Friday, August 10, 2018

Watawat ng Pilipinas babaguhin, 1 pang sinag idaragdag




Philippine Flag / Photo from Philstar
Matapos ang matagumpay na pag – pasa sa Bangsamoro Organic Law kamakailan, iminungkahi naman ng Philippine Senate Blue Ribbon Committee Chairman na si Senator Richard ‘Dick’ Gordon na dagdagan ng isa pang sinag ng araw ang simbolo ng watawat ng Pilipinas alang – alang sa katapangan at kagitingang ini – alay ng mga Muslim sa tangkang mapalayas ang mga kastilang mananakop sa Mindanao.

Nakasaad na ito bilang Senate Bill No. 102 ng 17th Congress o ang PHILIPPINE FLAG 9TH RAY TO SYMBOLIZE THE COMMUNITY OF MUSLIM LEADERS na isinumite ng Senador noong Hunyo 30, 2016. Ang panukalang ito ay nagsasabing, “AN ACT INCREASING THE NUMBER OF RAYS OF THE SUN ON THE PHILIPPINE FLAG FROM EIGHT TO NINE, AMENDING FOR THE PURPOSE REPUBLIC ACT NO. 8491, OTHERWISE KNOWN AS THE FLAG AND HERALDIC CODE OF THE PHILIPPINES.”


Ayon kay Gordon, panahon na upang kilalalanin ang kabayanihan at katapangan ng mga Muslim laban sa mga dayuhang mananakop partikular na noong panahon ng mga kastila.

Walo (8) lamang ang kasalukuyang sinag ng araw na makikita sa watawat ng bansa at madadagdagan ito ng isa sa kabuo – ang siyam (9) na lahat kung papasa ang panukala ni Gordon. Pending pa ito sa 2nd reading sa kasalukuyan.
Philippine Flag / Photo from Philihappy
Sa pahayag nito, sinabi ni Gordon na, “With their bravery, our Muslim heroes left an imprint on national history that, at the very least, must be given due recognition in the most heraldic item of national importance--the Philippine flag.”

Giit ni Gordon, hindi mapagkakaila na malaki ang kinatawan ng mga Muslim o Moro sa pakikipaglabanan sa mga Kastila.

Mababatid na ang mga Moro ang nangunguna o dominanteng grupo ng katutubo sa bansa bago paman mapasok ng mga banyagang mananakop sa tagal ng mahigit – kumulang na 500 taon. Ayon pa sa Filipino Historian na si Dr. Renato Constantino, hindi umano mabubuo ang kasaysayan ng Pilipinas kung hindi dahil sa mga Moro.
Senator Richard ‘Dick’ Gordon / Photo from GMA Network
Sumiklab ang sagupaang Espanyol – Moro na pinangunahan ng Islam na si Rajah Sulayman nang masakop na ng mga dayuhang kastila ang ‘Kahari – ang Muslim ng Maynila’ noong taong 1500 na noo’y kabilang pa sa Sulatanato ng Brunei. Kinalaunan ay naging kabisera na ng bansang Pilipinas ang Maynila o Manila nang mabigong mapalayas ng ninuno nating Muslim ang mga Kastila hangga’t sa ipinasok na ang relihiyong Kristiyanismo.

Basahin naman ang iba-ibang komento ng netizen sa ibaba:





****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  philstar.com