHY FOOL AROUND? FEDERALISM DESERVES BETTER THAN TOILET HUMOR.”


“If you think that the recent “‘pepe…dede.. pederalismo’ video campaign drive is offensive to your taste then imagine how the early proponents of Federalism may react. The late Sen. Tomas Cabili of Lanao probably was rolling over in his grave by now,” dagdag ni Zia.

Bagay na hindi rin pinalampas ng kilalang online political analyst at writer na si Sass Rogando Sasot. Sa kanyang Facebook page na For the Motherland, inihambing nito ang kaibahan ng UNITARY at FEDERAL Form of government sa bersyon naman nito ng ‘toilet humor’.
Sass Rogando Sasot, photo from abogado
Hindi man nilinaw kung ang post ni Zia ang pinatatamaan nito, naihalintulad naman ni Sass sa 3-in-1 na kubeta ng PNR bilang metapora sa kasalukuyang UNITARY form of government kumpara sa FEDERALISM na may sariling otonomiya at kalayaan ang mga rehiyon kung kaya’t may ‘cubicle’ ito kung maihahalintulad sa KUBETA.

Narito ang kabuo – ang post ni Sass sa kanyang Facebook blog page:

“UNITARY VS FEDERAL

Di raw pwede ang "toilet humor" sa pag-explain ng federalism vs unitary? Huh? Tingnan natin.

Naalala ninyo iyong ilang daang milyong toilets ng PNR noong panahon ni Aquino? Yan ang metaphor ng UNITARY system. Ang FEDERAL system ay katulad ng mga toilets na may cubicle.

Sa FEDERAL system, katulad ng sa mga toilet na may cubicle, ang mga federal regions ay may autonomy, meron silang kalayaan na mas pakinabangan, pangalagaan at payabungin ang kanilang sariling ekononomiya, kultura, at lipunan.
Photo from Facebook
Saan mo gustong mag-banyo? Sa UNITARY or sa FEDERAL?

Sang – ayon naman ang Netizen na si Roxy Ledesma sa pahayag na ito ni Sass. Ayon sa kanyang komento,  “paniniwala kasi ng LP mas ok ang unitary kasi hawak kamay habang dumudumi at pagkakaisa daw iyon, kaya hindi sila niniwala sa Federal Cubicle, together we pooh together we fall sila ang yellowpooh 😂”.

Narito ang iba pang komento ng netizens:

Kristoffer Allen Ardanas Sa Unitary, pag inabot sayo nung malapit sa drum ng tubig yung tabo, malaki na ang nabawas sa tubig. Sa Federal, solong solo mo ang tissue, kahit magdala ka pa ng timba at tabo mo kung yun ang mas trip mo.

Ako Si Jhoanna See!? Mas madaling intindihin pag may humor at simpleng explanation. Pag ginamitan mo ng seryoso at professional way na pagpapaliwanag, maiintindihan ba yan ng mga nasa laylayan na madalas lugaw lang ang laman ng tiyan.

Ylime Osawa Bravo bravo! Ang smart talaga ng mga ka dds grabeeee....kalain nyo yun very simple explanation tumbok agad ang pwet este punto!

Tranz Revilo Sa Unitary, kailangan mong magkandado at solohin ang tawag ng kalikasan, sarado ang oportunidad pra sa kaginhawaan ng iba, sa Federal, bibigyan ka ng pagkakataong makahinga at gumalaw ng kumportable ng hindi ka nag iisa...may nakalaang lugar at espasyo pra sa ikauunlad ng nag aalburutong tawag ng kalikasan mo.. Hmmnn. Make sense Sass... Salamat...

Marikit Alvaran Tulad dito sa Canada miss For the Motherland - Sass Rogando Sasot Parliament-Federal. Ung taxes naka sentro by Province, dito sa Quebec, Canada ako, And daming projects at Modernization. Ang daming parks abd recreation, mga kabataan at adult nageenjoy sa pinagawa ng gobyerno na public facilities, Regarding health naman, free hospitalization hindi ka kaylangan magbayad di ka mamomroblema kahit pa emergency operation pa yan. 0$ payment.

Castro Teresa Tons of salutes Ms.Sass. Bilib na ako sa mga DDBloggers. Smart na, pretty pa... keep on doing this Ms.Sass kasi mas madaling maintindihan at di na kailangan ang tulong ni Google!


Samantala, depensa naman ni Mocha sa maraming kritiko, wala umanong kinalaman ang Consultative Committee (ConCom) sa ginawang ‘dance number’ kasama ang kapwang vlogger na si Drew Olivar na ginawa sa game show ng mga ito. Ipinaliwanag din nito na matagal nang na - shoot ang naturang video at walang perang nagamit o naiwaldas sa paglikha nito.

“Bago pa ako pormal na kausapin ng ConCom at ng Communications group ng DILG patungkol sa federalism, nai-shoot na namin itong video na ‘to at matagal na naming ginagawa ang online game show na ‘to. Walang inilabas na pera sa video o online game show na ‘to. Walang pera, walang budget, hindi binayaran sa Drew (Olivar),” ayon kay Mocha.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  For the Motherland - Sass Rogando Sasot