Tuesday, September 25, 2018

Sotto, isusulong na ang batas na magpapakulong sa mga batang sangkot sa krimen




Senate President Vicente Sotto III / Photo from GMA Network
Tapos na ang maliligayang araw ng mga ‘batang – hamog’ dahil isinusulong na ni Senate President Vicente Sotto III ang Senate Bill 2026 kung saang layunin nito ay ang amyendahan ang ngayo’y umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Sa panukalang ito, maibababa na sa 13 – anyos ang mananagot sa batas, taliwas sa ngayo’y 15 – anyos pataas lamang ang maaring mapatawan ng parusa na “lubhang napakataas base sa pandaigdigang pamantayan.”


Ayon sa Pangulo ng Senado, panahon na upang baguhin ang nakasaad sa Sections 6, 20-A, 20-B ng RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 upang ang batang may edad 13 – anyos pababa ay pwede nang panagutin sa batas at litisin ‘maliban na lamang kung wala siyang kamalay – malay sa ginawang krimen.’
Senate President Vicente Sotto III / Photo from interaksyon
Batay naman sa isinagawang pagsisiyasat ng Child Rights International Network, depensa ni Sotto na nasa 11 – anyos naman ang pangkaraniwang minimum age requirement ng criminal liability sa Asya at Africa. 13 – anyos naman sa parehong US at Europe.

Pinanindigan ni Sotto ang kanyang dahilan upang maisulong ang naturang panukala. Sa explanatory note nito, sinabi ng Senador na “Due to the continuing challenge in the implementation of RA 9344, as amended, the aforesaid law must be further amended to lower the minimum age of criminal liability in order to adapt to the changing times.”

Paliwanag ni Sotto, “This bill will finally give clarity to the true intention of the law. The amendment to the law will institutionalize the criminal liability of teenagers who committed serious criminal offense.”

“Not only was the law abused by criminals but the innocence of these youngsters were deliberately taken from them,” dagdag ng Senador.
Senate President Vicente Sotto III / Photo from The Philippine Star
Kinundena din ni Sotto ang lumutang na video kamakailan ng mga kabataang nakitang pinagtutulungang ang isang matanda sa tangkang pagnakawan ito ng pitaka.

Aniya, lubhang nakaka – alarma na umano ang nagaganap na krimen kung saang menor de edad ang madalas nang nasasangkot kung kaya’t nais nitong isulong ang panukala na bababa sa 13 – anyos ang magiging criminal liability ng mga bata lalo pa’t posibleng may sindikatong nag – uutos sa mga ito.

Sa kasamaang palad aniya, walang kaso ng mga bata ang nareresolba sa kadahilanang pinalalaya lamang ang mga ‘juveniles’ na ito pabalik sa lipunan lalo’t mga edad 15 pababa at nauulit lamang ang pagsagawa ng krimen.

“May ilang kaso din na ginagamit ang menor de edad ng mga pusher o runners ng sindikato ng droga dahil sa pangyayaring hindi sila papanagutin sa anumang krimen dahil may batas,” giit ni Sotto.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  remate.ph