Tuesday, September 25, 2018

Netizen bumuwelta sa naging pahayag ni Bam Aquino: "KAHIRAPAN--HINDI SI DUTERTE, ANG KALABAN!"





Composite photo of MJ Quiambao-Reyes (from Facebook) and Senator Bam Aquino (grabbed from GMA News)


Binatikos ni Senador Paolo Benigno "Bam" Aquino kahapon ang pagpapalabas ng warrant order para sa kaniyang kasamahang mambabatas na si Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV.

Ayon kay Aquino, ang tunay na kalaban ng gobyerno ay hindi ang mga miyembro ng taga-oposisyon kundi ang kahirapan at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


"Kahirapan at taas-presyo ang kalaban, hindi ang oposisyon. Ang panawagan namin sa administrasyon: Tama na, sobra na ang pananakot at intimidasyon," Ayon sa pahayag ni Aquino

Dagdag pa niya, dahil sa pagpapatahimik kay Trillanes ay nawawala ang focus ng pamahalaan sa tunay na problema ng bansa.

"Taumbayan ang nakakalimutan habang pinipilit na patahimikin si Sen. Trillanes at iba pang kritiko ng gobyerno. Habang nag-aaway-away, ang mga pangunahing isyu ng taumbayan ang nababalewala’t naiiwan," pahayag ni Aquino

Samantala, isang taga suporta naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay rin ng kanyang komento o sagot sa mga naging patutsada na ito ng mga taga oposisyon.

Ayon sa isang Facebook post ni MJ Quiambao-Reyes, tama naman umano na kahirapan ang kalaban ng bansa, ngunit bakit hindi makipag tulungan ang mga kritiko ng pangulo imbes na siya ay piloting pabagsakin ng mga ito.

“Pero sa halip na pagtuunan nyo ng pansin ang dapat sana'y inklusibong pag-angat ng kabuhayan ng mga mamamayan at makipag-tulungan sa pagsugpo ng kahirapan, korupsyon, at kriminalidad, aba'y wala kayong ginawa kundi batikusin at pilit pabagsakin ang Pangulong inihalal ng sambayanan.” Ayon kay Reyes


Iginiit rin ni Reyes na tumigil na ang mga kalaban ng pangulo sa politika, at hindi na umano mapapaniwala ng mga ito ang sambayanan.*

Narito ang kabuuan ng kanyang Facebook post:

"KAHIRAPAN ANG KALABAN"

Tumpak! Bakit ngayon nyo lang naisip yan kung kelan kayo na ang binabalikan ng inyong mga sariling katarantaduhan?

KAHIRAPAN--HINDI SI DUTERTE, ANG KALABAN!

Pero sa halip na pagtuunan nyo ng pansin ang dapat sana'y inklusibong pag-angat ng kabuhayan ng mga mamamayan at makipag-tulungan sa pagsugpo ng kahirapan, korupsyon, at kriminalidad, aba'y wala kayong ginawa kundi batikusin at pilit pabagsakin ang Pangulong inihalal ng sambayanan.

Sabay kayo pa ngayon ang may kapal ng mukha para sumigaw ng "Tama na. Sobra na." gayu'ng kayo ang walang tigil sa kangangawa at walang habas na naninira sa imahe ng bansa at naglalabas ng samu't saring kasinungalingan sa local at international media.

Tama na. Sobra na. Tigilan nyo na ang drama. Hindi nyo na mauuto pa ang madla.



Screen-capped image of MJ Quiambao-Reyes' Facebook post




Source: MJ Quiambao-Reyes, GMA News