Saturday, September 29, 2018

Jay Sonza, pinabulaanan ang mainstream media sa pagkakalat ng “Fake News” tungkol sa Pangulo




 
Jay Sonza / Composite photos from Facebook and Google
Dismayado ang beteranong newscaster at talk show host na si Jay Sonza sa tila naging “out of context” na pagkakahayag ng mainstream media kaugnay sa naging talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan sa idinaos na panunumpa ng mga Career Executive Officers sa Malacañang.

Paulit – ulit na pinaiikot ng Mainstream Media ang pahayag ng Pangulo na di – umanoý inaako na niya ang pagiging ‘mastermind’sa kontrobersiyal na Extra Judicial Killings.


MEMA LANG - Sa haba ng nasabi ng Pangulo sa kanyang talumpati at ang mababaw nitong pagpapahiwatig, tanging ang pahayag na, “Ako I will talk to a political exercise now. What are your sins? Ako? Sabi ko nga sa military, ano kasalanan ko? Nagnakaw ba ako diyan ni piso? Did I prosecute somebody na pinakulong ko? Ang kasalanan ko lang ‘yung mga extrajudicial killing,” ang pumitik sa pandinig ng mga media at pina – iikot sa mga pahayagan – MAY MASULAT LAMANG.
Jay Sonza / Photo from DailyPedia
Pinabulaanan naman ni Jay Sonza ang mga kapwa nito ka - baro sa media ang tunay at tamang konteksto sa likod ng mensahe ng Pangulo.

Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, inulit ni Sonza ang naging pahayag ng Pangulo na nagsasabing, "ang mga kalaban ko maraming usapin/kaso tulad ng bawal na gamot o illegal drugs, smuggling o pagpupuslit at nakawan-pangungulimbat o corruption. Oo aaminin ko, ang kasalan na "EJK" lang ang ikinukulapol nilang isyu sa akin. corruption wala ako niyan."

Ito ay matapos marahil maalarma ito sa naging headline ng media na: “EJK INAMIN NI DUTERTE!”

Bagay na pilit ding iginigiit ng oposisyon upang makahanap lang ng butas para tuloyan nang matuloy ang matagal na binabalak nilang mapatalsik ang Pangulong Duterte sa puwesto.
President Rodrigo Duterte / Photo from newsinfo.inquirer.net
Ayon sa kanyang post, sinabi ni Sonza na:

“ito ang tamang konteksto ng sinabi ni digong:

‘ang mga kalaban ko maraming usapin/kaso tulad ng bawal na gamot o illegal drugs, smuggling o pagpupuslit at nakawan-pangungulimbat o corruption.

oo aaminin ko, ang kasalan na "EJK" lang ang ikinukulapol nilang isyu sa akin. corruption wala ako niyan.’

headline ng media: EJK inamin ni duterte!

liberal party/tindig pilipinas: kita nyo, eh di inamin din ng demonyong duterte na gawa niya lahat ng EJK.

destabilizer/oligarch/funder: concentrate vilification campaign against the president on this single tone. release more monies for media and mass actions.”

Ito naman ang ibang post ni Sonza sa kanyang Facebook:

“may problema nga kayo.

kung hindi nyo maintidhan o ayaw ninyong intidihin magsalita ang mga bisaya, lalo na ang presidente

you always make it a point to see something wrong at nothing but a simple play of words, if not take every bit of statement out of context.

you turn visayan jokes or sarcasm into statement of facts and figures.

para kayong mga pastor o pari na nagbasa ng Bibliya, pero huminto sa bahaging gusto lang nila, upang ilihis ang paniniwala ng kanilang mga nais akayin sa "matuwid na daan."

having said that, i strongly suggest to the president to talk purely in the visayan language, which is more complete than other filipino languages and let them hire a professional sociologist cum translator for their better understanding.

then and only then, can they better understand you and the other visayans.

As always, maraming Netizen ang nanindigan sa katotohanan. Marami ang rumesbak sa naging pahayag ng Pangulo base sa post ni Sonza.

Opinyon ng Netizen na si Ruel N. Bajao, “Hindi kasi maintidihan ung sarcasm ng mga bisaya. Ang advice ko sa kanila, mag aral sila ng bisaya at panoorin ang mga videos nila Teban, Goliat, Dos Companeros, Yoyoy Villame, Max Surban, Gulley Del Mar. Ito ung mga famous na comedians na bisaya. Maiintindihan nila pano mag joke ang bisaya at pano gumamit ng sarcasm. Iba ang joke at sarcasm ng mga bisaya. Akalain mo seryoso pero hindi pala. Maintindihan mo lang yan kapag nasanay ka sa style ng mga bisaya. Magbigay ako ng example.

Noong panahon ng kampanya, during campaign speech ni Digong.

may sinabi siya sa mga tao. 

Sabi niya, "

in bisaya " 

"kamong mga tawo, kung makadaog ko, mahinayon na jud nga makaadto mo sa malacanan pero katong mga gwapa ra, katong mga batig nawong waa moy labot". 

in tagalog: 

Kayong mga tao dito kapag nanalo ako. Pwede na kayo pumunta sa malacañan. matutupad na ung pangarap niyo na makapasok sa Malacañan pero tong mga magaganda lang, ung mga pangit hindi kayo kasali".

after niya sinabi un, hindi siya tumawa. Pero tawa ng tawa ang mga tao. Kasi naiintindihan nila ang joke.

Ito pa isang intance

panahon din ng kampanya, Sinabi ni Digong doon sa mass wedding.

Sabi niya.

in bisaya.. "kamong mga gikasal diri, waa koy ikahatag ninyong regalo kay waa man koy kwarta. Pero naa koy mahatag pero para rani sa mga babayi, mga asawa ninyo - walay labot ang mga lalaki kay dili ko bayot."

in tagalog:

"kayong mga kinasal dito, wala akong maibigay na regalo sa inyo kasi wala akong pera pero meron akong maibibigay sa mga bride ninyo, hindi kasali ang mga lalaki dito kasi hindi ako bakla."

kung hindi mo kabisado ang style ng mga bisaya , kung ikaw ang lalaki, cguro ma-ooffend ka. Pero kapag bisaya ka, alam mo na kung ano ibig niyang sabihin at alam mong nagpapatawa lang siya. 

ito ung example ng mga bisaya jokes / sarcasm na mahirap intindihin kung hindi mo kabisado ang style ng bisaya.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Jay Sonza