Saturday, October 20, 2018

Open Letter To Atty. Jesus Falcis : Atorning Pulpol



Atty. Jesus Falcis and Aga Muhlach
Dear Atty. Jesus Falcis

Sayang! Attorney ka pa naman, nakapagtapos sa magandang unibersidad, isang magaling na debater, at advocate at isang lantad na sumusuporta sa LGBT community.



Anyare? 


Ang pagbatikos mo kay Aga Muhlach ay mali sa lahat ng klaseng rason. Katulad ng mga pagpuna mo sa administrasyong Duterte, lahat tayo ay may karapatang ipahayag ang ating saloobin. Dapat alam mo yan, kasi sa first year pa lang ng Law school, pinag-aaralan na yan. Freedom of Expression.

Atty. Jesus Falcis, photo from Twitter
At ang paglipat ni Aga Muhlach mula sa pagiging dilawan, hindi ba pwede? Mabuti nga at nagising na si Mr. Muhlach sa katotohanan at alam nya na walang maitutulong sa ikauunlad ng bansa ang mga dilawan, kung kaya’t sinuportahan nya na ang karapat dapat na suportahan. 

Eh ikaw, kailan ka ba magigising sa katotohanan? 
Aga Muhlach, photo from Abante Tonite
Stop acting like you know it all, kasi the sad truth is, sobrang dami mo pang bigas na kakainin. Wag mong maliitin ang mga artista just because you’re a lawyer. Marami sa ating mga artista ang napatunayan na ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa bayan, eh ikaw? Bukod sa pagiging vocal critic ng pangulong Duterte, ano na ba ang nagawa mo sa bayan?


When living in a glass house, do not cast the first stone.


Ang galing mong mamuna eh kung yung sarili mo muna kaya ang baguhin mo, mas maige pa siguro. Simpleng pagsunod lang ng tamang kasuotan sa korte di mo magawa, ayun, na contempt ka pa tuloy. At pwede ba, galingan mo naman ang pagrepresenta ng LGBT ? hindi yung puro kapalpakan ang ginagawa mo, nakakahiya naman.


Atty. Falcis, sa ginawa mong pagbatikos sa mga sinabi ni Mr. Muhlach, para mo na ring kinain ang mga prinsipyong pinaglalaban mo. Wag mo naman ipahiya ang Unibersidad ng Pilipinas kung saan ka nagtapos ng abogasya, you should act and behave like the lawyer you are.


#Atty.FalcisLawyernaPanis


Nagmamahal,

Isang Matalinong Pilipino