Dinaya ako noong 2016 presidential elections – Binay - The Daily Sentry

Wednesday, November 14, 2018

Dinaya ako noong 2016 presidential elections – Binay



f
Jejomar Binay / Photo from Rappler
Naniniwala si dating Bise Presidente Jejomar Binay na PANDARAYA ang naging pangunahing dahilan kung bakit natalo ito sa halalan noong 2016.

Tahasang binanggit ni Binay sa naging talumpati nito sa Manila Bay nitong Miyerkules na pumapangalawa na sana ang mga boto nito sa kapwa kumakandidato at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte noong araw ng halalalan.


Pakli ni Binay, “Ang number one [na] dahilan kung bakit ako natalo ay yung cheating sa eleksyon.”

Aniya, “Ako talaga, at the worst, (dapat) number two,” dagdag niya.”

Mababatid na naging pang – apat lang ang opisyal sa huling resulta ng eleksiyon mula sa hanay ng mga Presidentiables na nasungkit ni Duterte. Sinundan naman ito ni dating Department of the Interior and Local Government Secretary na si Mar Roxas, kasunod si Senator Grace Poe.
Jejomar Binay / Photo from philstar
Nagpasya si Binay na hindi na lamang iprotesta ang naturang alegasyon dahil sa ‘practical reason’ na naulinigan nito sa posibilidad na hindi mananaig ang kanyang apela at bayad sa pagsampa ng reklamo.

Sa ngayon, balik – kampanya na ang dating Bise – Presidente na tatakbo bilang kongresista sa Unang Distrito ng Makati para sa 2019 Midterm Elections.

Kinumpirma ang naturang impormasyon ng spokesperson ni Binay na si Joey Salgado sa isang text message na pinadala sa media.

Ayon sa text, inihayag ni Salcedo na, “I am confirming that former VP Binay will run as Representative for the First District of Makati.”

Posibleng magiging katunggali ni Binay si Kid Peña, ang nauna nang nakalaban ng kanyang anak na si Abby sa pagka - Alkalde noong taong 2016.

Naging mainit ang paghaharap nina Kid at Abby matapos masuspende ng kapatid nitong si dating Makati Mayor Junjun Binay na nag ugat naman sa kaso ng pinaghinalaang ‘overpriced’ parking building ng Makati City Hall na pinanaluhan ni Abby.
Photo from CNN.com
Naghayag din ng interes ang kasalukyang Alkalde ng Makati sa muling pagtakbo nito s susunod na halalan.

Naghain ito ng kanyang Certificate of Candidacy (COC), isang araw matapos maghain din ng kandidatura ang mismong kapatid nitong si dating Mayor Junjun Binay. Sumabak sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA) si Abby na dating itinaguyod ng sarili nitong Ama.

Kasama ni Abby naghain ng kani – kanilang COC sina Makati Vice Mayor Monique Lagdameo, ang kanyang ama na si Jejomar Binay, at dating Senador na si Rene Saguisag na tatakbong kongresista.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Abante