Prominent lawyer blasts Drilon: 'pinaalam nya kung gaano kababa ang tingin nya at ng mga katulad nya sa karaniwang mamamayan' - The Daily Sentry

Thursday, August 2, 2018

Prominent lawyer blasts Drilon: 'pinaalam nya kung gaano kababa ang tingin nya at ng mga katulad nya sa karaniwang mamamayan'



Composite photo of Atty. Trixie Angeles from Facebook and Senator Franklin Drilon from Inquirer



Kasalukuyang binabatikos ng mga netizens si Senator Franklin Drilon matapos niyang magbitaw ng salitang mga senador lamang ang maaring mang insulto sa loob ng Senate hearing noong Martes patungkol sa naganap umanong dayaan sa eleksyon ng 2016.

Muli siyang nasupalpal ng sikat na online blogger at beteranang abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.


Ayon sa abogada, ang ginawa ng senador ay isang malaking pang hahamak sa mga karaniwang mamamayan.

“Ang mali ni Sen. Drilon is, pinaalam nya sa atin kung gaano kababa ang tingin niya at ng mga katulad niya, sa ating mga karaniwang mamamayan. Partida yan, si Atty. Glenn ay dating congressman. Pero kung wala kang katungkulan sa gobyerno, o di buena familia, o hamak na empleyado, pwede kang insultuhin.”ayon kay Atty. Trixie.

“Please, Mr. Chong, stop the insults. Only Senators are allowed to insult here, not the witness.” – ang mismong sinabi ni Drilon kay Chong habang ginaganap ang hearing na nagpa-siklab ng galit ng mga netizens.


Narito ang sinabi ni Atty. Trixie mula sa kanyang Facebook post kahapon:

Ang mali ni Sen. Drilon is, pinaalam nya sa atin kung gaano kababa ang tingin niya at ng mga katulad niya, sa ating mga karaniwang mamamayan. Partida yan, si Atty. Glenn ay dating congressman. Pero kung wala kang katungkulan sa gobyerno, o di buena familia, o hamak na empleyado, pwede kang insultuhin.*

Ang masakit isipin ay hindi lang si Drilon ang ganyan magisip. Paalalahanin parati ang karaniwang tao ng mga nasa senado o sa Kongreso, na iba tayo sa mga mambabatas. Powerful sila. Tayo's hampas lupa lamang na parating may hinihingi o ineexpect sa kanila.

Lakas ng loob ng mga itong hamakin tayo. Pagdating ng federalism, kung maayos ang pagkaexecute, wala silang kalalagyan. Tapos ang patronage politics ng mga mapangapi.



Maliban dito, muling pinasaringan ni Atty. Trixie ang kampo ng oposisyong Liberal Party (LP) kung saan kabilang si Senator Drilon.

Ang mga ma-anomalyang gawain umano tulad ng barong bardong na Yolanda housing ng dating administrasyon, inidorong walang divider at flash, pati siraing tren ay iilan lamang na katunayan na maliit ang tingin ng LP sa mga mamamayan.

Narito ang isa pang pahayag ng abogada sa kanyang Facebook page:

Mentality talaga ng Liberal Party ang hamakin tayo. Kaya ganun lang yung housing ng Yolanda victims, barong barong. Kaya wala silang paki kung humahaba ang pila sa tren o nasisiraan ito. Kaya wala silang ginawa para mapabuti ang buhay natin. In fact, wala silang ginawa nung namamatay ang mga pulis sa Mamasapano, ang farmers sa Kidapawan, ang mga sundalo sa Al Barka.

Pati inidoro ng PNR basta lang sinalpak, walang dividers, walang flush... Syempre, di naman sila gagamit nun. Pag proyekto para sa taong bayan, ok lang yung kadiri.

Tapos tayo lang ang pwede insultuhin.