SQUARES sa Balota na sinasabi ni Atty Glenn Chong, Ipinaliwanag: ‘Na-Hocus PCOS tayo’ - The Daily Sentry

Friday, August 10, 2018

SQUARES sa Balota na sinasabi ni Atty Glenn Chong, Ipinaliwanag: ‘Na-Hocus PCOS tayo’




Composite photos from Facebook and dzrhnews.com.ph
Sa patuloy na pakikipag – tagisan ni Atty. Glenn Chong laban sa kampihang COMELEC – SMARTMATIC sa Senado kaugnay sa dayaan noong nakaraang eleksyon, ibinahagi naman sa social media blog page na Deconstructed Media ang isa pang iregularidad na makikita sa mismong balota.

Ipinaliwanag sa naturang post kung ano nga ba ang mga SQUARES na naka – ukit umano sa balota ayon kay Chong base sa napag – alaman noong dumaang Senate Hearing.


Ayon sa post, hindi lamang tiga – bilang ang PCOS Machine o ang Precinct Count Optical Scanner, kundi tiga “picture” din umano ito na parang scanner o photocopier. Ito ang mandato ng COMELEC sa kumpanyang SMARTMATIC upang makamit nito ang umano’y FAITHFUL REPRODUCTION mula sa mga balota sa kalidad ng OPTICAL SCAN IMAGE o kuha ang mismong kopya.

Subalit, napag – alamang may mga ‘decrypted’ ballot images ‘na may mga lumabas na SQUARE sa paligid ng shaded oval.’
Photo from Rappler
HINDI umano angkop na magkaroon ng kahit ano pa mang hugis ang balota maliban sa mismong bahagi na minamarkahan dahil ‘kung may abilidad ang PCOS na lagyan ng KAHIT NA ANONG MARKA ang ballot images, pwede niyang DOKTORIN ANG BALOTA MO. No addition, insertion or deletion dapat’.

Halatang TAMPERED na umano ang mga images na nagmumula sa SD Card na inilagay sa loob ng PCOS Machine at hindi na din ito makakalikha ng FAITHFUL RESOLUTION.

Bagay na hindi na din dapat pang gawing basehan kapag isasagawa na ang pag – recount.

Giit sa post, ang bukod – tanging paper ballots na lamang ang makapaglalahad ng tunay na resulta ng boto kung kaya’t ito ang pinupuntirya ng mga sindikato o tiwaling opisyal sakaling may kailangang pagtakpan.

Maraming netizen ang nakibahagi sa naturang post kagaya na lamang ni Sarah Mercado na nagbigay ng kanyang sariling opinyon. Ayon sa kanyang komento, “ang machines nagpapadali lang ng task ng tao. Kung ano feed ng tao iyun lang ang ilalabas ng machines... kaya kung lumabas round... kung square ang pinasok.. . NA dapat SQUARE din ang lalabs kahit pa na hindi dapat dahil round ang usapan NOT SQUARE. KUNG ANG PINASOK AY SQUARE THEN LUMALABAS ROUND, MAY IBANG SINUSUNOD ANG MACHINES...”
Atty. Glenn Chong / Photo from YouTube
Miski ang Deconstructed Media ay naghabol din ng sarili nitong komento ukol sa ‘dagdag – bawas’ na boto. Aniya, “Wala pong square ang balota kapag ipinasok sa PCOS machine. Ang mga ballot images (pictures) na may square ay tampered na. Hindi na yan yung tinatawag na FAITHFUL REPRODUCTION. “Paano ginawa ito? Tulad ng pinakita ni Atty. CHONG, may mga precincts na nagkulang ang ballot images. Kung sampu tayong botante, nawala ang 6-10. May mga sequence number po ito. Mayroong 1-5, Nawala ang 6-10- nagkaroon ng 11-15. HANGGANG 15 ANG SEQUENCE NUMBER PERO SAMPU LAMANG ANG BOTANTE.“Nasusundan po ba natin? Yan po ang dagdag bawas na hi tech. Lahat po ito ay may pruweba.”

Narito naman ang kabuo – an ng sarili nitong Facebook post:

“Ano ba itong sinasabi ni Atty Glenn Chong na SQUARES sa Balota? Pag usapan natin. Ang PCOS Machine o Precinct Count Optical Scanner machine ay di lamang tagabilang kundi taga "picture" din ng balota mo. Parang xerox o photo copy.

“Nakasaad sa COMELEC rulebook na kailangan ito ay FAITHFUL REPRODUCTION ng balota mo. Kailangang ito ay OPTICAL SCAN IMAGE. Saktong sakto kumbaga. 

Napag-alaman noong Senate hearing na may mga decrypted ballot images na may mga lumabas na SQUARE sa paligid ng shaded oval. Ano itong kababalaghan na ito kung ang PCOS ay tagabilang lamang at taga "kuha ng picture". 

HINDI PWEDE ang mga squares sapagkat kung may abilidad ang PCOS na lagyan ng KAHIT NA ANONG MARKA ang ballot images, pwede niyang DOKTORIN ANG BALOTA MO. No addition, insertion or deletion dapat. 

Ang mga lumabas na ballot images galing sa mga SD cards ay halatang tampered na. Hindi ito FAITHFUL REPRODUCTION ng aktwal na balota at hindi ito ang dapat gamitin kapag nagrerecount.



Ang TUNAY NA PAPER BALLOTS ang siyang tanging makatotohanan. Kung kaya naman kapag may pinagtatakpan, ang mga ito ay sinisira at binabasa ng mga sindikato.

“Alamin ang PEOPLE'S CHOICE. Hindi ang PCOS' CHOICE. Na-Hocus PCOS tayo.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.