Saturday, October 20, 2018

Isang Open Letter Para Kay Jover Laurio: Mas Yamot Kami Sa Dilawan



Jover Laurio and Aga Muhlach
Dear Ms. Laurio:

Nabasa ko po ang open letter na ginawa nyo patungkol sa sinabi ni Aga Muhlach ng siya ay tanungin tungkol kay Senator Antonio Trillanes. 

Kung pagbabasehan po ang kanyang sinabi, wala naman akong nakikitang masama dito dahil hiningan sya ng opinyon at sinabi nya ang kanyang saloobin. Katulad ng madalas na pinaglalaban nyong mga pumupuna sa palakad ni Pangulong Duterte na bigyan kayo ng karapatang magpahayag, si Mr. Muhlach ay mayroon ding karapatang ipahayag ang kanyang opinyon.

Aga Muhlach, photo from PhilNews.XYZ
At sa aking palagay, may punto naman si Mr. Muhlach. Dahil sa lahat na lang ng lider na umupo bilang presidente, puro pagpuna at pag-aaklas na lang ang ginagawa ng senador na pinagtatanggol mo.

Ang mga biktima “diumano” ng Extra Judicial Killings ang inaalala mo, paano naman ang mga biktima ng mga karumal dumal na krimen na ginawa ng mga taong nasa impluwensya ng iligal na droga? Ilang buhay pa ba ang kailangang masira para maintindihan nyo na ang krusada ng administrasyon laban sa droga ay para sa kabutihan ng lahat.



Kung talagang nagmamahal ka sa bayan mo, dapat ay matuto kang magpahalaga sa mga magandang naitulong ng presidente, hindi yung puro pagkontra ang inaatupag mo. Kung hindi man ang gusto mong lider ang nakaluklok ngayon sa pwesto, move on na, imbes na puro pagpuna ang atupagin nyo, dapat ay tumutulong na lang tayo sa presidente para umunlad ang bansa.


Ang mga programa ng gobyerno tulad ng Build, Build, Build, at TRAIN Law ay isinakatuparan upang maiangat ang ekonomiya ng bansa, ang layon nito ay ang maingat ang masang Pilipino mula sa kahirapan.


Bago mo punahin ang mga katiwalian ng mga ibang tao, bakit hindi mo muna punahin ang mga katiwalian ni Trillanes? Ang pagkawala ng Panatag Shoal, ang MRT 3 project, ang mga multong pork barrel projects nya, ang pag abandona nya sa military, at marami pang ibang kapalpakan.


Si Aga Muhlach, katulad din ni Trillanes ay influencer, sana ay ayusin din ni Trillanes ay kanyang pag-uugali sapagkat marami ang nabubulag sa kanyang mga kasinungalingan laban sa pangulo. 


At para sayo, Jover Laurio, ang tunay na “journalist” ay dapat marunong mag “appreciate” ng accomplishment when she sees one. Your views should reflect the majority and not the party you’re associated with. Purihin din natin minsan ang pangulo pag karapat dapat mapuri, hindi yung puro kayo alipusta at kontra sa bawat kilos nito.

Jover Laurio, photo from Rappler

Stop being a lapdog.

“The cynics may be the loudest voices, but I assure you they will accomplish the least.”


Nagmamahal,

Isang Matalinong Pilipino