Saturday, November 10, 2018

Atty. Chong sa mga nadala sa pag-indorso ni Duterte kay Roxas: “Akala nila endorsement, yun pala ay indictment”



President Rodrigo Duterte and Mar Roxas / Photo from GMA Network
Nilinaw ng Vice Presidential Electoral Protest Legal Counsel na si Atty. Glenn Chong ang naging mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag - indorso di – umano nito kay Mar Roxas sa darating na Midterm elections.

Tila marami ang nasindak sa sinabi ng Pangulo ukol kay Roxas bunsod ng balitang ipinakalat naman ng mga mainstream media.


Karamihan sa mga ito ay ipinalalabas na may boto di - umano ang Pangulo kay Roxas subalit ang totoo ay pinairal lamang nito ang pagkakasakdal ng dating opisyal sa lumalaganap na ipinagbabawal na gamot noong panahong nanilbihan ito bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saang hawak nito ang kawan ng buong Philippine National Police (PNP).
Atty. Glenn Chong / Photo from UNTV
Nabanggit ng Pangulong Duterte si Roxas habang tinutulugsa nito ang dating PNP Deputy Director General na si Marcelo Garbo Jr. sa isang talumpati na ginanap sa isla ng Boracay nito lamang Huwebes, Nobyembre 8.

Aniya, "Itong si Garbo, I don't know where he is. You know Garbo was the police aide, senior aide of Roxas. Pero Garbo na 'yan, naghawak ng ipnagbabawal na gamot sa Visayas. Iyon ang police makita mo palagi sa tabi ni Roxas doon."

"Alam ko si Roxas... vote for Roxas, Ilonggo eh. Iboto ninyo, walang problema 'yan," dagdag ng Pangulo.

Ipinangalanan ng Pangulo si Garbo noong 2016 bilang isa sa limang matataas na opisyal ng PNP na nasa watchlist at ipinag – utos ang agarang pagtanggal ng mga ito sa kani – kanilang puwesto. Ngunit kinalaunan ay itinanggi ng mga ito ang naturang akusasyon.

Away Nina Roxas At Duterte

Mababatid na nagkaroon ng mainit na sagutan noong 2015 ang dalawang opisyal na humantong sa hamon ng suntukan, sa simula pa lamang ng kampanya para sa Presidential Elections nitong 2016.

Matapos hamunin ni Duterte na nooý alkalde pa ng Davao City ng sampalan si Roxas, binalaan naman nito ng SUNTUKAN ang nakatatandang opisyal.
President Rodrigo Duterte and Mar Roxas / Photo from CNN Philippines
Sa isang panayam, sinabi ni Roxas na, "Talk, talk, talk, yan na lang ang ginagawa mo, Digong, eh, daldal nang daldal. 157 P. Tuazon, Cubao, Quezon City. Aantayin kita."

Naunang sumiklab ang away ng dalawa matapos pinasaringan ni Roxas na hindi umano totoo na maayos at tiwasay ang Davao City sa ilalim ng pamumuno ni Duterte kung saang kinuwestiyon din nito ang pagtamo ni Roxas ng degree mula sa Wharton School of Economics ng University of Pennsylvania.

Hamon ni Roxas kay Duterte, "Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ko, hindi ako iilag. Pero kung totoo ang Wharton degree ko, sasampalin kita."

"Hindi ko problema na ayaw maniwala ni Digong. Ayaw niya maniwala, eh di huwag,” giit ni Roxas.

Galak Ni Roxas At Robredo

Abot – langit naman ngayon ang tuwa na natamasa nina Roxas at Vice President Leni Robredo nang malaman ang umano’y ipinakitang kagandahang – loob ng Pangulo sa kanilang kandidato na kakatawan sa partidong ‘Oposisyon Koalisyon’.

Ayon sa text message ni Roxas na ipinadaal sa mga reporters nito lamang Biyernes, "Maraming salamat kay Pangulong Duterte kung ganoon man ang sinabi niya tungkol sa akin."

"Katulad ng sinabi ko, tumatakbo ako para sa Senado hindi bilang Round 2 ng 2016, kundi para makatulong lutasin mga problemang hinaharap ng mga Pilipino. Malinaw naman sa akin: There's no reason why Filipinos should not progress. I want to go back to public service, so I can help with this,” dagdag ni Roxas.

Hindi naman nagpahuli sa pag – abot ng mensaheng pasasalamat ang lelang na si VP Leni sa Pangulo. Aniya, “Masayang balita na in-endorse ni Pangulong Duterte si Secretary Mar for the Senate. Affirmation iyon na very much qualified, walang duda iyong qualifications, dapat talagang tulungan.”

Iginiit din ni Robredo na wala itong alam tungkol sa pag indorso ng Pangulo kay Roxas kung hindi ito isinalang ng mga reporters sa kanilang panayam.

Post Ni Atty. Glenn Chong

Ibinahagi naman ni Atty. Glenn Chong sa isang Facebook post nitong Sabado ang naturang paglinaw na siguradong kinamumuhian na naman ng mga dilawan.


Aniya, “AKALA NILA ENDORSEMENT NI PRRD, YUN PALA AY INDICTMENT!

Indictment: Bagay na nagsasalarawan na ang isang sistema o sitwasyon ay masama at kailangang kondenahin.

Nang sinabi ni Pangulong Duterte na iboto si Roxas, agad ikinagalak ito nina Mar Roxas at Leni Robredo. Nagpasalamat si Roxas. Patibay sa liderato ni Roxas, deklara naman ni Robredo.

Akala ng dalawang ito ay inindorso si Roxas ng Pangulo.

Akala nila endorsement, yun pala ay indictment

TANGA! MALI!

Ang sinabi na ito ng Pangulo ay dapat ilagay sa tamang context o mga pangyayari na siyang pumuporma sa setting ng isang pahayag.

Nang sinabi ng Pangulo na iboto si Roxas, itinuro din niya ang dating police official na si Marcelo Garbo na dating aide ni Roxas bilang "naghawak ng ipinagbabawal na gamot sa Visayas"na "palagi sa tabi ni Roxas doon." Ito ang context ng sinabi ng Pangulo.

Ibig sabihin, kung gusto ninyon may iligal, iboto si Mar Roxas. Ito ay malinaw na indictment at hindi endorsement.

WOW, TANGA!”

Ayon sa Netizen na si Criz Najed, “The problem with such statement is a lot of filipinos, sadly, can’t distinguish between sarcasm and truth. And LP might parade this as an endorsement, knowing how these peeps think. So, this may boost Mr. Roxas’ candidacy unless the President clarifies it. And I’m grossly worried.”

Banat naman ni Kiddie Bautista, “Kapunapuna talaga ang IQ ng dilawan (kung mayroon man) bakit napakahina nilang umintindi.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Glenn Chong