Monday, September 24, 2018

Mataas na satisfaction rating ng war on drugs ng bansa, dahil sa takot – Pangilinan




Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan / Photo from philstar.com
‘Kiber’ lamang si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa naging resulta ng isinagawang pagsiyasat ng Social Weather Station (SWS) kamakailan na tumatalakay sa giyera ng gobyerno laban sa droga.

Lumalabas na 78% ng mga Pinoy o katumbas sa APAT bawat lima ang umano’y ‘SATISFIED’ o kampante sa estilo ng gobyerno na pinangungunahan mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte.


Subalit, hindi bumenta kay Pangilinan ang nasambit na resulta at sa halip ay pinasaringan pa niya ito at iginiit na nadala lamang ang karamihan sa mga Pinoy dahil sa takot na idinulot ng estilo sa pamumuno ng Pangulo.

Aniya, “may duda ako na may halong takot ang sagot na oo sa nasabing survey”.

Dagdag pa aniya, marami din ang nanatiling takot na maranasan ang sinapit ng mga napaslang nang dahil sa War On Drugs o Oplan Tokhang ng Pangulo kung kaya’t napilitang sumang – ayon na lamang ang mga ito.

“Kaliwa’t kanan ang pinapatay na mga kababayan natin na parang hayop sa Oplan Tokhang, at dahil dito na maaring humantong na sa sitwasyon na ang mga magsasabi na tutol sila sa araw-araw na patayan sa drug war ay maaring ma-tokhang din,” ayon kay Kiko.
Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan / Photo from PhilNews.Ph
Kasabay nito, bumwelta din ang kapwa ka – baro ni Kiko sa Liberal Party na si Senator Bam Aquino na sinabing datapwat ay malala ang problema sa iligal na droga sa bansa, kwestiyonable naman daw aniya ang paraang isinagawa ng administrasyong Duterte sa pag resolba nito.

Punto ni Aquino, mas makabubuti aniya sa kapakanan ng Pilipino ang paglatag ng pamahalaan ng isang uri ng REHABILITATION o COMMUNITY INTERVENTION, ika nga, sa halip na idaan sa dahas at pagpatay ang mga nawalan ng landas nang dahil sa iligal na droga.

Si Kiko ay nanatiling isang masugid na kritiko ng Pangulo sa giyera nito kontra iligal na droga kasama ang nakabilanggong Senador na si Leila De Lima at ang akusadong si Senator Antonio “Sonny” Trillanes.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  tnt.abante.com.ph