Sunday, September 23, 2018

Independent Consultant kay Pangilinan: ‘Worse than an idiot, is a confused idiot.’



Sen. Kiko Pangilinan and Guy Tolentino / Composite photos from Philnews.Ph and Twitter
Nakakahalata na talaga ang pagiging EPAL ng mga pulitikong wala namang silbi sa lipunan lalo pa’t nakaluklok ito sa Senado. Kung sino pa ang mga walang pakinabang, sila pa ang mahilig mag – iingay at punahin ang ginagawang hakbang ng Pangulo para sa kaunlaran.

Kagaya ng hinaing ng isang independent consultant sa pangalan ni Reen Ramirez na halos abot – langit na ang pananawa sa mga patutsada ng mga pulitikong kagaya nina Senator Kiko Pangilinan, dating Solicitor General na si Florencio Hilbay, VP Leni at iba pang kampon ng mga dilawan, sa patuloy nitong panninira sa kabutihang ginagawa ng administrasyong Duterte.


Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, ibinahagi ni Ramirez ang isang twitter post ng kapwa consultant na bihasa sa business and social development na si Guy Tolentino kung saang pinakita nito ang larawan ng ‘mahusay’ na Senador na si Kiko Pangilinan na may kasamang caption kaugnay sa iba’t – ibang pasaring nito kamakailan ukol sa di – umano’y ‘Rice Shortage’ ng bansa.
Sen. Kiko Pangilinan / Photo from Politiko
Aniya, “Last week, Sen. Pangilinan said: ‘We face a shortage of rice.’ Then, gov’t imports rice. After, he says; farmers may be hurt by rice importation! There a saying that goes: Worse than an idiot, is a confused idot.”

Sinamahan pa ng caption ni Ramirez sa mismo nitong post na may kalakip na hashtag na #QuintessentialVillageIdiotngSenado na nagpapahiwatig kay Pangilinan at sinabing, “Minsan gusto mo na din mapaisip, posible ba na nagbayad lang ito para maging lawyer? When you see the likes of him, Florencio Hilbay, Leni Robredo et al..mapapatanong ka talaga eh. Paano nakapasa ito? Not meant to take a swipe at lawyers here, pero ung totoo, paano nakapasa ang mga ito? 🤔🙄”

Mababatid na ginawang isyu na naman ang kakulangan di – umano ng bigas sa bansa ng mga namumulitikang miyembro ng oposisyon upang paigtingin ang ‘destabilization plot’ ng mga ito laban sa Pangulo. Bagay na itinanggi naman ni Pangilinan sa panayam nito at iginiit na malaki ang kakulangan ng supply ng bigas sa Pilipinas gayon at marami naman ang nai-aangkat mula sa ibang bansa.
Reen Ramirez / Photo from Facebook
Aniya, “Base doon sa datos, malaki na pumasok na bigas sa ating bansa dahil sa pag-import through the NFA at ang tanong: nasaan ‘yon? Ba’t nawawala? Napunta ba sa commercial traders? Ito ba ay ni-rebag? ‘Yan ang mga posibleng dahilan kung bakit walang murang bigas sa merkado dahil ‘yung dapat sanang presyong P27 at P32, ay napunta na sa trader at binebenta nang P40 hanggang P45 hanggang P50.”

Dagdag pa nito, ipinaliwanag ni Pangilinan na  “ang remedy sa akin kung tatanungin, tanggalin ‘yung mga namamahala, ang ating ahensya ng pamahalaan na may kinalaman dito. At ipasok at ibigay ang management sa mga nakakaalam at sa mga malinis ang hangarin at hindi nakikipagsabwatan sa mga trader at iba pang mga grupo, mga smuggler sa usaping ito,” kung saang pinapahiwatig nito ang di – umano’y kapalpakan ng mismong National Food Authority (NFA) Administrator na si Jason Aquino.

Mariin namang itinanggi ng mismong Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon na hindi na sapat ang bigas para maiha-in sa hapag – kainan ng bawat Pilipino. Nanindigan ang Pangulo na may sapat na supply ng bigas ang bansa para sa lahat.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.