Monday, September 24, 2018

Matinding naratibo ng isang propesor: 'hindi lahat ng lumaban kay Marcos ay bayani, ang iba ay ambisyoso lang'





DLSU Professor Van Ybiernas/ Images from his Facebook account



Nagpahayag ng matinding naratibo ang De La Salle University (DLSU) professor na si Van Ybiernas sa isang niyang Facebook post kahapon lamang.

Ayon sa propesor, ang pagdedeklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ng martial law ay siya umanong nararapat gawin noong panahon na iyon upang labanan ang mga nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.


“Nilabanan nila ang gobyerno. Ipinagtanggol naman ng gobyerno ang sarili nito.” Ayon sa propesor

Para rin kay Ybiernas, ang mga taong nagtulong-tulong noon upang alisin si Marcos ay may kani-kaniyang hidden agenda.

Narito ang kanyang magkasunod na naratibo at post sa Facebook:

Simple ang naratibo:

Nagdeklara ng ML si Marcos at yung CPP-NPA-NDF, mga Muslim at kaguluhan sa bansa ang justification.

Suspetsa ng kabila ---na may basehan naman--- ay gusto lang tumagal sa pwesto ni Apo.

Dahil ML nagkaroon ng kapangyarihan ang gobyerno na arestuhin lahat ng inaakala nitong may kinalaman sa pagpapabagsak ng pamahalaan. Yung iba parang wala naman talagang kinalaman. Yung marami may koneksyon sa mga nagtatangka. Yung ilan kasama talaga sa nagtangka.

Justification nila ay dahil tyrant si Marcos pero may kanya kanya din silang hidden at not-so hidden agenda: ideyolohikal, pulitikal, personal, etc. Nilabanan nila ang gobyerno. Ipinagtanggol naman ng gobyerno ang sarili nito.

Sino ang bida at kontra-bida? Depende na yan sa pulitika mo.

Kasama sa ML ang isang sistematikong propaganda ni Marcos para i-justify ang ML. Pero may human rights violations pa rin. May plunder din.

Ngunit hindi lahat ng lumaban kay Marcos ay bayani. Ang iba ambisyoso din lang. Naghahangad ng kapangyarihan para sa sarili. Ayaw lang umamin.*

Maraming gumamit ng makabayang pananalita para labanan si Marcos. Pero makabayan ba talaga?

Bandang huli napagtanto ng mga kalaban ni Marcos na hindi sapat ang mga paninikil sa oposisyon para mapakilos ang taumbayan na wala naman pakialam sa hirap na dinaranas ng mga palalong pulitiko. Lalo pa't may kabutihang naidulot kahit papaano ang ML sa taumbayan.

So nagtutulong-tulong ang lahat, at sumabay pa sa pandaigdigang pagkilos, sumadsad/pinasadsad ang ekonomiya hanggang sa si Marcos ang sinisi ng taumbayan dito. Sumabay ito sa military adventurism nina Enrile at Ramos noong 1986, kasama na ang basbas ng Amerika, napilitang/boluntaryong lisanin/nilisan ni Marcos ang Malakanyang.

Pag-alis ni Marcos pinalitan naman ng pro-Cory/Ninoy propaganda ang propaganda ni Apo.

Lahat na sila ngayon ay bayani. At biktima. At walang tanging hangad kundi ang ikabubuti ng bayan.
Mga ul*l!

Hindi ko pala naisama sa naratibo:

Kasama sa pro-Ninoy/Cory propaganda na parang walang problema ang mga Dilaw pero galit na galit nung si Marcos ang gumawa ay ang pagpapatayo ng mga rebulto (gamit pa ang kaban ng bayan sa ilan sa mga ito!) ni Ninoy o Cory o ng People Power na ikinabit din kina Ninoy at Cory ng propaganda.

Pinalitan mga pangalan ng pampublikong imprastruktura. (Hindi daw yan kasama sa propaganda sabi ng Dilaw. Sagot ko? Ulol!)

Pati teksbuk tinira. Pati media at social media.

Pero masama yung propaganda ni Marcos.

Yung pro-Ninoy, pro-Cory, pro-Dilaw propaganda na nasa paligid natin, ABA'Y YAN TAMA YAN!

Mga ul*l


Source: Van Ybiernas