“Ang tanda – tanda niyo na, hindi pa kayo marunong gumalang sa kababaihan.” – Jover Laurio - The Daily Sentry

Sunday, November 11, 2018

“Ang tanda – tanda niyo na, hindi pa kayo marunong gumalang sa kababaihan.” – Jover Laurio



Compiled photos from Facebook
DIRTY OLD MAN – yan ang pagkakalarawan ni Jover Laurio sa Miss Earth Sponsor at negosyanteng si Amado S. Cruz sa bago nitong akda na nakabalandra ngayon sa kontrobersyal na social at political blogsite na PINOY AKO BLOG kung tawagin.

Umasta na parang na – aayon sa kagandahan, este sa totoong pangyayari ang lelang na si Laurio sa kanyang ini – akda at ipinangalandakan pa ang di - umanoý pang-haharass na ginawa ni “Mang Mando” kung kanyang tawagin, sa mga kababaihan na lumahok sa naturang tanghalan.


Hindi rin nito iniligtas sa kanyang paninira ang Pangulong Rodrigo Duterte na inihambing ang alegasyong kahalayang ginawa ng negosyante sa pananaw ng Pangulo pagdating sa mga babae.
Jover Laurio / Photo from Get Real Post
Aniya, “Well, yung boss mo wala din namang galang sa kababaihan minsan, pero ikaw iba ka, check the pic below tinding makahawak ng kamay mo oh,” habang tinutukoy ang larawan ni Cruz na niyayakap si Miss Greece.

Hinaing ni Ms. Guam

Giit ni Laurio, nabasa umano niya ang post ng tatlong kandidata na dumaan sa kahihiyang ginawa ni Cruz partikular na ang twitter post ni Ms. Guam na ini – ulat pa sa CNN Philippines.

Ayon sa alegasyon ni Ms. Guam, Emma Sheedy na bahagi nito ay isiniwalat sa kanyang post, sinabi nito na “Amado S. Cruz grabbed my bare backside at the National Costume Competition where I was able to push him away, but he consistently told me not to tell anyone about any of the instances.”

Dagdag pa nito, “Since other delegates have posted, multiple other queens from past years have come out about the same behavior. I want to help put a stop to this sponsor being a part of the Miss Earth International Pageant because he has become a problem for years.”

Buwelta Ni Cruz

Ayon sa panayam ni Cruz kay Mario Dumaual ng ABS CBN NEWS, WALA umanong katotohanan ang mga binibintang laban sa kanya at matagal na rin umano itong gumanap bilang sponsor para sa ilang pageant upang ma – promote ang Turismo sa bansa.
Photo from TheWorldNews.net
Hindi rin umano totoo ang bintang ni Sheedy ng Miss Guam sa isyung hinipu-an niya ang likuran nito sapagkat nasa isang formal public event ang mga ito.

Pinasalamatan din ni Cruz ang mga nagtanggol sa kanya at naglinaw na wala siyang nilabag sa batas na naganap sa Miss Earth.

Kabilang na dito si Monica Aguilar ng Miss Cuba na naglahad ng pangyayari sa Manila Yacht Club at pinasaringan ang bintang ni Miss Canada.

Depensa ni Aguilar, “Yes, some sponsors did ask us if we wanted to extend our visas to go to Boracay after the pageant, but no one was promised to get us further in the competition through ‘sexual favors’… All you can do is say no, thank you, and move on with your life.”

Bagama’t walang pahayag na magsasampa pa ng reklamo si Miss Canada at ang iba pang nakaranas ng panghaharass mula kay Cruz, tuloyan namang nai – ban ng Miss Earth Organization ang negosyante bilang sponsor nito sa mga susunod na tanghalan.

Idiniin ng organisasyon na hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng imoral na gawi ng kahit sinuman sa kanilang mga kandidata.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: pinoyakoblog