Sunday, September 23, 2018

Enrile sa mga kritiko ng Martial Law: Debate tayo, patunayan ninyong mali ako



Juan Ponce Enrile / Photo from Spot.ph
Matapos ang kaliwa’t – kanang pagtuligsa ng iba’t ibang personalidad sa nauna nang pahayag nito, hinamon naman ngayon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang mga kritiko ng balagtasan o ‘debate’ ukol sa di – umano’y ‘PAMBABALUKTOT’ nito sa ilang paksa ng kasaysayan ng bansa, partikular na noong batas – militar.

Aniya, “They claimed that we killed a lot of people, and that’s why, when I was interviewed by someone some time ago, I challenged her, name me one that we executed, that we killed other than Lim Seng?”


Kilala bilang ‘Arkitekto ng Martial Law’, mariing itinanggi din ni Enrile ang mga paratang laban sa kanya sa paglahad ng kwento na pawang ‘imbento’ lamang di – umano ukol sa tunay na kaganapan noong administrasyon ng dating Pangulo at yumaong Ferdinand Marcos.
Juan Ponce Enrile / Photo from Esquire Philippines
Kasunod ito ng lumutang ang video ng kanilang one – on – one interview ng dating Senador Bongbong Marcos kung saan iginiit ng dating Pangulo ng Senado na HINDI TOTOONG marami ang napatay kasama ng mga libo – libong taong naaresto dahil di – umano sa pambabatikos at pag – aaklas sa administrasyong Marcos noong panahon ng Martial Law.

Sa panayam nito kasama ang nakababatang Marcos sa video na pinamagatang “JPE: A Witness to History”, sinabi ni Enrile na “I do not manufacture facts. I have not lied to the people. I have not manipulated events. I dealt with them as I face them.”

“That we had 70,000 arrested, which was not true! Maybe if they will include the people who violated curfew and jaw walkers, maybe you can reach that number,” dagdag ni Enrile.

“SINUNGALING!” – yan naman ang tanging pagkakalarawan ng mga nagpakilalang biktima ng Martial Law kay Enrile matapos nitong sabihin na walang napatay at nabilanggo noong batas – militar.

Bagay na tinawanan lamang ng beteranong opisyal bagamat nasa may mahigit kumulang 70,000 katao ang tinayang naaresto at dumanas ng torture batay sa tala ng mga International Human Rights Organizations at mismong gobyerno ng Pilipinas.
Photo from Positively Filipino
Kabilang na si dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga bumatikos sa pahayag ni Enrile at sinabing hindi sapat na dahilan ang katandaan nito upang baguhin ang una nang naka – ukit sa kasaysayan ng bansa. Mababatid na naging mahigpit na magkaaway sa pulitika ang yumaong ama nito na si dating Senador Ninoy Aquino at ang nakatatandang Marcos.

Aniya, “medyo may edad na si Senator Enrile pero hindi naman pwedeng gawing dahilan yun para maniwala tayo dun sa gusto niyang pagbabago ng katotohanan.”

Nagawa ding banatan ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte sa hiwalay nitong panayam sa Bombo Radyo, at iginiit na isang uri di – umano ng ‘pananakot’ ang pinapakita ng Pangulo sa pamumuno nito na isang malinaw na katangi – an ng DIKTADOR.

“Virtually, meron na tayong features ng Martial Law ngayon. ‘Yung fear na ginagawa niya sa mga citizens, ‘yung mumurahin niya, lahat. Siyempre marami namang hindi sanay na minumura. So, napapatahimik niya. Isa kasi ‘yang accomplishment ng Martial Law,” ayon kay Sereno.


Binalaan naman ni dating Senate President Nene Pimentel, na ilang beses makulong sa kabuo – ang yugto ng Martial Law, ang mga kabataan na iwasang magpadala sa baluktot na kasaysayan.

Aniya, “So many died, so many disappeared among our countrymen. That is what we must tell millennials. You must always remember the ends never justify the means.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  bomboradyo.com