Friday, September 28, 2018

Duterte kay Pangilinan: Malabong manalo sa susunod na Eleksyon




President Rodrigo Duterte and Senator Kiko Pangilinan
Bumwelta si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kompiyansang taglay ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na mananalo pa muli ito sa susunod na eleksiyon.

Sa idinaos na bagong Career Executive Service Officers (CESOs) sa Malacañang, pinayuhan ng Pangulo si Pangilinan na ‘wag masyadong kampante sa ‘Sure Win’ na hinahangad nito matapos umarangkada ang bilang ng mga bata o menor de edad na nasasangkot sa masamang gawain nang dahil lamang sa batas na pinatupad nito.


Ayon sa Pangulo, ang Juvenile Justice Welfare Act of 2006 ni Pangilinan ay nagbigay lamang ng lakas ng loob sa mga kabataan upang maghasik ng lagim sa lansangan dahil walang malinaw na basehan ang naturang batas na magpaparusa o magbibilanggo sa mga ito.

Aniya, “Itong si Pangilinan, kaibigan ko to. I do not want to demean him, but you know in this life we have to find ourselves what we do. Kung ginawa mo, ginawa mo. Ang criminal code noon, nine below no criminal liability. Then above nine below 12, and above 12 below 16 meron yang indeterminate sentence law.”
President Rodrigo Duterte / Photo from South China Morning Post
Bagama’t batay umano sa umiiral na batas sa Amerika ang Juvenile Justice ni Pangilinan, iginiit ng Pangulo na madalang o halos WALANG ganitong uri ng maling gawain ang naglaganap sa mga nagdaang administrasyon.

Pang – POGI POINTS lang di – umano ayon sa Pangulo ang ginawang batas ng Senador dahil nakaligtaan naman nito siyasatin muli ang panibagong kaalaman mula sa Estados Unidos na pinagpantay na ang parusa sa mga ‘Youth Offenders’ nito at ng mga ‘Adult Offenders’.

Hindi din umano nilinaw ni Pangilinan sa kanyang batas kung ano ang gagawin sa mga menor de edad na mahuhuli dahil walang sapat na hakbang kung paano repormahin o mabigyan ng panibagong buhay ang mga ito.

“Ito naman si Pontifical Pangilinan akala mo walang kasalanan kung magsalita. Siya pa yung Presidente ng Liberal, tingnan mo, pati siya hindi manalo yan,” Ayon sa Pangulo.
Senator Kiko Pangilinan / Photo from newsinfo.inquirer.net
Kinumpirma din ni Pangulong Duterte na ilang Senador din ang nakipag pulong sa kanya kamakailan upang pag – usapan ang posibilidad na i-urong o amyendahan ang nasabing batas.

Dahil sa naging pahayag ng Pangulo, agad naman bumwelta si Pangilinan at hinamon nito ang Pangulo na resolbahin muna ang krisis sa bigas, pagtaas ng presyo ng bilihin at pagdami ng walang trabaho bago atupagin ang pagbanat nito sa kanyang mga kritiko.

“Sa halip na siraan at insultuhin ang kanyang mga katunggali, mas mainam kung hanapan na lang niya ng solusyon ang problema sa kawalan ng murang bigas, sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin, at ang dagdag na sahod at trabaho para sa ating mga kababayan na hirap na hirap na mabuhay ng maayos,” sabi ni Pangilinan.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.