Thursday, September 27, 2018

PhilHealth, ipapatupad na ang libreng screening at check-up sa Oktubre




Composite photos from kami.com.ph and TheWorldNews.net
Ipapatupad na ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) simula Oktubre 1 ang panukalang ‘Premium Adjustment’ nito na kumakailangan ng ‘at least’ 6 months ang pinakamababang ka-buwanang hulog ng bawat isang miyembro nito kumpara sa dating 3 months lamang – bago samantalahin ang mga benepisyo nito.

“Hindi naman maganda para sa funding natin na kung kailan lang kayo mag-a-avail ng in-patient hospital benefits, eh diyan lang kayo magbabayad,” paliwanag ni PHILHEALTH Spokesperson Shirley Domingo.


Kasabay din nito ang pagpapatupad ng kanilang ‘Expanded Primary Care Benefits’ kung saang madaragdagan ang umiiral na benepisyo na kasalukuyang napapakinabangan ng 30 Milyon miyembro nito kagaya ng libreng health screening at check – up pati narin sa mga dependents.
Photo from RMN Networks
Maglalaan din ang ahensiya ng P800 kada pamilya ng bawat miyembro nito bawat taon ‘para sa medical screening at outpatient maintenance na gamot para sa diabetes at hypertension.’

Base sa nauna nang ibinalita ng ABS – CBN News, kasama na rin ang mga Senior Citizens bilang tagapakinabang sa naturang benepisyo na pwede umanong gamitin upang magpagamot ng LIBRE sa lahat ng pampublikong ospital kahit wala itong naihulog na kontribusyon.

Subalit hindi pa malinaw kung sakop din ng naturang benepisyo ang mga Persons With Disabilities (PWD) sa kadahilanang nakabinbin pa sa KAMARA ang panukalang aangkop sa ilalim ng National Health Insurance Program para sa mga kababayan nating PWD.

Maglalabas na din ang PHILHEALTH ng opisyal na listahan ng kasosyong health care facilities nito, kabilang na ang mga pribado at pampublikong ospital, diagnostic centers, at mga botika na pwedeng pakinabangan ang karagdagang benepisyo.
Photo from Rappler
Mababatid na nauna nang nag anunsiyo ng karagdagang singil para sa Premium Contribution ng bawat miyembro nito upang paigtingin ang ‘financial situation’ ng ahensiya at patuloy na matugonan ang Health Insurance Benefit Packages nito.

Ayon sa nauna nang balita, nakatakda ring ipatupad ng PHILHEALTH ang tinawag na FOUR Z BENEFIT PACKAGES na nakalaan para sa mga bata na mayroong kapansanan kagaya ng visual and hearing impairment, at mobility and developmental disabilities.

Dagdag pa nito, mapapakinabangan na rin ng mga batang may developmental disabilities ang benepisyo ng ahensiya sa halagang hindi bumaba sa P3,626 ang CLAIM nito habang nagsisimula naman sa P13,110 ang katumbas na pwedeng makuhang CLAIM sa mga batang may mobility impairment.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  kami.com.ph