Huli kayo ngayon! Atty. Glenn Chong, isiniwalat ang aniya mga pekeng balota noong 2013 - The Daily Sentry

Thursday, August 2, 2018

Huli kayo ngayon! Atty. Glenn Chong, isiniwalat ang aniya mga pekeng balota noong 2013



Photo from Our Daily Revelations PH
Matapos isiwalat sa senado ng abogado ni dating Congressman ng Biliran na si Atty. Glenn Chong ang naganap na kaduda-dudang galaw ng mga voting machines ng Smartmatic noong nakaraang halalan, ay ang isa na namang nitong rebelasyon.

Sa kanyang pinakabagong Facebook post, idinetalye nito ang di umano'y ginawang pandaraya ng Commission on Elections (COMELEC) taong 2013 kung saan may mga litrato ito na ayon sa kanya ay nagpapatunay sa nangyaring talamak na dayaan.


"Ang mga larawang ito ay unang ipinalabas sa hearing ng isang joint committee ng Senado at Mababang Kapulungan noong December 10, 2013", pagsisimula ni Atty. Chong.

"Hindi ito sinagot ng sindikatong Comelec at Smartmatic mula noon hanggang ngayon", dagdag pa nito.

Ayon pa sa abogado  na dating Congressman ng Biliran, ngayong alam at naintindihan na ng sambayanan ang isyu ng dayaan sa halalan, layunin nyang "pabulaanan" ang "palusot ng sindikato (COMELEC)" ukol sa "paulit-ulit nilang sinasabi".

Ang nabanggit ng abogado na paulit-ulit umanong sinasabi ng COMELEC ay ang, "Kung may dayaan, bakit nagtugma ang bilang ng mga boto sa balota at sa printed election results galing sa mga makina?".

"Simple lang ang sagot. Sa isang protesta lamang nagkakaroon ng pagkakataon na maikumpara ang mga boto sa balota at ang printed election returns. Pero bago mabuksan ang mga balota, ilang buwan o taon muna ang lilipas bago ito mabusising muli. Sa panahong ito nangyayari ang manipulasyon", banggit nya.

Paglilinaw ng matapang na abogado, papalitan aniya ang mga orihinal o lehitimong balota ng mga pekeng balota upang tumugma ang bilang sa resultang iniluwal ng makina sa araw ng halalan.

Dahil dito, wala raw umanong ebidensiyang lalabas na nagkaroon ng dayaan pagdating ng mano-manong bilangan o manual recount.
Photo from Atty. Glenn Chong
Photo from Atty. Glenn Chong
"Upang hindi mabuking ang dayaan pagbukas ng mga ballot boxes, papalitan ang mga orihinal na balota ng mga pekeng balota nang sa gayon, kapag binilang muli ang mga boto sa manual recount, tutugma na ito sa resultang iniluwal ng makina sa araw ng halalan. Kaya walang ebidensiyang lalabas na nagkaroon ng dayaan", paglalahad nya.

Matapos nya itong ipaliwanag, inilarawan nya ang nasa litrato kung saan makikita ang mga patong patong di umano na balota na inayos pa sa bodega. Doon, kinumpara nya ang totoo at pekeng mga balota.

"Malinaw sa mga larawang ito na ang mga opisyal at orihinal na balota ay nakaimpake sa itim na carton boxes na may logo ng Comelec, may barcode, at may printed na mga detalye. Ang mga pekeng balota naman ay nakabalot lamang sa hard brown paper, masking tape at ang mga precinct identification numbers ay nakasulat lamang sa papel gamit ang itim, asul at pulang pentel pen", pagpapaliwanag ni Atty. Chong.

Dagdag pa nya, hindi libre ang pagpaglit ng balota kung kaya't may kaukulang malaking halagang pinag-uusapan sa nasabing transaksyon.

"Hindi po libre ang pagpalit ng mga balota. May bayad ito. Noong 2013, P3 million ang “access fee” upang ma-access ang mga balota. Iba pa ang bayad ng bawat pekeng balota na ipapalit", sabi ng naturang abogado.

Hinikayat rin nya na labanan at puksain ang sindikato na binanggit nito dahil malaki raw umanong negosyo ang dayaan sa halalan.

"Malaking negosyo ang dayaan sa halalan. Kaya dapat talaga nating labanan ito at puksain ang sindikato", ayon sa magaling na abogado.

Nanawagan din sya na makiisa sa 'Indignation Rally' ngayong araw ng Biyernes sa harap ng main office ng COMELEC sa Intramuros, Manila sa ganap na alas dos ng hapon.

Photo from Atty. Glenn Chong
Basahin ang kumpletong Facebook post ni Atty. Glenn Chong:

PEKENG MGA BALOTA NOONG 2013

Ang mga larawang ito ay unang ipinalabas sa hearing ng isang joint committee ng Senado at Mababang Kapulungan noong December 10, 2013. Hindi ito sinagot ng sindikatong Comelec at Smartmatic mula noon hanggang ngayon.

Ngayong nalaman at naintindihan na ng sambayanan ang isyu ng dayaan sa halalan, pabulaanan natin ang palusot ng sindikato na paulit-ulit nilang sinasabi. Kung may dayaan, bakit nagtugma ang bilang ng mga boto sa balota at sa printed election results galing sa mga makina?

Simple lang ang sagot. Sa isang protesta lamang nagkakaroon ng pagkakataon na maikumpara ang mga boto sa balota at ang printed election returns. Pero bago mabuksan ang mga balota, ilang buwan o taon muna ang lilipas bago ito mabusising muli. Sa panahong ito nangyayari ang manipulasyon.

Upang hindi mabuking ang dayaan pagbukas ng mga ballot boxes, papalitan ang mga orihinal na balota ng mga pekeng balota nang sa gayon, kapag binilang muli ang mga boto sa manual recount, tutugma na ito sa resultang iniluwal ng makina sa araw ng halalan. Kaya walang ebidensiyang lalabas na nagkaroon ng dayaan.



Malinaw sa mga larawang ito na ang mga opisyal at orihinal na balota ay nakaimpake sa itim na carton boxes na may logo ng Comelec, may barcode, at may printed na mga detalye. Ang mga pekeng balota naman ay nakabalot lamang sa hard brown paper, masking tape at ang mga precinct identification numbers ay nakasulat lamang sa papel gamit ang itim, asul at pulang pentel pen.

Hindi po mahirap intindihan ang malaking pagkakaiba ng mga totoong balota at mga pekeng balota.





Kaya walang lumalabas na ebidensiya dahil nadoktor na ang mga balota.

Hindi po libre ang pagpalit ng mga balota. May bayad ito. Noong 2013, P3 million ang “access fee” upang ma-access ang mga balota. Iba pa ang bayad ng bawat pekeng balota na ipapalit.

Malaking negosyo ang dayaan sa halalan. Kaya dapat talaga nating labanan ito at puksain ang sindikato.

NOTE: May INDIGNATION RALLY ngayong araw, Biyernes, sa harap ng Comelec main office sa Intramuros, Manila alas-2.00 ng hapon. Kung may panahon po kayo, inaanyayahan kayo ng mga organizers na sumali at makibaka para sa bayan.

Source: Atty. Glenn Chong

Hello avid readers! What are your thoughts on this? Let us know on the comments section below! Also, please share the article for more of this. Thank you for supporting us and may you continue to support us by visiting our page more often.