Thursday, August 16, 2018

Sen. Manny Pacquiao, gustong masampulan ang mga kingpin sa Pilipinas



Pacquiao On Death Penalty: Firing Squad Or Hanging. Image and caption credit to FHM.com.ph
Dapat i-firing squad ang mga sindikato lalo na ang mga kingpin ng ipinagbabawal na gamot kahit hindi pa naisasabatas ang bitay sa Pilipinas ayon kay Sen. Manny Pacquiao

Naghain na rin ito ng re­solusyon para imbestigahan ang sinasabing P6.8-B halaga ng shabu kahit pa pinabulaanan na ito ng Bureau of Customs.

Si Senator Manny Pacquiao ay isa sa mga nagsusulong na ibalik ang Death Penalty sa bansa para sa mga krimen na may koneksyon sa iligal na droga.

“Dapat i-firing squad ang mga drug lord na nagpapasok ng droga kahit pa walang batas o death penalty sa bansa,” ani Senator Manny Pacquiao.


Matapos mailusot ang mahigit P6 bilyong halaga ng shabu sa Bureau of Customs ay sinabi ni Senator Manny na, “Dapat i-firing squad ang mga drug lord na nagpapasok ng droga kahit pa walang batas o death penalty sa bansa.”

“Kapag mga ganyan tapos di nila susundin ang batas. Wala silang takot sa batas, magpapakulong na lang ako para ma-firing squad yong drug lord na ‘yon na nagpasok sa Pilipinas (ng shabu),”dagdag pa nito.

Sa kabila ng anti-drug campaign ni Pangulong Duterte ay nakakalusot parin ang bulto- bultong shabu sa ating bansa kaya naman gustong gusto ni Senator Pacquiao na mahuli ang mga tao na nasa likod nito.
Shabu worth P6.8 billion slips past Customs. Image and caption credit to PhilStar
Hindi pa natitiyak kung sino ang utak ng pag papadala ng mahigit P6 bilyong halaga ng shabu sa Pilipinas, iginiit ni Senator Pacquiao na dapat ay masampolan ang mga foreigners na nagpapasok ng droga sa bansa.

““Kung ako i -firing squad talaga kasi antigas talaga ng ulo. Ewan ko kung Pilipino ang gumagawa o foreigners gusto ko masampolan ang mga foreigners na gumagawa nagpapasok dito sa ating bansa. Para sa akin walang batas-batas para madisiplina.”
Senator Manny Pacquiao. Image credit to Inquirer
Ayon pa kay Senator Pacquiao ay dapat pa raw na ilagay sa tabi ng taong utak sa pagpasok ng droga ang drogang nahuli bago ito i-firing squad.

Kahit pa pinabulaanan na ng BOC ay naghain parin ng resolusyon para maimbestigahan ang mahigit P6 bilyong halaga ng shabu.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: GMA