Monday, November 5, 2018

De Lima binatikos ng DOTr at DPWH dahil sa sablay at misleading na impormasyon sa ‘Build, Build, Build’ ng gobyerno



Composite photos from inquirer.net and dbm.gov.ph
Pinabulaanan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang inilabas na impormasyon ng nakakulong na senador na si Leila De Lima kaugnay sa build build build project.

Misleading at Sablay

Kamakailan ay naglabas ang senadora ng Senate Resolution 927 at ipinasisilip nito ang napipintong proyekto ng gobyerno na nagkakahalaga ng 27 bilyong piso.


“Some residents of Sampaloc, Manila, have long been apprehensive of their forcible eviction and relocation to give way for the construction of these projects. They have repeatedly stressed that the concerned agencies have failed to adequately consult with them concerning the right-of-way negotiations,” Pahayag ni De Lima.
Senator Leila De Lima / Photo from abogado.com.ph
Ang nasabing proyekto ay ang North Luzon Expressway—South Luzon Expressway connector road project at P171 billion piso para north-south commuter railway project.

Dahil dito, igniit ng senadora na ang proyektong ito ay apektado ang nasa 180,000 pamilya sa Metro Manila.

Kung kaya naman binatikos ng dalawang departamento ng gobyerno (DOTr at DPWH) si Sen. De Lima dahil umano sablay at misleading ang binitawang impormasyon ng senadora.

Pinabulaanan

Sinabi nila na malabong maapektuhan ang nasa 38 barangay sa Metro Manila dahil ang malaking bahagi ng proyekto ay nasa Clark 1, PNR Clark 2, PNR Calamba at PNR Bicol.

“The DOTr and DPWH stress that contrary to what the good Senator may have intentionally or unintentionally misstated, the Informal Settler Families (ISF) affected by the NSCR Projects are not confined to 38 Barangays in Manila, but are rather spread across Region III (Central Luzon), National Capital Region, Region IV-A (CALABARZON), and Region V (Bicol),” Pahayag ng dalawang ahensya
Photo from philstar.com
“The DOTr and the DPWH, under the Duterte Administration, remain steadfast in its goal of giving a better life for all Filipinos, and will not be diverted by criticisms anchored on false and misleading data,” Dagdag pa nito.

Igiit din ng nasabing ahensya na mababa lang ang porsyento ng maaapektuhan na pamilya sa proyektong ito dahil pinag-aralan na nila ang dadaanan ng construction.

Sa huli ay ibinida naman ng DOTr at ng DPWH na walang ibang makikinabang sa build build build project ng administrasyong Duterte kundi tayong mga Pilipino din at siguradong magreresulto ito ng mas magandang pamumuhay ng bawat pamilya.

Sa magkahiwalay na salaysay, sinibi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na handa ang ahensya ng gobyerno kung sakaling magpatawag ang Senado ng pagdinig kaugnay sa isyung inihain ng senadora.

Pinasaringan naman ni Panelo ang senadora na panahon nanaman kasi ng eleksyon kung kaya't pilit na naghahanap ang taga oposisyon para siraan ang administrasyon.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: rmn.phinquirer.net