Wednesday, November 7, 2018

Atty. Chel Diokno sa pagpapaalis kay Sr. Patricia Fox: ‘Pinagdiskitahan si Sister Fox ng pamahalaan’



Sr. Patricia Fox amd Atty. Jose Manuel Diokno / Composite photos from Fresh Confidence PH and GMA Netwrok
Pinabulaanan ng Human Rights Lawyer na si Atty. Jose Manuel Diokno ang pagpapalayas ng pamahalaan sa kontrobersyal na Australian Missionary na si Sister Patricia Fox.

Sa isang video blog na ibinahagi nito sa kanyang Facebook page, iginiit ni Atty. Diokno ang di – umano’y katotohanan sa likod nag pagpapa – deport sa banyagang Madre.


Suporta Kay Fox

Sa hashtag na #NoJoke, nanindigan si Diokno na walang sapat na dahilan para maging mistulang banta si Fox sa pamumuhay ng mga Pilipino. Banggit nito ang tatlong dahilan kung bakit hindi naging patas ang naging desisyon ng pamahalaan kaugnay sa sinapit ng banyagang madre.

NARITO ANG BUOD NG KANYANG SINABI:

“Usap - usapan ngayon ang pag - deport kay Sister Patricia Fox. Ang sabi nila ay labag sa interes ng estado ang kaniyang ginagawa... Eto ang totoo:
Sr. Particia Fox / Photo from The Catholic Leader
“Unang - una, si Sister Fox, matagal na yan nandito, hindi naman siya pinapansin ng ating pamahalaan. Nung nalang nagsalita si Pangulo, bigla nalang yung buong makinarya na ng gobyerno ang ginamit para maipaalis siya.

“Pangalawa, 27 years na nandito nagseserbisyo si Sister Pat. Kung siguro ay may ginawang masama siya, eh matagal na siyang pinaalis dito sa ating bansa.

“Pangatlo, bakit kaya sumali si Sister Pat sa mga fact - finding mission? Siyempre para malaman niya yung katotohanan. Mahalaga sa kanya bilang isang madre na malaman niya kung ano ba talaga ang nangyare. Ang ibig sabihin nito ay pinagdiskitahan si Sister Patricia ng ating pamahalaan. Tama na, yung ganyang lokohan, dito na tayo sa katotohanan.

#NoJoke”
Atty. Chel Diokno / Photo from Facebook
Paglabag Sa Batas

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapa - deport kay Sister Fox dahil sa umano’y pakikisumamo nito sa mga isyung politikal sa bansa.

Matatandaang ibinasura ng Bureau of Immigration (BOI) ang hirit ng kampo ni Fox kaugnay sa visa extension nito kaya kailangan na niyang lisanin ang bansa.

Bumalik na ng Australia si Fox nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 3, lulan ng Philippine Airlines Flight PR 209 patungong Melbourne. Bago nito, isang press conference at misa sa Saint Joseph College sa Quezon City ang isinagawa.

Pasalamat Kay Sr. Fox

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Palasyo kay Fox sa lahat ng nagawang mabuti nito para sa bansa.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo nang tuluyan nang nakaalis si Fox ng bansa.

Nanindigan ang kalihim na dumaan sa maayos na DUE PROCESS si Fox at binigyan pa ito ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang panig subalit malinaw naman ang naging pasya ng immigration kaugnay sa paglabag na ginawa nito.

Ayon kay Panelo, ang pakikipaglahok ng isang dayuhan sa mga kilos protesta na nasa bansa ay malinaw na pag labag sa batas batay na rin sa kautusang inilabas din mismo ni dating DOJ Secretary at ngayo’y Senadora Leila de Lima.

Gayunman, sinabi ni Panelo na sana’y magsilbing mensahe sa iba pang mga dayuhang nasa Pilipinas ang sinapit ni Sister Fox na lumabag sa mga batas bunsod na rin ng pakikisawsaw nito sa mga usaping panloob ng bansa.

Ayon naman kay Fox, babalik umano ito ng bansa kung magkakaroon ng wastong pagkakataon upang ipagpapatuloy ang laban ng mga mahihirap na Filipino kahit nasa Australia.

BASAHIN NAMAN ANG IBA'T - IBANG KOMENTO NG NETIZENS SA IBABA:

Naty Lozano: Hay wag na pag-usapan ang pag-pauwi ng Ali....pinalaki lang ninyo...finish na....nkalabag nman talaga siya sa batas natin...mas mabuti na yun nauwi na siya na medyi may lakas pa....Alien nman yun dto.

Romel Buslon Aseniero: Ikaw Kaya pumunta SA Australia then magdala ka ng plakard at magsisigaw ka at sumama KA SA mga nagrarally against SA presidente Doon anong gagawin sayo sir? Papalakpakan ka ba ng Australian government dahil SA pakikialam mo SA politika nila gayong Hindi ka Naman botante nila hmmmmmm

Emmanuel I. Lapak: Hindi naman siya basta pinadeport binigyan siya ng pagkakataon na sagutin ang dahilan ng pagdedeport sa kanya... eh kaso hindi sinangayunan ng batas ng Pinas ang kanyang paliwanag kaya tuloy ang pagpapaalis sa kanya... itanong niyo kay former Sen. at former DOJ Sec. Leila De Lima kung makatarungan ang pagdeport sa kanya... para maliwanagan ka...

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.