Friday, November 30, 2018

Dahil puno ng ang salop! Mister, mahigit lima ang kabit, iyak ng iyak sa Tulfo para bigyan ni misis ng 'last chance'



Collage photo ng face-to-face ng mag asawa sa programang Raffy Tulfo in Action / screen-capped image from the video




Paano kung napuno na ang salop?

Isang misis ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa mister niyang mahigit lima umano ang naging kabit.

Gustong sampahan ng may bahay na si Mira Monterde ng kaso ang kanyang mister na Overseas Filipino Worker (OFW) na si Rembert Monterde ng kaso dahil sa pangangaliwa nito.


Humingi ng tulong si Mira kay Tulfo para sampahan ng kaso ang mister na hindi umuwi sa kanya noong ito ay bumalik ng Pilipinas kundi sa iba at dahil sa sobrang daming beses siyang niloko.

'Second chance'

Tinawagan ni Tulfo si Rembert at iyak ito ng iyak habang humihingi ng ‘second chance’ kay Mira.

Ngunit matigas si misis dahil mahigit sa limang beses na umano ito ginawa ni mister at may mga malalaswang larawan pa siyang nadiskubre sa dummy Facebook account nito.

Dahil hindi nakuha sa pakiusap si misis sa telepono ay umuwi ng Pilipinas uli si mister upang makausap ng personal ang asawa.

Inamin ni Rembert sa kanyang pakikipag harap kay Tulfo at sa kanyang misis na siya ay babaero, at dahil na rin umano daw sa mga taong nakasalamuha niya sa Saudi, na ganoon din ang ginagawa kaya siya ay natukso.

Kwento ni mister, pinatawad naman daw siya ni Mira nang una nitong nalaman na siya ay may ibang babae.

'Natukso at naging marupok'

Dagdag pa niya, mahirap daw talaga ang buhay niya sa Saudi, gutom, lungkot, at lahat ng nakapalibot sa kanya ay may pangangaliwang ginagawa at hindi rin daw siya tinutulungan ni misis na magbago.

Abot hanggang sukdulan naman ang pagtitiis ni Mira sa asawa ayon dito, dahil hindi ito umuwi sa kanila ng isang pasko bagkus ay namudmud ito ng pera sa side ng kabit nito.*

Pero kahit anong iyak ng mister ay ayaw na siyang patawarin ni Mira dahil huli na daw ang lahat.

Nakikipag hiwalay na siya talaga sa asawa sa sobrang dami ng panloloko nito sa kanya.

Nang tanungin ni Tulfo kung anong pwedeng gawin ni mister para muling mapatawad ni misis, nilabas muli nito ang larawan na may kahalikan si mister.

Lumabas din na may death threat ang babae ni Rembert laban kay misis.

Ayon pa kay misis, umabot pa daw siya sa point na pinayagan niya si mister na gumamit ng babaeng bayaran kung di nito kaya, basta wag lang ipapaalam sa kanya.

Sinabi din ni misis na huli na nyang pinang hawakan ang kanilang anak, ngunit lumabis na si mister nang hindi sila inuwian ni mister ng pasko.

Inamin din ni mister na siya ay naging mapusok habang malayo kay misis.



Lumuhod din si Rembert sa asawa matapos ang paghaharap nila ngunit matigas ito at galit na galit sa kanya / screen-capped image from Tulfo in Action's video



Source: KAMI, Youtube